C10- JSEN'S FINAL DECISION

3.9K 107 10
                                    

Jansen's P.O.V


Kakatapos lang namin mag-practice. Kasalukuyan kaming nasa Jollibee para kumain. Syempre mga isip bata kasi 'tong mga 'to kaya dito kami napunta. Pati nga itong si Mich may pagka-isip bata din pala. Aba, e nakikisang-ayon ba naman kala Jp at jd na dito kami kumain. Kaya ayan dito sa jollibee ang bagsak namin dahil majority wins ang ginawa namin. 

"Oh, guys. Kami nalang ni Jd ang o-order" tinignan lang namin sila Jp at Jd na papuntang counter para pumila't sila na nga daw ang o-order.

Kaming tatlo nalang nila Mich at Cj ang natirang nakaupo. Bakit parang ang tahimik nila?. Pansin ko kasi 'tong si Mich parang biglang tumahimik ngayon. Hindi naman siya ganito ka tahimik dati.

Katabi ko si Mich. Sa harapan naman namin ni Mich ay si Cj. Pansin ko lang. Kapag 'tong dalawang 'to ang nagsama parehong tameme pero iba ang atmosphere. Basta!.

Napatingin ako kay Cj. Nakatingin lang siya sa mga tao. Nagmamasid. Parang galit na badtrip na hindi maintindihan. Psh. Masanay na kayo d'yan. Lagi kasing gan'yan 'yan kapag may bago kaming kaibigan lalo na at babae. Well, hindi ko naman siya masisisi.

Napatingin naman ako kay Mich. Nakatungo lang siya habang nakatulala sa sahig. Buti nalang wala pa akong nakikitang ginagawang masama si Cj kay Mich, kun'di iisipin kong kasalanan ni Cj kung bakit nagkakaganito si Mich. O baka 'yun nga talaga ang dahilan? 

Bigla namang tumayo si Cj na sinundan ng mga titig ko, "Saan ka pupunta?" tanong ko no'ng nakatalikod na siya.

Tumigil siya sa paglalakad at natahimik saglit, "Pati ba naman pag-C.R ko kailangan alam niyo?" napatitig nalang ako sa likod niya. Nagsimula na siyang maglakad ulit pagkatapos sabihin ang mga iyon. 

Hindi ko nalang siya inimik. Ayokong dito pa kami mag-away. Naiintindihan ko naman ang sitwasiyon niya e kaya iintindihin ko nalang muna siya--este, kami pala. Syempre except kay Mich na walang alam.

Pagtingin ko naman kay Mich ay nakatingin lang siya sa kawalan ngunit hindi na nakatungo. Mukhang nanatili ang tingin niya sa direksiyong tinahak ni Cj. 

I composed myself at kakausapin na sana siya ngunit bigla naman naming narinig ang  boses ni Jd na tinawag ako.

"Heto na ang order natin!" masiglang sabi ni Jp. Napatingin nalang ako sa kanila at ngumiti nalang na parang walang nangyari.


Nandito kami ngayon sa classroom. Kaming lima nalang ang nandito. Pagkatapos naming kumain sa jollibee at naisipan naman nila Jd na bumalik sa school. Pinapasok naman kami kasi ang alam ng guard ay gagamit kami ng music room, na hindi naman ngayon dahil balak lang talaga ng mga loko-loko kong kaibigan na tumambay sa classroom -_-.

"Jd! Jd! Halika dali! Tignan mo, ang ganda ng view dito oh!" sigaw ng sigaw si Jp na patalon-talon pa sa tabi ng bukas na bintana na dinudungawan niya kanina pa.

"E?!. Patingin nga!" Nagmamadali namang tumakbo papalapit si Jd kay Jp na nanatili sa pwesto nito't hinitay nalang si Jd. Muntikan pang madulas si Jd dahil sa tiles ang room namin at madulas ito dahil bagong linis. I chuckled after seeing it.

Malakas naman na tumawa ang nasa tabi ko nang makita niya ang pangyayari. "Ano ba'ng sinasabi nilang magandang view at nagkakandulas-dulas na si Jd sa pagmamadali para lang makita 'yon?" pagtatanong ni Mich pagkatapos pagtawanan si Jd na muntikan nang madulas.

"Ano 'yon, 'yung mga love birds na naglalandian" pinapanood ko sila Jp at Jd na nagmamadaling dumungaw sa bintana.

"Ano'ng magandang view do'n?" natatawang saad ni mich na ramdam kong nakatingin sa'kin.

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon