Peter.

"We are not the one who started it. Nag-uusap lang kami nang bigla silang lumapit at naghamon ng away. I don't violate rules. Right, girls?" Nakikinig lang kami sa paliwanag ni Nathalie.

"Yeah, they insulted us! Bumawi lang kami." Sagot naman ng isang kasama niya. Ang aarte, bigyan ko sila ng tig-iisang tadyak eh. Hmp.

"Wow, pang best actress ang datingan! Ang kakapal ninyo! Kayo kaya ang nag-umpisa ng gulo. Kayo ang lumapit sa amin at bigla na lang magsasalita ng kung ano-anong pang-iinsulto." Pagtatanggol ni Michie sa panig nila.

Go, Michie girl!

Napatingin naman kami sa banda nila. Nakaupo silang tatlo sa harapan namin at ganoon din ang grupo nina Nathalie. Nasa kabilang sofa lang sila.

Natatawa ako sa expression ni Pretty Caela, habang pinagmamasdan sila Nathalie. She looks like she wants to punch someone right now. Hehe.

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kaliwang braso niya. Nag-init bigla ang ulo ko nang makita kung ano ang nangyari doon. Napakawalanghiya ng babaeng 'yun! Anong karapatan niyang sugatan ang flawless skin ng aking twinnie?!

"NO! KAYO ANG NAG-UMPISA!" Tumayo si Nathalie sa kinauupuan at tinuro pa niya sina Caela. "Maniwala ka sa amin Dashiell. See, may mga galos pa kami at dahil ito sa kanila."

"Wow! Talagang ipagpipilitan mo na kami ang nag-umpisa, ha? Nakakahiya naman." Sarkastikong sagot naman ni Sophia at inirapan ang grupo nina Nathalie.

"How dare you, roll your eyes on me huh? Ang kapal ng mukha mo isama mo na rin 'yang malandi mong kaibigan." Napipikong tugon nito sabay turo pa kay Caela.

Aba't! Sumusobra na 'tong bruhang ito. Hindi hamak na mas malandi siya kay Caela, dahil hindi malandi ang bebe ko. Putulin ko kaya ang dila niya! Tatayo na sana ako para komprontahin ito pero naunahan na ako ni Audrey.

"Watch your mouth, Miss. Hindi mo kilala ang sinasabihan mo ng malandi. Baka hindi ako makapagtimpi, kaladkarin kita palabas ng pintuan ngayon din!" Galit na saad ni Audrey. Tumayo naman si Zoey para awatin ito.

"Hey, calm down Aud!" Saway naman ni Ian.

"See? Nalason na rin ng babaeng 'yan ang utak niyo. Sa halip na kampihan ninyo kami, sila pa rin 'yung pinapanigan niyo. Bakit? Kasi malandi naman talaga siya, nilandi niya kayong lahat! Famewhore siya! Akala mo naman sisikat siya porket kasama ninyo siya! Caela is a bitc--" nanggagalaiting sigaw nito pero di na niya naituloy pa ang dapat niyang sabihin ng may isa pang malakas na boses ang pumutol sa kaniya.

"Continue, what you're saying and I will not hesitate to burn you to death. Sisiguraduhin kong hindi ka makakalabas ng kwartong ito ng humihinga." Dashiell said through gritted teeth.

I felt goosebumps when I heard that. Beastmode na naman si leader. Gago naman kasi itong si Nathalie. Lagi ng inaway ang Caela namin.

"Wh-what?" Bakas sa mukha niya ang takot nang marinig ang boses ni Dashiell. Kanina pa nga siya tahimik at alam kong kanina pa rin siya nagtitimpi.

Sa nakikita ko pa lang na sugat sa braso ni Caela, gustong gusto kong pilipitin ang leeg ng babaeng 'to! The king and the queen obliged us to look for their daughter. Pero heto, nasangkot pa sa away ang anak nila at ang malala may sugat pa.

"Enough of this conversation. All of you will have their punishment. No exemptions! Nathalie and your company will clean the comfort rooms, both girls and boys for the whole year! No using of powers." Seryosong saad ni Dash.

Narinig ko naman ang pagrereklamo nila pero sinamaan lang sila ng tingin ni Dashiell, kaya tumahimik. "And for the three of you," baling niya kina ganda. "You'll be in charge with the training grounds."

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!