"Ha? Bakit naman? I don't understand."

"Malamang, may amnesia nga eh. Tss, CS minsan, uso yun." sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Kailangan mangurot? Alam kong gwapo ako, wag mo akong pangigilan." sabi ko at ngumiti.

"Weh? Kapal ng mukha. Hahaha." sabi niya naman.

----

Masyado kong in-enjoy ang bonding moment namin ni Kate. Hehe, ang last destination namin, sa sementeryo. Gusto niya daw bisitahin si Ate Marjorie, kapatid ko daw na ka-age niya ata. Ewan ko, wala akong maalala -________-

And again, sumakit ang ulo ko, ano ba naman 'tong nangyayari sa akin? Sa sobrang sakit eh napahawak na ako sa ulo ko.

"AAAH!!!!" sigaw ko, ang sakit sakit talaga.

"INSAN!! Kanina pa yang ulo mo ha? Magpa-ospital ka na kaya?"

"Wag na. Gagastos pa tayo. Okay lang ako, pagod lang siguro 'to." sabi ko pero masakit pa din siya. And again, another vision, same girl. Blurred pa rin ang face at kinakausap ko siya, nung nagsalita siya, bumilis ang tibok ng puso ko. Is this Andrea?

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong niya.

"Yea, tara, uwi na lang tayo. Let's just visit Ate Marj some other time." sabi ko, napadaan kami sa maraming lapida, sementeryo kasi diba?

Pero may isang kumuha ng aking pansin, Sanchez? Jaicel? Parang kilala ko 'to ah? Pssh, baka ibang tao lang yun. 

Pagkauwi ko, natulog na ako kaagad, tutal busog pa ako sa lahat ng pinakain sa akin ni Kate. Haha.

Elaine

Andito na ako sa classroom, tulala. Nasa ibang planeta ang utak. 

"HOY ELAINE! KANINA PA AKO NAGSASALITA DITO HINDI KA MAN LANG SUMASAGOT!!" sigaw ng aking bestfriend, maka-sigaw talaga 'to. WAGAS eh.

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" ginulo niya yung buhok niya, kanina pa nga siguro siya satsat ng satsat. Ang hirap naman kasi magfocus kung bangag ka diba?

"Ano bang nangyayari sayo? Nag-aalala na ako eh!" sabi niya.

"Wala 'to. Tss, ngayon mo lang ba akong nakitang tulala?"

"Oo, eh diba kasama kita lagi sa ingayan? Eh bakit biglaan ka naman atang naging tahimik?" tanong niya.

"WALA NGA LANG 'TO, KULIT MO!"

She raised her hands in the air as if surrendering, "CHILL, NAGTATANONG LANG PO!"

May biglang dumating, si Dylan pala, he looked at me and smiled, "Good morning Elaine. Good morning Mich." 

"Good morning." sabay naming binigkas.

"WOAH! ANONG GINAGAWA NI SENIOR DRAKE DITO?!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko.

Drake? As in Drake Yu? Manggugulo nanaman ba siya? -_______-

"Hi, I'm looking for Elaine, is she here?" tanong niya, rinig na rinig ko yung boses niya. Pacute eh, grr.

"Yes, she's over there." at tinuro nila ako, pilit kong nagtago sa likod ni Mich, nakikisama naman siya, kaso talagang malas ako. Ano naman kayang gusto ng lalaking 'to?

I went out, "Bakit?"

"I just want to see you." ngumiti siya.

"K. Tapos na? Balik na ako ha." sabi ko at paalis na sana ako ng hilain niya ako, "We'll go somewhere later, and you REALLY need to come." 

"Ge." sabi ko at pumasok na ako. REALLY pa nga, asa siya. Nakatingin lang sa akin ang mga kaklase ko, curious silang lahat kaya nagtanong sila. I didn't entertained their questions naman. Tss, magiging issue lang yun. Tsaka hanggang sa di nacacancel ang kasal, di muna ako magsasalita. Ayaw kong malaman ng school yun noh.

Ginawa na ni Papa lahat ng preparations, approval na lang ata nung kabila, kaso parang ayaw daw nila pumayag -______-

"Ano yung pinag-usapan niyo?" tanong ni Mich.

"Tss, wala namang kwenta yun. Andyan na si Miss." sabi ko at nagklase na kami. Tinignan ko si Dylan, tahimik lang siya. Eh bakit naman kasi siya magiging maingay diba? Pati ata dati niyang ugali nakalimutan niya? Ay, tahimik nga pala siya dati. -_____-

----

After classes, umuwi na ako agad, pagkapasok ko sa bahay, bihis na bihis sila Mama at Papa. Ano nanamang gagawin nila? May gimik nanaman sila?

"Oh, ba't bihis na bihis kayo?" tanong ko sa kanila.

"You'll know later.. You need to prepare."

"Is this about the marriage? Kung yun, no thank you."

"Please, anak. I really need this, this is for you! Para sa kinabukasan niyo ito! I'm sorry if I will fail to give your birthday wish.." sabi ni Papa at lumapit sa akin.

Hindi ko kayang makita sila Papa na mahirapan, pati ang mga kapatid ko. Madadamay sila kapag hindi ko 'to ginawa. Kaso... naghihintay pa rin ako kay Dylan.. Hinihintay kong bumalik ang memorya niya para naman may dahilan na ako para tumanggi sa kasal na ito.

Pero sa huli, napagbihis din nila ako. Ugh, sana lang di ko pagsisihan 'tong decision ko.

--------

PART TWO BUKAS! HAHA.

Mufti Day kasi namin and at the same time, test namin sa Math bukas T_____T

Multi-tasking nga ako eh, nagpapiano na nagtatype. San ka pa? Haha, hayaan niyo na 'tong A/N. Walang kwenta eh X))

Ayun, salamat po sa walang sawang suporta.

Jodie (dreamcatcher26)

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!