Chapter 17: She's not for sale

227K 2.8K 107

CHAPTER 17: She's not for sale

Si yue? Anong ginagawa nun dito? Pagkababa ko ng tricycle eh nilapitan ko sya, kinuha ko yung sigarilyo sa kamay nya, mukha syang nagitla, ”What’re you doing here Sai?”  

”I should be the one asking you that question… And why are you smoking? I know you, you smoke pag ninenerbyos ka or something bad happened. Anong problema Yue?”

”H-ha? W-wala Sai, trip ko lang manigarilyo… At ginagawa ko dito? W-wala… may inaantay lang ako…” why is he stammering? Ano ba problema?

”Inaantay? Sino?”

”Basta. Ikaw ba? Bakit ka nandito?”

”Dito na ako magtatrabaho.”

Natawa sya, ”Ikaw? Magtatrabaho dito? Ano? Bilang waitress? Haha! Hindi ko ma-imagine Sai! Baka imbis na magkasweldo ka dito eh baka magbayad ka pa sa mga mababasag mo!”

Sinimangutan ko sya, ”Hate chu. Nakakadown ka.”

”Aww.. Tampo na si bez… Joke lang naman eh.”

”Emff. Behlat!”

Ginulo nya yung buhok ko,  ”Isip bata ka talaga kahit kelan, hinding hindi kita mahayaang pabayaan. Sige, pasok ka na dun. Di ba may trabaho ka pa? Baka late ka na!”

”Hala! Oo nga! Late na pala ako!” iniwan ko na si Yue at pumasok na ako ng restaurant. Pero… ano ba yung sinabi nya? Masyadong seryoso. Lumingon ulit ako para tignan si Yue, pero paglingon ko eh wala na sya. Nakaalis na? mff.

Di naman ako napagalitan dahil late ako, ang weird nga eh. Ambait ng pakikitungo sakin ng mga employees dito kahit yung manager. Weird. Nagbihis na ako ng uniform ko, ancute nya. Tapos nakaroller skates pa kame. Wipee. Buti maalam ako nito. Ansaya magserve dito, buti hindi sinusumpong ang talent ko. Nakuuu. Ayoko maging lampa dito, kelangang sumweldo ako dito. >.<

”Sai, dun ka daw sa table 7.” sabi sakin ni Marj. Sya yung nakaclose ko kagad dito sa resto. Mabait sya at friendly. Di sya ganung matangkad, payat sya, maikli yung buhok na above shoulder ang length tapos may bangs sya sa tabi tapos yung konting part ng buhok nya nakaipit ng cherry-styled na panali. Ankyut nya nga, para syang bata.


”Okiedokie Marj.” at nagpunta na ako dun sa table 7. Puro lalaki dun sa table 7. Maingay sila. Magulo din.

”Ahmm.. Goodevening po mga sir, may I take your orders?” 

Woot~ Dinedma ako. Walang napansin? Toinks.

”Excuse me po…”

Woot~ Wala bang papansin sakin? Halerr. Mga aliens, pansinin nyo ako!  

Sir… Mga sir…”

Pansinin nyo naman ako. T^T

Sisigaw na ako, ”E—“


”O yan na pala waitress oh.” di ko na natuloy pagsigaw ko kasi pinansin na nila ako. How nice. Kanina pa kaya ako dito. Urgh. >.<

”Opo. Ano po order nyo?”

”Oy mga pare, order daw natin?”











”Miss, pwedeng ikaw na lang order-in namen?” waa? 0_0 mga bastos ah!

”Sir, pagkain lang po pwedeng order-in dito.”




”5,000 miss. Call?”

”Nang-iinsulto ba kayo sir?!” mga bastos na syokoy ah!

”Pakipot ka pa, if I know, gusto mo rin naman. Dali na, magkano ba gusto mo miss?” nabigla ako ng hawakan nya yung kamay ko.

”Ano ba! Let go of me!”

”Magkano ka ba?”

















”She’s not for sale. At pag hindi mo pa sya binitawan, pupulutin ka sa kangkungan.”




I was shocked when Cedric appeared and held the guy’s hand tightly. He’s face were clouded with anger. Nagbabanta yung mukha nya. Save me from these guys, Cedric…



End of Chapter 17

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!