Chapter 20: The Past

233K 2.8K 128

CHAPTER 20: The Past.

Yue’s P.O.V.

” Gusto kong malaman, anong meron kina Sairyl at Cedric?”


”Anong meron? Si Sairyl nagkakaroon dahil monthly yun pero si Cedric.. ewan. Di nagkakaroon ng ganun ang boys eh.”  

”Yue right?” 

”Yup. Gwapo for long.”  

”Seryoso ako Yue, I want to know the truth. Alam ko merong past si Sairyl at Cedric. I’ve heard everything you’ve said way back at the resto, I just want to hear it again. I want to confirm if I’ve heard it right.” seryoso  nga sya. Anlungkot ng mukha nya, her eyes were in agony. 

”What if I confirm it to you? What if I tell you that they do have a past. What if I tell you that they were once a happy couple before?”

Shet. Bakit ko nasabi?

Patay. Wala na, sorry Sai. I know I shouldn’t be telling this to your girl bestfriend but… I have this feeling that you’re not doing it right Sai, dapat noon pa lang sinabi mo na ‘to kay Kyla. Tignan mo tuloy ngayon, nahihirapan sya.

”So it… it… it is true. “ :’( 

Naiiyak sya, nanunubig na yung mga mata nya. I think she’s just composing herself para di tuluyang maiyak. But I can feel her pain… and I want to comfort her and hug her. Ewan. I am a guy who plays with girl’s feelings and what’s happening is really weird because this is the second time na ninais kong i-comfort ang isang babae… Una kay Sairyl dahil bestfriend ko sya pero dito kay Kyla which I merely knew eh… ewan. Ang weird.

”You’re asking ‘what if’? Nothing, I’ll do nothing. I just want to hear it all. I just want to know everything I do not know. Please tell me Yue… please.” :’( 


At may pumatak na luha sa pisngi nya, di ko napigilang lumapit sa mukha nya at punasan ng thumb ko ang nabasa nyang pisngi, ”Sige, I’ll tell everything to you. But wear your seatbelt, you might not like what you will hear.”

Pumikit sya at huminga munang malalim tapos minulat nya mata nya, ”Shoot it.”

Umayos ako ng upo tapos pinaglaruan yung baso ko, ”Way back then, nung mga highschool pa kami, sina Sairyl at Cedric eh sobrang magkaaway pero like any love stories, they ended up liking and loving each other. Siguro na-catch ng kalampahan ni Sairyl ang attention ni Cedric. Ayun, nagligawan factor. Andami nilang pinagdaanang mga kung anu-ano pero sa huli naging sila, they were such a perfect couple, andaming nagsasabi nun dati. Answeet daw kasi nila sa isa’t isa, and talagang makikita mo ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Akala nga ng lahat dati, sila na talaga hanggang sa huli. Their relationship were so smooth until one day… that day. The unexpected happened. Dun ko lang talaga naisip na nothing's perfect… because Sairyl heard bad rumors about Cedric. Na marami daw nakakakita na may ibang kasamang babae si Cedric na niloloko lang daw sya pero syempre, mahal ni Sairyl si Cedric kaya kahit gaano man kadami ang nagsasabi na sa kanya na niloloko lang daw sya ni Cedric eh hindi sya naniniwala. Mahal nya eh. Pero isang araw, mismong mga mata na nya ang nakakita, it was their monthsary, nagtext si Cedric sa kanya na puntahan sya sa bahay nya, pumunta naman si Sairyl. Pero pagkapunta dun ni Sai, nakita nyang may kahalikang babae si Cedric, Sairyl was so angry that she broke up with Cedric taking no explanations from him. Hindi din naman nag-effort si Cedric na ibalik ang relationship nila at isang araw we all heard na nagpunta ng states si Cedric.  And that ends their once perfect love story.”

Nung matapos akong magkwento tumingala ako para tignan expression ni Kyla pero I was shocked nung makita kong wala ng tao sa harap ko and I saw a note, kinuha ko ito para basahin.

Quote Thanks for telling me everything. Ewan ko kung anong gagawin ko after hearing everything. I believe that past is past, ako na ang mahal ni Cedric diba? Diba? Wag kang mag-alala, I won’t tell Sai na may alam na ako.



Napansin ko yung mga wet spots sa papel… luha siguro. I pity her, as I guy, alam ko and I can feel na mahal pa rin ni Cedric si Sairyl. Because way back then, before that tragedy between him and Sairyl happened, Cedric told me something…


*flashback*

”Pre, aba, asensado na kayo ah, 11th monthsary nyo na bukas. Ingatan mo yung lampa kong bestfriend ha.” sabay akbay ko kay Cedric.  Nag-uusap kami nun habang inaantay namin matapos yung dance practice ni Sai.

”oo nga pre eh, ansaya ko nga. Mahal na mahal ko kasi yung lampa na yun eh. Basta pre, kung anuman ang mangyari tatandaan mo, mahal na mahal ko sya. Hindi ko gugustuhin ang mangyayari…”  

”ha?”

”Uy! Thanks for waiting. Tara, alis na tayo.” di ko na naitanong yung itatanong ko sana nung dumating na si Sairyl.


*end of flashback

I believe na nung pinapunta nya si Sairyl sa bahay nya at nahuli ni Sairyl na may kahalikan syang babae eh ayon ay nakaplano na. I know he did it on purpose… pero bakit kaya, Cedric?

And why do you have to commit yourself into your ex’s bestfriend? D@mn you!



End of Chapter 20

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!