Caela's POV

"Ate Caelaaaaaaa, namiss po kita." Salubong sa akin ni Dindin pagkapasok na pagkapasok namin sa palasyo ng Mystique.

"Namiss din kitang bata ka. Lalo kang bumigat." Biro ko sa kanya. Nagpabuhat pa kasi sa akin, eh ang bigat-bigat niya.

You heard it right, nandito kami sa Mystique palace. Dinadalaw ko sina Mama at Papa, hindi kasi ako nakadalaw sa kanila nung nakaraang araw. Kasama ko din ang Superiors, pinapatawag kasi sila. Tapos sina Sophia at Michie nandito din.

"Good morning, Your Highness." Bati nilang lahat kina Mama at Papa.

My beautiful mother gave them a genuine smile while my father is on his authoritative look. Ang hilig mang-intimidate, pero kapag kami na lang naman yung magkasama, mas childish pa sa akin.

"Sweetie, bakit naman ngayon mo lang kami dinalaw ulit?" Kunwari ay nagtatampong saad ni Mama. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi tsaka si Papa. Pampalubag loob, masyado pa namang matampuhin ito. Hahaha.

"Sorry Ma, busy lang po sa school. Siyanga pala sina Sophia at Michie, mga kaibigan ko din po sila." Pakilala ko kina sis, di ko na naman kailangan pang ipakilala ang Superiors dahil nauna pa nga nilang makilala sila kaysa saakin.

"Magandang araw po, mahal na reyna, mahal na hari." Sabay na pagbati nila.

"Hello there, gorgeous ladies." Nakangiting bati ni Mama, habang tinanguan lang naman sila ni Papa.

Nauna na silang magtungo sa meeting room. Naiwan muna ako dito kina Michie, Sophia at Dindin. Bawal pa kasi sila doon sa loob.

"Sigurado ba kayong okay lang kayo dito? Pwede ko namang pakiusapan sina Mama." Baka kasi hindi sila ayos dito sa labas.

"Ano ka ba, sis? Okay lang kami dito. Sige na pumasok ka na doon. Tsaka ipapakita din sa amin ni Dindin yung room daw niya dito sa palasyo. Hehe" sagot naman ni Mich. Pagkatapos noon ay nagpaalam na din ako sa kanila at pumasok na sa loob.

Nakita kong sa katabing pwesto na lang ni Dashiell ang bakante. Kaya no choice, doon na lang ako uupo.

"Para namang lugi ka pa doon. Di ba yun nga yung gusto mo?"

Wag niyo ng tanungin kung sino yon. Yung epal ko lang na puso. Suminghot kasi ng maraming dumi ng pegasus, kaya ganun. Hahaha. Napapatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Pati ba naman puso, paano naman kaya yun makakasinghot ng dumi? HAHAHAHA!

"You're creepy baby. Ngumingisi ka diyan mag-isa." Nanigas naman ako dahil sa ginawang pagbulong ni Dashiell. Siraulo, nakakagulat pa! Sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka dinilaan. Bwisit, ang gwapo niya kasi.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!