Balon?

Oo. Kasing lalim ng isang balon ang pagtingin ko sa kanya. At sing tigas nito ang mga salitang kanyang binitawan.

Masakit?

Hindi lang masakit, kundi SOBRANG SAKIT! Ang sakit sakit! Napakasakit!

Bulag?

Nagbulag-bulagan ako para sa kanya. Binulag ko ang sarili ko sa katotohanan. Pinaniwala ko ang sarili ko na mahal nya pa ko kahit ramdam kong hindi na. Naging isa akong dakilang bulag!

Tapos?

Sa tingin ko wala na itong katapusan. Hindi na magtatapos ang sakit na nararamdaman ko. Patuloy lang itong lalago hanggang sa maging manhid na ang puso ko.

~

*sigh*

" Alam mo te, kulang ang mga daliri ko sa kamay kung bibilangin lahat ng buntong-hininga mo sa araw na to. "

" Kamay.. " napatingin ako sa kamay ko.

" Ang kamay na madalas nyang hawakan noon. Kamay na pumunas sa luha nya nung panahong nasasaktan sya. At ito din ang kamay na binitawan nya nung sinabi nyang ayaw na nya. " nakaramdam ako ng mainit na likidong dumadaloy saking pisngi.

Lumapit sakin si Caryle.

" Hayy nako Lianne. Sinabi na sayong tigilan mo na yang pagdadrama na yan. It's been five months ! "

" Yes! It's been five months and yet it's still fresh! "

" It's fresh because you keep on thinking about it! "

" I kept thinking about it because it haunts me! Don't you dare talk to me like you know how I feel! " then I drag myself out of the scene.

I let my feet take me wherever it wants.

And I found myself here sitting on the root of an old tree planted here in the university.

I need to take a deep breath. I know, the words I said to Caryle were mean but first, I need to calm myself.

Pinapalamig ko ang ulo ko nang may marinig akong boses na naglalandian.

" Ano ba babe. Wag kase dito. hihihi. " boses nung babae.

" Wag kang malikot. Niyayakap pa kita eh. "

O.O

Kahit labag sa loob ko, ay tumingin pa din ako. Kahit alam kong milyong sakit nanaman dulot nito saken.

Ngunit nang lumingon ako ay iba ang nakita ko.

Bakit ang dilim?

Maya-maya lang ay lumiwanag na ulit. at dun ko lang napansin na dibdib pala yun ng Isang lalaki.

" Yun! buti naman at umalis na sila. " napatingin ako sa nagsalita.

Sino to?

Bigla syang tumingin sakib na ikinagulat ko naman.

" Ikaw! Alam mo na ngang masakit titingin ka pa! Tanga lang ? "

Nang sumink-in na sa utak ko yung sinabe nya ay tinaasan ko sya ng Isang kilay.

" Excuse me? Do I know you? "

Gulat nya namang tinuro ang sarili nya.

" Me ? You don't know me? "

Umiling naman ako.

He must be famous. By the way he speaks, he must be.

Well, kahit naman nakaka isang taon na ko dito sa paaralan na to ehhh wala akong alam sa nangyayari sa paligid ko.

HUGOTERA ni BANATERO [UNDER REVISION]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!