#1 Dear Pimples

108 8 13
                                    

FIRST STORY:

Dear Pimples,

Sabi ng marami, kapag daw may crush kami bigla-bigla kang susulpot sa mukha namin, isang indikasyon na sobra kaming nagmamahal sa isang taong hindi namin alam kung mahal din ba kami. Kung may pakialam din ba siya kagaya ng pag-aalala namin sa kaniya. Kung minsan ba in-stalk din niya kami sa Facebook, o 'di kaya'y minsan naisipan ba niyang i-like man lang ang tweet namin sa Twitter.

Alam mo ba, hindi ako naniwala sa kasabihang 'yon? At mukhang hinding-hindi na. Paano ba naman, sobrang dami ninyo sa mukha ko, na para bang buong angkan mo na ang sinama mo sa mukha ko. Iba't iba pa talaga kayo ng size ha? May maliliit sa noo, mayroon din sa ilalim ng bibig, at ang pinaka-masaklap: Ang naglalakihang lahi ninyo sa pisngi at ilong ko. Tanong ko lang, minsan ba nag-uusap-usap kayo tungkol sa kung saan kayo lilipat o kung aalis pa ba kayo? Panira kaya kayo ng mukha. 'Yung tipong pang-artista na nga 'yung hitsura ng tao, tapos pupugaran ninyo. Aba, komedyante ang bagsak.

Hindi naman ako madaling magka-crush sa isang tao, kaya ewan ko ba kung bakit kayo nakikiusyuso sa mukha ko. Nakaka-beast mode kayo, e. Ang ganda-gandang ang kinis ng mukha ko noon, tapos ngayon parang pinalagyan ng 'sangdaang humps sa kalsada. Pwe!

Noong mga panahong 'yon, pinilit kitang tanggalin. Sinubukan ko lahat ng produktong nagsasabing paraan daw para lubayan ninyo kami. At sa awa naman ng lahi ng 'Anti Acne' products, nagsilayas kayo. Nagkaroon ako ng mas maraming tiwala sa sarili.

Taas-noo akong pumasok sa eskwelahan. Unang araw iyon, pero para bang huling linggo ko na, dahil kadalasan sa mga estudyante, e, mahiyain sa umpisa, pero ako, aba, full of confidence.

NANG makapasok na ako sa room na naka-assign sa akin, kaagad akong naghanap ng pwesto sa dulo. Ako kasi 'yung klase ng taong ayaw mapansin sa klase. Ayaw na ayaw kong hayag na hayag ang kagandahan ko. Ni magkaroon ng kaibigan, ayaw ko.

Nang mga oras na 'yon, ako pa lang mag-isa sa last row. Wala akong katabi, na ikinatuwa ko naman.

Pumasok na ang unang guro, syempre mas lalo akong natuwa, dahil wala na palang estudyante ang papasok. Sa madaling salita, wala akong makakatabi sa buong taon.

Kaso, mali ako ng akala. 'Yung akala mo wala na, pero meron pa pala, parang feelings 'no?

May biglang lalaking pumasok sa klase. Makinis ang mukha, maputi at matangkad. Kumbaga promising star.

Napansin ko na ang lahat ng babae kong kaklase, e, nakapako lang ang tingin sa kaniya habang dahan-dahang naglalakad sa gitna ng klase at lilinga-linga sa paghahanap ng upuan.

Dahil sa katotohanang, ang huling linya na lamang ng mga upuan ang may bakante, dito na siya umupo. One seat apart ang tema namin ni Lloyd.

Teka, paano ko nalamang siya si Lloyd? May power ba ako? Galing ba ako sa pamilya ng mga mahikero? Syempre hindi. Isa akong mortal na tao. Kaya ko lang naman nalaman 'yung pangalan niya dahil matagal na niya akong follower sa Facebook. Siya 'yung tipo ng estudyanteng kilala ng buong unibersidad. Bakit? Kasi suki siya ng mga pageants dito sa school. At madalas siyang manalo. Doon, doon ko nga siya unang naging crush. Ay peste! Dapat sa huli ko pa sasabihing crush ko siya, e, pero dahil ito na, wala nang atrasan.

Medyo nanginginig 'yung mga kamay ko nang mga panahong magkalapit kami ni Lloyd. Kung minsan pa nga, kunwari akong tatanaw sa labas pero 'yung totoo siya 'yung tinitignan ko.

Isa pang ulit, tingin ulit sa labas, sabay pasada sa mukha niya. Putcha! Ang gwapo niya kahit naka-sideview. May kaunti pa ngang pawis ang tumutulo sa noo niya. Gustuhin ko mang punasan, 'di pwede, napakalaking FC ko no'n kung nagkataon.

SilhoutteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon