Ch. 11 - Pt. 4 - Confusing turn of events

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita ko naman si Gosu na nakatingin dun sa basurahan kaya na-taldyakan ko yung basurahan. Tatawa-tawa naman si Gosu nun sabay, "Pasado, syempre ^ ^" Kaya ayun, sinamaan ko s'ya ng tingin +__+

- - -

"Geh, mag oorder na ko. Dyan ka lang ha" - YoonJae.

Kimberly's POV.

Umalis na sya. Tiningnan ko lang sya habang nalapit sa may cashier. Ako naman, sitting pretty sa upuan ng McDo.

Nakalimutan n'yo na yata ako eh? Ako si Kimberly Tiangco! Anyway, kyaa, first monthsary namin ngayon ni YoonJae kaya kami andito! July 15 ko s'ya sinagot eh. At we're stable naman *__*

Matapos ang di ko mabilang na pag linga linga (lingon lingon), bumalik na sya ng may dalang tray. Kinuha ko agad yung tissue at yung ketchup ng McDo na Heinz na nasa pakete at binuksan ito gamit ang ngipin. Nag sulat naman ako ng numerong 15 sa tissue gamit ang ketchup at piniktyuran! (pinaka-common gawin ng mga tao XD) 

"Masaya ka ba?" - YoonJae.

"Yep!" - sagot ko. 

Nagsimula na kaming magkwentuhan hanggang sa napunta yung usapan sa school.

"Si Charice, yung kaibigan mo.. Matagal mo ng kaibigan?" - tanong n'ya.

"Ay, hindi. Netong June lang.. Bakit?" - tanong ko naman.

"Ah.. Sabihin mo.. mag iingat sya ha.. Di ko kasi sya matutulungan.." - YoonJae.

Mag iingat?

"Mag iingat? Mag iingat kay Gosu? Hahaha, sabagay, baka mabuntis! XD" - pagbibiro ko kaya napatawa s'ya. Seryoso s'ya kanina ah, medyo na-weird-han lang ako.

- - -

"*dingdong*" - sabi ng doorbell NAMIN. Oo, may doorbell kami ah!

Charice POV.

Napatingin sa'kin si Gosu kaya tumayo na ako at binuksan yung pinto. Pero bago yon kinuha ko ng mabilis yung phone n'ya para i-stop yung paulit ulit na bati ko sa kanya (na naka-repeat pala kaya paulit-ulit) =__=

"Oh? Pamchi?" - Ako sabay yakap sa kanya.

"Sino yan?" - rinig kong tanong ni Gosu pero di ko na lang s'ya pinansin at pinatuloy agad si Pamchi.

Si Pamchi nga pala ay.. co-gangster ko rin na kilala ako, I mean, gaya ni Bianca, alam ang pagkatao ko.. itsura ko and all. (Di po ako vampire). We're enemies back then LOL. Past is past!

"O anong ginagawa mo dito?" - tanong ko.

Tiningnan n'ya ako sa mata. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o ano. Ano bang nangyayare dito?

"N-narinig ko.. papatayin ka ni SuJun!" - sabi n'ya sa'kin.

"SuJun?" - naguguluhan kong tanong.

Tiningnan ko si Gosu kung anong reaksyon n'ya pero nakita kong nakatingin s'ya sa ibang direksyon.

"Sinong SuJun?" - tanong ko.

"Yung maliit! Yung kasama n'ya!" - Pamchi sabay turo kay Gosu.

Nilapitan n'ya agad si Gosu at kinuha ang kwelyo nito. Pipigilan ko sana s'ya pero, "Hindi ba't totoo?! Ikaw! Hindi mo talaga hinahanap si Ice Princess dahil ang totoo, ginamit ka lang ni SuJun para ipahanap kung sino ang pumatay sa tatay n'ya?! Hindi ba?!" - Pamchi.

Tiningnan ko agad si Gosu pero nakatungo lang s'ya at hindi ako tinitingnan. Teka, ano bang nangyayari? Nakakahilo't ang gulo?!

"So nasabi mo na pala.. ang bilis mo naman palang tumakbo nga" - ???

Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si JunSu.. na may matang.. gustong pumatay. Anong nangyayari?

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon