Chapter 21

231K 2.7K 124

CHAPTER 21: Revenge

Sairyl’s P.o.V.

Haiiys. Atlast natapos din ang trabaho. Kapagod. Nagpalit na ako ng damit at paglabas ko ng staff room nabigla ako ng makita ko si Cedric, inaantay ata ako?

Hindi siguro… Wag assuming, Sai.


”Hi Cedric! Di ka pa nauwi? Ako uuwi na ako kaya ba-bye!”nagdiretso na ako sa paglalakad ng hawakan nya yung kamay ko.

”Uy, wait lang. Inantay nga kita para sabay tayong umuwi tapos iiwan mo ako.”

”Wenks? Bakit mo pa ako inantay. Dapat umuwi ka na lang, kaya ko naman umuwi mag-isa eh.”

Tinanggal nya yung kamay nya sa pagkakahawak sakin at napahawak sya sa batok nya, ”Eh pede ba yun, hahayaan ko bang umuwi mag-isa ng gabi ang kaibigan ko?”

O diba, in harmony kami kasi FRIENDS na kami. Ansarap talaga sa pakiramdam ang pagre-restart. Para talagang bagong magkakilala lang kami.

”Ambait naman ni friendship, o sige na nga, tara sabay na tayo sa pag-uwi.”

At yun, sabay na nga kaming umuwi. Napag-isipan naming maglakad pauwi, di naman kasi talaga kalayuan ang restaurant pero kanina kaya ako nagtricycle eh late na kasi ako.

Tsaka, wala yung car ngayon ni Cedric, iniwan nya daw sa bahay nila. Walang kwentang kotse, tapon na yun. Hehe. :p


Lakad lakad lang kami. Buti na lang talaga sinabayan ako ni Cedric sa pag-uwi kasi grabe, andilim kaya tapos wala pang katao-tao. Spooky.


Pero maya-maya, nabigla ako ng may mga lalaking humarang samin ni Cedric… sila yung mga bastos na manyakis na unggoy dun sa restaurant kanina ah!

My gosh, balak ba nilang magrevenge kay Cedric? Nakoo, andaya nila, 6 sila, isa lang si Cedric. Now I’m scared.

Biglang hinarangan  ni Cedric unahan ko bale nandun ako sa likod nya, para akong pusa sa paligid ng mga leon dun. Waa. Hindi pede, di yan kaya ni Cedric. *kinakabahan*


”Hoy! Akala mo tapos na tayo kanina ha?”

”Bakit may sinimulan ba tayo kanina?”   naman Cedric, pedeng pakabaet ka na lang, wag  mo na silang asarin baka palampasin pa nila tayo. >.<

”Heh! Akala mo kung sino ka! Pasalamat ka at hindi kita pinatulan kanina, pasalamat ka at iyo yung restaurant na yun kundi nalintikan ka na sakin!”

What the? Restaurant ni Cedric? Edi kanya? Eh? Anlabo? 

”O tapos?” Cedric! Pang-asar ka talaga. Shuttap na pede!

”Mga kuya, uuwi na po kami eh, pede bang madaan na lang natin sa maayos na usapan?” kinakabahan kong sabi.

”Maayos na usapan?” tapos bigla akong tinignan nung lalaki from head to toe tapos dinilaan nya pa ang paligid ng bibig nya, *creeps*, si Cedric naman, he became rigid at hinarangan nya ako ng mas mabuti, ”Pwede naman, paalisin ko ‘tong boyfriend mo ng buhay basta ba sumama ka lang samin.”

Bigla akong natakot dun sa sinabi nung panget na mama, napakapit ako sa likod ni Cedric at sumigaw si Cedric sa kanila, ”Hindi pede! Di ako papayag sa sinasabi nyo, magkamatayan na!”

”Ah ganun pala ha?”

“Sige, sugurin na natin yan!”


Bago sumugod si Cedric eh bumulong sya sakin, ”Di kita pababayaan, mamatay man ako. That’s what friends are for right?

At sumugod na sya, ako naman natulala lang dun. Pinapanuod ang suntukan. Malakas si Cedric, nakakaya nya yung anim… pero minsan nasusuntok din sya, napapapitlag na lang ako. Para kasing ang sakit. Ano ba dapat gawin ko? Di ako dapat tumunganga lang dito. Tatawag ba ako ng tulong? Pero saan? Walang katao tao, malayo pa kami sa mga bahay, pag pumunta naman ako sa mga may bahay bahay eh baka pagbalik ko di ko na maabutan si Cedric dito. Ayoko nun. Ano ba Sai, anong gagawin mo? >.<


Nasuntok ng sobrang lakas si Cedric ng isa dun at napatumba si Cedric dahil dun, at pagkatumba nya eh pinagtulungan agad sya nung anim.

”Cedric! Please, tama na po yan!”

Di pa rin sila tumitigil, binubugbog pa rin nila si Cedric, duguan na si Cedric. Tama na please.

”Yan kasi eh, pinagdadamot mo girlfriend mo.” tapos nakita ko yung lalaki may nilabas na kutsilyo! 0_0

Nahintakutan ako at nung makita kong isasaksak nya na kay Cedric eh tumakbo ako para pigilan ito at nagawa ko namang mahawakan ang kamay nung lalaki, ”Ano ba, bitawan mo nga ako!”

”Ayyokko!!!” sabi ko habang inaagaw yung kutsilyo.

”Sairyl, ano ba! Baka masaktan ka, umalis ka na, tumakbo ka na. kaya ko ‘to!”

”Sira ka ba? Anong kaya mo, tignan mo nga yang lagay mo, tsaka di ko kayang iwanan ang kaibigan ko dito!”

”Puch@! Bitaw!” di ko napansin, may isa pa pala syang kutsilyo at nung ilabas nya yun eh nasaksak nya ako…








Natumba ako sa sahig habang hawak ko yang tyan ko na nasaksak… Puro dugo…



Unti unting nagbu-blurr ang lahat… naririnig ko ang pagtawag sakin ni Cedric pero unti unti rin naglalaho ang tinig nya habang nawawala din ang paningin ko. Hanggang sa bumagsak na ako at nagdilim ang lahat…



End of Chapter 21

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!