Chapter 1

16.5K 142 50
                                    

AMBER's POV

Knock! Knock!

Yan ang nagpagising sa akin sa mahimbing kong pagkakatulog.

"Anak ng isaw oh." nag inat ako bago ko imulat ang mata at humikab.

Knock! Knock!

"Ang kulit ng lahi nito ah." iritado kong bulong.

Knock! Knock!

"Pasok" sabi ko sabay hikab ulit.

Anak talaga ng isaw, inaantok pa ako.

"Miss Amber! Good morning."Bati sa akin nung maid na pumasok.

"It's already 6. Today is your school orientation. Royale Students is required to attend". Hanep talaga itong personal maid ko.

Nosebleed!

Tumayo na ako mula sa kama habang inaayos ng maid ko ang pinaghigaan ko. Siya nga pala si Betty, isa sa mga nakakanosebleed naming maid.

Actually, isa iyon sa requirements na hinahanap ng Mommy ko. Ewan ko ba sa nanay kong iyon, pwedi namang tagalog na lang. Mauubusan pa ako ng dugo nito. At ewan ko ulit sa nanay kong yon kung bakit may mga personal maid pa kami.

Ewan ko din sa akin, bakit ko ba pinoproblema iyon.

Ah basta!! Nakakairita lang!

Isa ako sa mga special student ng Springlake Royale School. Ang tawag sa mga katulad ko ay ROYALE STUDENTS or RS. Ako nga pala si Dashelle Amber Stockton.

Anim lang kaming RS sa buong 4th year students. Hindi ka basta basta makakasali sa RS dahil hindi pera ang kailangan mo kundi talino at sipag sa pag aaral.

Hindi normal ang schooling mo dahil tanging mga RS ang hindi pumapasok sa klase. All they have to do is take their monthly exam and make sure to maintain or pataasin ang rate or average nila. Nasa sa kanila kung paano sila mag aaral. At tanging R.S Ang may elite greenhouse and fabulous kitchen where they can cook and eat when they are in the school.

Ang elite greenhouse na yon ang nagmistulang kwarto para makapag aral ng sabay, makapag brain storm sa mga kapwa RS at experiment na din.

"The bathtub is ready Miss!" Usal ni Betty. Agad naman akong pumasok sa banyo at nagmadali ng naligo.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at hindi na nag almusal dahil late na ako.

Quarter to 8 na ako nakarating ng School. Alas otso naman ang orientation namin.

Hindi ko alam kong bakit sa tuwing papasok ako sa paaralan na ito, pinagtitignan ako ng mga kapwa studyante ko.

"Ang cool niya"

"Ang astig niya"

"Boyish siya pero cute"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Lahat ng studyante, hangang hanga sa mga mga R.S. It feels like, napakasuperior ng mga RS.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa theater. Dun ang orientation e.

"Araaaaay," napaupo ako. May nakabunggo sa akin.

Langya! Ang sakit ha.

"Tignan mo nga yang dinadaanan mo." pasinghal kong sabi. Napalakas ata kaya biglang tumingin sa amin ang mga studyante.

"Sorry" tanging sambit nung lalake sabay lakad.

"Ayos ah! Hindi man lang ako tinulungan tumayo!" bulong ko. Tumayo ako agad ng makita kong nakatingin pa din sa akin ang mga schoolmate ko.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon