Three Words. Eight Letters. Say it and I'm Yours - ENDING (Fanfic)

34.8K 399 74
                                                  

NOTE: Since baka tamarin na akong gumawa sa Sembreak ginawa ko na ngayon. Ganyan kita kamahal Girlinlove. HAHAHA! Oh ayan, di ko alam kung si CK ba talaga to! Yung serious mode niya ang gamit ko! Muahahaha! Pasensya na! Di pa ako nagaaral ng Philo at PE, FINALS ko bukas! HAhahahahaha! Oh sha, ayan na Ms. Author. :P IMY :*

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Calvin Klein's POV

Andito na kami sa airport at ilang minuto nalang at sasakay na kami sa eroplano papuntang Korea.

"Chanel, sigurado ka na ba na sasama sa amin? Pwede ka pang umurong."

Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa cellphone niya at sabay umiling.

"Sasama ako. Kailangan kong sumama."

"Pero, pa-paano si Kean?"

"Wala na kami ni Kean."

"Pero mahal mo siya."

"Kailangan siya ng mama niya."

"At ikaw? Hindi mo siya kailangan?"

"Ayokong papiliin si Kean. Ayokong maulit ung nangyari noon nung pumili siya sa amin."

Tumingin siya sa akin at bakas sa kanyang mga mata ang pagpigil sa mga luha niya.

"Mahal ko si Kean pero kailangan ko siyang palayain para... pa-para sa mama niya."

At tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Niyakap ko si Chanel. Ramdam ko ung sakit na pinagdadaanan niya. Sobrang nasasaktan siya sa mga oras na ito. Gusto ko siyang tulungan. Gusto kong tulungan si Chanel, pero paano?

Ang sama naman ng tadhana kina Kean at Chanel..

*What are words

if you really don't mean them when you say them

what are words

if they're only for good times, then they don't*

Agad kong kinuha ang cellphone ni Chanel at sinagot ito. Nasa tabi ko lang siya at patuloy na umiiyak.

"Hello"

"Panget! Panget! Nasan ka?!"

Three Words, Eight Letters by GirlinloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon