10: WALA AKONG CHOICE

12.4K 231 10
                                    


^Mico

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Mico

Siya talaga ang mylabs ko. Hihihi.

****

Chapter 10 — Wala Akong Choice


Mayka Kate's Point Of View

Pumasok kaming tatlo sa loob. High-end ang bar na to at sosyal ang mga taong tumatambay dito. It's a fancy bar, hindi katulad nung tambayan naming tatlo sa Canada. Magulo at parating may nag-aaway. Magulo rin dito pero wala namang nag-aaway. Siguro meron minsan, pero controllable naman ng management, according to my brother.

Umupo kami sa counter at nagkanya kanya na kaming umorder ng inumin.

"So, ito yung sinasabi mong business ni Mico?" tanong ni Jazz.

Just like Jazzella, si kuya Mico ang nagma-manage ng bar na to. Honestly, pipitsugin ang bar na to noon nung ibinigay ito ni daddy sa kanya. But because of his hardwork, nag-level up ito. Siya ang nagma-manage nito hanggang ngayon at hindi siya pinapakialaman nila dad. Kaya nila binigyan ng trabaho si kuya ay para may background daw siya tungkol sa management kapag magkakaroon na siya ng sariling kompanya in the future... kung magkakaroon talaga siya nun.

Gusto ni kuya mag-engineer kahit na halatang successful siya sa business industry kahit na bata pa siya. Tinatanggap niya ang mga advices at tulong na binibigay kaya wala siyang problema sa pagma-manage ng business. Balita ko nga kapag grade 9 na ang nakakabata ko pang kapatid, siya na rin ang magma-manage ng isang restaurant na pag-aari rin nila mommy. Mabuti naman at malayo pa.

"Yeah, last year." Sagot ko. Tumutulong pa nga ako sa kanya noon eh. Gusto kong magkaroon ng sariling negosyo nung mga sandaling yun pero hindi pumayag si dad because I was too young. Well, now that I'm a year older, maybe he'll let me.

"Hoy Jazzella," tawag ni Kelly. "Okay ka lang? Kamusta ang anit mo?"

Pabirong umirap ang kaibigan ko sa kawalan tsaka uminom sa martini niya. "Gaga, wala ngang lakas ang babaeng yun eh. Kung alam ko lang yun noon pa, baka matagal ko nang ginawang maid sa condo ko."

"Talaga? Mukhang masakit yung pagkakasabunot niya sayo eh." Komento ko.

"Halos kaladkarin ka na niya kanina." Dagdag ni Kelly at umorder ulit ng bagong inumin. "Akala ko matatanggal yung ulo mo."

Jazz didn't budge. She was just playing with her glass, looking uninterested. "She may appear brave, but she's actually weak. I was actually nervous, but after talking to her, all the uneasiness left. Galit lang ang nararamdaman ko sa kanya at hindi alam kung bakit."

Tinawag ko ang bartender tsaka humingi ng panibagong inumin. Ngumiwi si Kelly pagkatapos niyang tumungga mula sa kanyang baso. "Alam ko kung bakit pero hindi ko sasabihin sayo."

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon