This Crazy Bastard

1.4M 15.3K 2.6K
                                                  

Hi. If you'd notice, all of my stories have advertisements. And if it is not too much, please watch the videos. It will help me write more stories for you guys =) Anyway, enjoy reading! And comment your reactions, if you can =) x Eydee

**

#TCBwp

"Oh..." sabi ko ng nakayuko kay Kris. Shems! Bakit ba kasi super gwapo nitong si Kris?! Feel ko tuloy bigla na lang akong mapapahiga dito sa sahig!

Tinignan niya lang ako ng nakataas yung dalawang kilay niya. Bakit po ang gwapo gwapo mo, Kris?! Bakit din ba kasi pinanganak akong hindi maganda, sana yung tipong mga mala Jessica, yung kagaya ng ex mo. Bakit ba kasi ang simple simple ko? 

Inabot niya yung gift ko. Mabuti naman! Akala ko kasi itatapon niya, e! Masungit pa naman 'to pero syempre loves ko pa rin!

"Ano 'to?" sabi niya. Jusko! Dalawang salita lang naman yung binitiwan niya pero yung puso ko parang sasabog na! Gosh ha! 

"Uhmm, regalo ko lang..."

"Hindi ko naman birthday," sabi niya. Sobrang manly ng boses nitong si baby loves! Kaya naman madami kaming nagkakagusto dito e. Grabe! Oo alam ko naman na isa ako sa mga baliw na baliw dito kay Kris. Masisisi niyo ba ako?! Ang gwapo niya, ang tangkad, kung magdamit akala mo laging kakagaling lang sa fashion show! Magaling din syempreng sumayaw si Kris ko no! Member yata siya ng Axis! Boy group sa school namin na sumasayaw at kumakanta. Sobrang higpit nga nila kasi hindi sila nagpapa audition ng members, by invitation lang. Sa ngayon, anim lang sila. 

Nakayuko ako pero ramdam na ramdam ko yung pamumula ng mukha ko. Gosh, in love na nga yata ako!

"Oh," sabi niya sabay balik sa akin ng regalo ko. 

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"B-bakit mo binabalik?" 

Nagshrug siya. Shems naman! Bakit kahit yun lang ang gwapo gwapo niya lalo?! Kamusta naman ang ovaries ko?!

"Hindi ako tumatanggap sa di ko ka close, e. Ge," sabi niya sabay lagay ng kamay sa bulsa niya at naglakad na siya paalis. 

Dahil ang motto ko sa buhay ay don't give up, hinabol ko siya. Go, Sandy! Kaya mo yan! Hindi mo prinoklama na ultimate fan girl ang sarili mo kung susuko ka lang sa simpleng rejection ng ultimate bias at love of your life mo sa Axis! Aja aja!

 "Kris, tanggapin mo na 'to, please?" 

"Uy, Kris..."

Napakasungit talaga nitong si Kris! Mas lalo akong naiin love! 

Kanina ko pa siya sinusundan, actually, nakalabas na nga kami ng SM Academy. Nandito na nga kami sa SM Town, e. Yung SM Town ay tambayan ng mga students galing SM. Meron ditong mga resto, arcade, basta everything na kailangan ng peoplets! Ang galing kasi ni Director Soo kasi naisip niya na lahat ng kailangan namin. Kahit di na nga ako lumabas sa school na 'to, dito na lang ako forever and ever tapos susundan ko na lang ang Axis! Hehehe.

Nakarating kami sa isang resto, nako baka nagugutom na si baby Kris ko! Medyo tumalikod ako at tinignan ko yung laman ng wallet ko. 

Wala na pala akong pera! 

Obviously, pang mayaman lang naman ang SM Academy pero dahil ako itong dakilang ilusyonada, nagpilit akong mag enroll dito! Hindi ako nakapasa sa scholarship exam kasi naman hindi ako matalino.  Si Baby Kris matalino yan tsaka multilingual. Bakit almost perfect na siya?! It hurts!

Ang ginawa ko na lang, naging student assistant ako sa library, bale half scholar lang ako pero keribells na 'to! 

Nakita kong pumasok si Baby Kris sa resto, at ako, nandito lang sa labas, tahimik na nagmamasid. Ang hirap pala talagang maging isang fan girl, ano? Patingin tingin ka lang from afar. Lagi mong dala ang magic camera mo para kumuha ng stolen pics, mawawasak ang puso mo tuwing may rumor na dating sila ni ganito, ni ganyan. Jusko nakakabaliw!

Nagsquat na lang ako sa gilid ng resto, medyo tago pa ako dahil may halaman dito. Hindi naman ako pinapansin ng ibang students dito dahil abala sila sa kani kanilang life. Joke lang po. Kasi hindi naman ako sikat para magkaabalahan nila no. Dahil nga di ba mayayaman ang students dito, wala silang pakielam sa scholar na kagaya ko. Pero di naman true yung kwento dati na aapihin ako! Asa! Bigyan ko sila ng flying kick isa isa e! 

"Ano ba, busy ako!" sabi ko sa kumakalabit sa akin. Nilabas ko na kasi yung binoculars ko para mas makita ko kung sino ba ang kasama kumain ni Kris! Naka talikod yung girl nako! Baka naman nagddate na ulit sila ni Jessica? No!

Nafeel ko na naupo siya sa tabi ko. Gusto ko sanang tignan kung sinuman tong atribida na 'to pero hindi kayang umalis ng mata ko sa awesome face ni Kris. Hay, why you so perfect?! 

"Sino ba yang tinitignan mo?"

"Si Kris. Sssh!" 

"Ano'ng meron kay Kris?"

"Mahal ko si Kris, okay? Wag ka ngang maingay, nagcoconcentrate ako dito!" bulyaw ko sa kanya. 

Hay buti naman tumahimik na siya!

"Mahal ko si Kris."

"Mahal ko si Kris."

"Mahal ko si Kris."

"Mahal ko si Kris."

Bakit parang naririnig ko yung boses ko? Weird ha!

"Mahal ko si Kris."

"Mahal ko si Kris."

"Mahal ko si Kris."

"Mahal ko si Kris."

Ayun na naman! Binaba ko yung binoculars ko at... Nakita ko ang creepy smile ni... "E-Ethos?"

Pinlay niya ulit. "Mahal ko si Kris." shet nakarecord sa phone niya!

Nagsquat ulit siya sa harap ko. May kagat kagat pa siyang lollipop at yung buhok niya parang kakagising niya lang. Jusko totoo ba tong nakikita ko?! Nasa harap ko ang bully ng SMA na si Ethos Sebastian Palma?!

"Pili ka," sabi niya. Shet shet. Amoy candy yung hininga niya. Omo. No, no, no. Mahal ko si Kris. Always remember that, Sandy! Wag kang papadala sa mapang akit na si Ethos. Bad guy yan! "Magiging slave kita o ipapadala ko 'to sa fans club ni Kris?"

"H-Ha?"

Nakatingin lang siya sa akin. Eto na ba yung sinasabi nilang kahit na super bully ni Ethos, sobrang nakakaakit pa din talaga siya?

"Bilis na. Bored ako. Pili ka na."

----

Facebook Account: Eydee Yapchengco

Facebook Page: Eydee's Stories

Twitter: beeyotchWP

Instagram: aryesaaaaa

These Crazy Bastards (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon