Chapter Six

180 1 0
                                    

            Frustrated na frustrated na si Aliza nang ibaba niya ang cellphone ni Bry sa mesa, hanggang ngayon ba naman kasi hindi pa rin niya ma-contact ang kaniyang pamilya. Sobrang nag-aalala na siya. Gustuhin man niyang umalis ng building na 'yon ay hindi naman siya pinapayagan nina Charles dahil delikado. Kung hindi lang siya takot sa zombie na pagala-gala e di sana matagal na siyang bumaba.

Ilang araw na ang lumipas mula nang kumalat ang virus. Ang hirap na talaga ng pakiramdam niya, gustong-gusto na niyang makausap ang pamilya, gusto niya na malaman kung kamusta na ba sila? "Demi, paano ba-"

"Ano? Umalis dito? At ano ipapahamak mo kami? Mag-isip ka nga Aliza, walang ganiyanan. Kung gusto mo magpakamatay, tumalon ka sa bintana!"

"'Wag ka namang ganiyan ka-harsh kay Aliza, Demi," suway ni Bry. Tulad ng nakagawian, nakaupo silang lahat sa sala sa apartment ni Aliza habang nanonood ng DVDs na collection ni Bry. Ganoon halos ang pangyayari araw-araw, tatayo lang sila 'pag kakain o di naman kaya para bumanyo. Ang panonood ng DVDs ang tanging paraan nila para makatakas sa realidad. Pero sa kanilang lahat, tanging si Aliza ang hindi na alam ang gagawin. Desperado na siyang umalis sa lugar na ito. Naiisip niya nga na bahala nang makagat siya ng zombies, para matapos na ang paghihirap niya.

"E kasi naman Bry may balak pa siyang ilagay tayo sa kapahamakan."

"Magiging konsensya ka pa namin Aliza 'pag may nangyaring masama sa'yo." sabat ni Charles na ngumangata ng chips.

"H-hindi naman sa ganoon." Tumayo si Aliza at pumunta na lamang sa loob ng kaniyang kuwarto. May araw pa sa labas pero mas nanaisin na lang niyang matulog. Hindi niya na rin kayang tumingin sa bintana dahil hindi niya kaya ang mga nakikita niyang nagpapatayan na zombies at tao sa may ibaba. Napalunok si Aliza, desidido na siya gagawin. Sa oras na tulog na tulog ang lahat ng tao dito ay aalis siya. Tatakas siya. Hindi na niya kaya pang maghintay na lang dito. Kung mamamatay siya, e 'di mamamatay siya.

Sa buong araw ay hinintay niyang makatulog ang lahat, pero laging may naiiwang nakabukas ang mga mata. Umabot ang hatinggabi at hanggang sa makatulog siya. Nang sumunod na araw, pagkagising niya ay naabutan niya ang tatlo na nakahilata sa sala, patay na ang TV, at kalat na kalat ang mga chichirya sa sahig. "Kung hindi pa ako kikilos ngayon, kailan pa?" bulong niya sa sarili. Dahan-dahan siyang bumangon at tahimik na naglakad palabas ng apartment, bago pa niya sinara ang pinto ay tiningnan nya muna ang maamo at gwapong mukha ni Charles. "Paalam," aniya. Pagsarado niya ng pinto ay hindi pa rin siya makahinga nang maluwag. Pumunta siya sa kabilang kuwarto ng tatlo at kumuha ng magagamit na armas. Isang shot gun ang kinuha niya at isang bag ng bala. Sumakay siya ng elevator at pinindot ang ground floor button. Malakas ang kabog ng kaniyang puso, sa takot na baka mahuli siya ng mga naiwan at ng posibilidad na sa oras na makalabas siya sa building na ito ay makagat siya ng mga zombies. "Hindi, kaya ko ito. Hindi ako susuko," aniya sa sarili.

Buti na lamang din at dahan-dahan na tumigil ang elevator. Paglabas niya noon ay hinanap niya ang posibleng pindutan para mabuksan ang gate. Nakita niya ang orasan na nagsasabing alas y siyete na ng umaga. Sa wakas ay nakita niya rin ang isang button na nagsasabing "release gate". Tumingin na muna siya sa labas kung may zombie ba sa paligid pero wala siyang nakita. Agad niyang pinindot ito at agad naman ito bumukas. Sa bandang gilid ay pinindot niya ang close button. "Okay, success. Success!" masaya niya pang sabi.

Paglingon niya sa kaniyang dadaanan, ay hindi siya agad nakapaglakad. Kitang-kita niya ang pagbabago ng siyudad. Ang mga kotse ay nakakalat na lamang, ang iba ay sira sira, wala ni isang tao ka makikita. Malaking pagbabago mula nang una siyang dumating sa lugar na ito kung saan nagsusulputan ang lahat ng tao mula sa kung saan. Samantalang ngayon, tila zombie town na ito kung maituturing. Pakiramdam niya ay isa na lamang itong imprastraktura ng mga gusali; maganda at maaraw man ang langit, wala namang kabuhay buhay sa paligid. Pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya sa buong mundo.

"So balak mo talagang umalis nang walang sabi-sabi?" nagulat si Aliza sa narinig. Napalingon siya at nakita si Charles sa kaniyang likuran.

"Paanong hindi kita narinig na dumating?" tanong niya.

"Ginamit ko ang gate," tipid niyang tugon.

"Pero hindi ko man lang narinig-"

"Sagutin mo ang tanong ko, aalis ka na lang ba nang hindi nagpapaalam? Balewala na ba sa'yo ang ilang araw na pinagsamahan natin? Bakit ang lakas ng loob mo na umalis, kaya mo ba harapin ito magisa?" may hinanakit sa boses nito.

"S-sorry. Ayaw niyo naman kasi ako payagan," ani Aliza. "Charles, gusto ko na talaga malaman kung nasaan na ang pamilya ko? Hindi ko na kayang makatulog sa gabi dahil lagi ko silang naaalala!" naiiyak niyang sabi. Lumapit si Charles sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.

"Alam mo ba kung paano bumaril? Halika at tuturuan kita."

Building 325Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon