Part 77

228K 3.9K 202
                                    

Medyo inaantok na si Leandro sa kinatatayuan niya. Ito ang ayaw niya kapag bahay ang binabantayan niya. Boring talaga. Tapos wala pang makausap dahil solo duty lang siya. Wala man lang siyang kasama na security guard. Buti sana kung dinadalaw man lang siya ni Yolly dito, pero wala man lang Yolly na lumalabas sa malaking bahay. Panay ang silip niya sa loob at umaasang pupuntahan siya ng dalaga. Subalit hapon na pero wala talagang Yolly na dumalaw sa kanya. Ni mag-'Hi' man lang sana sa kanya. Nakita naman siya kanina, eh.

Sabagay hindi na dapat siya nagtataka. Sa malamang, eh, binabakuran na ngayon ng mayabang na Andy na iyon si Yolly kaya hindi makalabas ang dalaga.

Paano na? Anong laban niya kay Andy ngayon?

Ang saklap talagang maging mahirap. Kung sana kasi ay kasing yaman din niya si Andy di sana ay hindi siya dihado sa puso ni Yolly. Tsk!

"At malamang mas malayong mas guwapo ako ro'n. Nabibilad lang kasi ako sa araw," hindi niya namalayang naisatinig niya sa sama ng loob. "Try niyang magbanat ng buto. Magbilad din siya sa araw. Tingnan natin kung guwapo pa rin 'yon. Maputi lang kasi," dagdag pa niya.

Ngunit anong gulat niya nang biglang may tumikhim sa likod niya. Natigilan siya at namilog ang mga mata niya.

"Sinong sinasabi mong guwapo lang kasi maputi?!"

Paktay! Sabi na nga ba niya at si Andy ang tumikhim.

Napabuga siya ng hangin. Alam niyang hindi niya na ito puwedeng kalabanin dahil boss na niya ito ngayon. Pero bahala na.

Bumagsak na baunan ang sunod naman na narinig niya kaya napilitan na siyang lumingon sa kapwa binata.

"Ipinapabigay ni Yaya Chadeng! Magmiryenda ka raw!" kaswal na wika ni Andy, pero makikitang nagtitimpi lang ito.

Tahimik na pinulot ni Leandro ang baunan. May sandwich iyong laman at mukhang masarap pero dahil si Andy na mayabang ang nagdala n'on ay nunka niya iyong kakainin. Malay ba niya, baka nilagyan pa ito ng lason.

"Salamat," tipid niyang sabi na lang na tinabi sa guard house ang baunan na iyon.

Napangisi si Andy kasabay ng pagpamulsa nito sa dalawang kamay. Pagkuwa'y sinadya nitong nanliliit ng pagkatao na tiningnan si Leandro mula ulo hanggang paa. Guwapo raw siya kasi maputi lang siya?! Eh, kahit naman pumuti si Leandro mas guwapo pa rin naman siya, eh! G*gong 'to!

Alam ni Andy na siya ang tinutukoy ni Leandro pero hinayaan na lang niya. Masaya nga siya dahil parang babae pala si Leandro na insecure. Bakla ang shokoy! Tss!

Napasinghap naman sa hangin si Leandro na pumanaywang. Subukan lang siyang kantiin ni Andy at hindi talaga niya ito uurungan. Alam niya minamaliit siya ni Andy dahil guwardya lang siya pero kahit ganito lang ang trabaho niya ay proud siya rito kaya walang karapatan ang kahit na sino na maliitin siya.

Salamat sa Diyos dahil pagkatapos namang ngumisi at magkibit-balikat ni Andy ay tumalikod na ito. Nakahinga siya ng maluwag. Aaminin niyang kinabahan siya doon. Buti na lang nakapigtimpi siya dahil kung hindi, unang araw pa lang ay mabibigo na sana niya sa Madam Angie.




*******

"YAYA, sa tingin ko dapat nating sundan si Andy?" Si Yolly at kagat-kagat niya ang isang hintuturo niya. Paano'y kinakabahan siya sa inutos nila kay Andy. Baka mag-clash na naman ang dalawa 'pag nagkita pala.

"Bakit naman?" tanong ni Yaya Chadeng na ipinagpapatuloy ang pagliligpit at pagwawalis sa Jar na nabasag.

"Alam niyo kasi muntik nang magpatayan ang dalawang iyon, eh."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon