Chapter 37: Tampuhang Cassandra at Tammy part 1

12.5K 161 48
                                    

****37****

“Alam mo ate Tammy, kahit anong gawin mong tago diyan, magkikita at magkikita parin kayo.” Sabi ni Elmo habang nakatingin kay Tammy.

Kanina pa kasi napapansin ni Elmo na iba na kinikilos ni Tammy pagkadating nila sa school, lingon dito, lingon dun at panay takip pa ito sa kanyang mukha.

“ Talaga?! Anong gagawin ko~~~~?”

“ Kasi naman, paano  hindi kayo magkikita eh, una sa lahat magkaibigan kayo, hahanapin ka nun at pangalawa, parehas kayo ng course at hindi lang course kundi pati schedule. Bakit hindi mo nalang kasi siya harapin,  wala ka naman dapat ika guilty, ni hindi mo nga alam kung talagang sila eh at saka sa ginagawa mo mas lalong ka mas masasaktan pati na rin yang kaibigan mo.”

“Elmo, hindi na kailangan na sabihin nila sa akin na meron silang relasyon, dahil ako mismo na nararamdaman ko na sila. Di ko alam Elmo, pero sa tingin ko mas maganda na ganito, na iwasan ko siya dahil sa mga nangyayari kesa naman na lagi akong nandiyan sa tabi niya at ang alam niya na isa akong mabuting kaibigan pero ang totoo ay hindi." 

“ Eh paano kung sabihin ko sayo na, nararamdaman ko rin na hindi sila huh.”

“ Elmoooo, pag kausap niya si Cassandra, ibang iba ung tono ng pag sasalita niya kumpara pag kausap niya tayo, ung tono kapag pag kausap niya si Cassandra may lambing.”

“ Lambing? Paano mo nalaman na lambing yun huh, nalambing ka na ba ni Vlad?" makahulugang tanong ni Elmo at sinamahan pa ng mapang asar na tingin kay Tammy.

“ Hindi huh! Oh eto pa, isang tawag lang ni Cassandra kay Vlad kahit anong oras pa yan, pupuntahan niya agad agad o diba, kung wala talaga relasyon, anong ibig sabihin nun.”

“ Yun ba basehan mo para masabi mo na merong relasyon ang dalawang tao? Edi ibig sabihin meron rin kayong relasyon ni Vlad, ganun ba?”

“ Anong ibig mong sabihin?”

“ Hehehehehe nung pumunta kayo sa party ni Olive, di mo ba alam na may na tanggap na tawag si Vlad nung gabing un at nag madali siyang umalis at nagulat nalang ako, na pag kadating niya ikaw kasama niya. Ni hindi niya alam kung saan ba yung  bar na un pero nahanap ka parin niya, anong ibig sabihin nun huh, mas matindi yun kesa sa basehan mo sa kanilang dalawa ni Cassandra. Anong gusto mong isipin ko na meron rin kayong relasyon ni Vlad?”

“Hinanap niya ako? (mahinanong tanong ni Tammy kay Elmo) Ay hindi hindi! Magkaibigan lang kami noh at saka baka yung tumawag sa kanya, yun ung nag sabi sa kanya kung saang bar un.”

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon