Chapter 16: Happy Twist

247K 2.9K 56

CHAPTER 16: Happy Twist 

Wala na akong naggawa kundi pumayag sa offer nya, i badly need a job. Nagkita kita kami nung hapon, ako, si Cedric at syempre si Kyla. Tinanong nila ako kung bakit ko kelangan ng trabaho, ang sinabi ko lang eh may pinag-iipunan ako, ayoko ng sabihin pa yung problema sa pamilya ko, problema ko na yun ayoko ng ipa-problema pa sa iba.

Andito kami ngayon sa HappyTwist, isang restaurant, dito kami dinala ni Cedric eh. Iniwan muna kami ni Cedric sa isang table at dumiretso sya sa staff room. Hmm. Ano kaya konekta nya dito sa lugar na 'to?

Ewan ba, pero ang awkward eh. Kami lang kasing dalwa ni Kyla... di naman ako ganto sa kanya dati. Dahil ba may tinatago ako sa kanya na kinatatakot kong malaman nya? Yun ba dahilan ng pagkakaroon ko ng awkwardness ngayon? Siguro sya hindi na-a-awkward... Haay, kasi naman. Hala! Ewan. Di naman nya siguro malalaman yun. Wag na lang sana. Gusto ko ng kapayapaan.


Eh ano ba kasi pinoproblema mo? Wala ka naman ginawang kasalanan ah? Ano naman ngayon kung ex ka ni Cedric na boyfriend nya? Oh anong masama dun? Anong kinakatakot mo? 


Ano nga ba? 




"SAi."

"Ay oso!" nabigla ako ng tawagin ako ni Kyla, nadanggil ko yung softdrinks ko pero buti na lang nahawakan agad ni Kyla bago matumba at matapon.

"Sheesh. Masyado ka atang nagulat, ang lalim kasi ng iniisip mo. May problema ka ba? Sabihin mo lang bez."

"Problema? Kuu! Wala noh. Wag kang mag-alala, basta magkaproblema ako sasabihin ko agad sayo." 


Liar.




"Okie. SAi, kayo na ba ni kuya Brian? di ba nililigawan ka na nya?" 

"Hindi pa kami. Di ko pa sya sinasagot eh." 

"Eh kelan mo sasagutin?" 

"Di ko pa alam... one of these days siguro??" 

"Ganun ba. Alam mo mahal na mahal ka nun Sai, mahal mo rin ba sya?" 



Ayoko pa ng tanong na yan. >.<

Napatingin ako sa table tapos may nakalagay sa place mat, "Table 8". Pfft. Sign? Bwisit. Oo nga pala, may luko lukong tadhana ang nang-aasar sakin. Bwisit. Dini-dismiss ko na nga yung sign kasi move on na eh pero nang-aasaar pa rin. Hala! Basta, walang balikang mangyayari!



"Mahal ko? Anoh..." di ko talaga alam ang sasabihin ko pero nag-aantay si Kyla ng sagot, anong sasabihin ko??



"Anoh.." napatingin ako sa staff's room, at sakto! Nakita kong lumabas si Cedric, "Ayun na si Cedric, Kyla." 

Lumingon si Kyla, hindi ko na sigurong kelangang sagutin tanong ni Kyla. Lumapit na pabalik si Cedric pero bago makalapit samin si Cedric eh narinig kong magsalita si Kyla,"Ako? Mahal ko si Cedric, mahal na mahal.


Nabigla ako sa sinabi ni Kyla, hindi sya nakatingin sakin kundi sa papalapit na Cedric. Hindi na ako nakapagreact kasi nakarating na si Cedric.

"Ok na Sai, tanggap ka na. You can start later if you want. Your sched is from 7-9pm, ok lang ba?"

"Ok lang, pero teka, tanggap na agad ako? wala man lang bang interview, resumes, or anything?" 

"Wala na. Wala ka ng poproblemahin. Libre na nga pala uniform. Wag kang mag-alala, friend ko may-ari nito."

"Salamat. Sige Kyla, Ced, uwi na muna ako para makapagready. Salamat ulit."

---



Nakauwi ako ng bahay. Pabagsak akong nahiga sa kama at marahas na pinikit ang mga mata ko. Inaantok ako eh.

Hihigitin na sana talaga ako ng antok ng biglang nag-ring ang phone ko...


*NKcells ko.Ü calling



Kahit inaantok ako eh pilit kong wag matulog, sinagot ko yung tawag.

"Hello..." 

"Nakakatampo... Antamlay ng bati mo sakin. Samantalang miss na miss na miss na miss na miss na---" 

"OO na. Haha! Miss na miss mo na ako. Pasensya na Brian ha inaantok kasi ako, makakatulog na nga sana ako ng tumawag ka eh. Pasensya na talaga ha." 

"Oks lang yun. Baka pagod ka? Tulog ka na lang muna." 

"Hindi. ok lang 'to. First call mo 'to eh since umalis ka kaya di dapat kita tulugan. Tsaka ikaw nga dyan ang mukhang pagod, ang haggard kaya ng boses mo."

"Hehe. Medyo pagod  nga ako, hirap kasi ng training pero ok lang yun, may energy na ulit ako kasi naririnig ko na boses mo."

"Ancheese mo ha." 

"Ihh, lam ko namang na-miss mo for 1day ang ka-cheesyhan ko."

"Hehe. Sort of. Kasi ikaw, bawat araw eh may ka-cheesyhang pinagsasabi. Binubusog mo naman ako masyado sa mga sweet words mo baka hanap-hanapin ko yan." 

"Hindi mo naman kelangang hanap-hanapin ang mga bagay na di naman mawawala." 

"Narinig ko na yang line na yan ee! Sa film mo yan nakuha ee! Pero sige nga ikaw na may talent na pakiligin ako." *yawn*

"At talagang talent mo na din ang paibigin ako ng ganto noh?" 

"Hehe.. ikaw... talaga...*yawn* ... baduy... mo... pe---"


Tugsh.

Nagmulat ako ng mata at pagmulat ko eh napatingin agad ako sa orasan, 6:40pm. Shet! Trabaho ko! First day ko pa man din!

Tumayo agad ako at aabutin ko na yung cellphone ko ng maalala ko si Brian!

Shet! natulugan ko sya! Amfofo ko talaga! Te-text ko sana si Brian para magsorry ng makita ko sa screen ng cellphone ko na naka-call pa rin si Brian... Hindi pa rin nya binababa yung phone?


"Hello? Are you still there Brian?" 

"Yep. Always here and never will I be gone." 

"Shucks! Do you mean, habang tulog ako eh di mo pa rin binababa yung phone?" kung tama pagkakaalala ko eh mga quarter to 6 eh nakatulog ako tapos... 6:47na ngayon, he waited for 47minutes for nothing? 

"Yup" 

"My gosh, im sorry Brian. Tinulugan kita. You should've ended the call, yan tuloy, nag-antay ka pa ng 40minutes para sa wala." 

"Sus. I've waited for everything nga. Ankyut mo kayang matulog, nagsasalita ka.." 

"Talaga? Anong sinasabi ko sa panaginip ko?" 

"Amm... marami eh... pero pinakanatawa ako eh nung magsalita ka ng, goodevening mam and sir, may i take your order please, haha. grabe, i can't imagine you being a waitress." pagkasabi nun ni Brian eh naalala kong malelate na nga pala ako.

"Patay! Brian! I'm really sorry pero I need to hang off, malelate na ako sa work ko!" 

"Work?"  

"Yes. I'll explain everything later. I really need to go." 

"O sige, ingat. bye." 

"Bye." pagkatapos nun eh dali-dali akong nagbihis tapos umalis ng bahay at nagdire-diretso na sa workplace ko.

Pagbaba ko ng tricycle eh nabigla ako ng makita ko si Yue sa tabi ng pinto ng happytwist at mukhang may inaantay habang naninigarilyo... Sino inaantay nun? Ako kaya?




- End of Chapter 16

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!