"so iniwan ka niya?" tanong ulit ng katabi ko


" masakit , yun lang alam ko e" pinipigil kong pagiyak na sagot sa kanya.


"mahal mo ?" tanong ulit nito na ikinainis ko


"gago! Iiyak ba ako kung hindi ko mahal yun?" sagot ko dito


".... That's funny... iniiyakan natin ang mga taong nanakit sa atin amd sa huli walang nagbabago dahil kahit umiyak ka ng isang balde diyan.. iniwan ka pa rin" biglang sabi nito


"MASAKIT E! Anong gusto mong gawin ko? Hindi ako okay, ang sakit malaman na yung taong mahal mo...may iba nang mahal... yung taong mahal mo iba na ang pinapangiti...in a blink of an eye..wala na!" Umiiyak kong sagot dito.


"Maybe that's the downside of love" pahabol kong sabi dito


"I disagree. Yes nasasaktan tayo sa love, umiiyak tayo, pero you cant deny na yung happiness na binigay sayo ng love will always be in your heart no matter what. That pain na nararamdaman mo? Hindi yan downside, hindi yan masama, dahil it reminds you na tao ka lang at nasasaktan ,you can cry, we can cry pero enduring the pain for a long time? Yun ang masama dahil youre missing a lot of good and better things dahil lang tinatrap mo ang sarili mo sa sakit nay an." Mahabang sagot nito habang nakangiting nakatingin sa bintana ng bus


"tangina, bakit niya kinayang iwan ako? Kasi ang sakit .....binigay ko na lahat..lahat para lang maging Masaya ang relasyon namin, for him not to look to other things. Pero wala..am i not enough? am i not good enough?." umiiyak kong sabi dito


" sinabi ba niyang ibigay mo lahat? Ibibigay mo ang lahat hanggang sa kaya mo and sa oras na wala na siya, wala na ring natitira sayo. Sa tingin mo ba yung lahat ng naibigay at nasakripisyo mo sa kanya, naappreciate niya? Magkakaganyan ka ba kung kahit papaano nagtira ka sa sarili mo?" sagot nito sa akin na para bang palakol na gumising sa ulo ko.


"hindi ko alam,kung kaya ko pa? pinaramdam niya sa akin na ako lang e, na espesyal at mahalaga ako and all of a sudden...ganito ang nangyari....He' my world... ayoko na!! " Umiiyak kong sagot sa estrangherong katabi ko


"nabuhay ka bago pa siya dumating. So kakayanin mo. Maaring hindi pa ngayon pero eventually kakayanin mo. Huwag kang tanga hindi magandang hobby yan" natatawang sagot nito


"You don't know what I am feeling. Hindi mo alam ang sakit so wala kang karapatang pagsabihan ako nang ganyan" medyo galit kong sagot dito


"I know. Siguradong akong alam ko. Maybe hindi ganyang pain pero alam ko... alam na alam" plain na pagkakasabi nito habang patuloy pa ring nakatingin sa labas ng bintana


"ikakasal na sana kami, lahat handa na, lahat okay na...yung araw na lang ang hinihintay naming pero hindi siya dumating. Iniwan niya ako, sumama siya sa ibang lalaki sa mismong araw ng kasal namin. Pero hindi ako naniwala hinintay ko siya, days,weeks,months and even years hinintay ko siya kasi alam ko hindi ako matitiis nun e, kahit sinasabi nila na hindi na yun babalik. No hindi ako naniwala.... Weird pero hanggang ngayon naniniwala pa rin ako" nakangiti nitong pagkukwento sa akin


Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya. Kung tutuusin mas masakit ang nangyari sa kanya, iniwan siya ng taong mahal niya sa araw mismo na dapat ay mag-iisang dibdib sila.


"ok ka na ba?" nagaalala kong tanong dito


"kung ayos lang ako, maybe yes. Pero ang pinagkaiba natin, mas mababaw ang sugat na dulot ng breakup niyo. Sa akin kasi kahit taon na ang lumipas hindi pa naghihilom, tahiin ko man ang sugat nakamarka na ang peklat nito sa puso ko." sagot nito sa akin.


"bakit kasi iniiwan tayo ng mga mahal natin e? bakit kasi kailangang masaktan pa yung mga totoong nagmamahal? Hindi ba ako deserving? Hindi ba tayo deserving?" umiiyak kong question dito


"hindi ko masasagot ang tanong mo. Pero ang tiyak ko lang , na kawalan nila ang pagiwan sa mga taong handang ibigay ang lahat sa kanila, hinayaan nilang mawala yung mga taong totoong nagmahal sa kanila...... at tayo yun.." tanging sagot nito sa akin.


"tell me..... makakamove-on naman ako di ba? Makakalimutan ko naman siya di ba? Magiging Masaya pa rin naman ako di ba?" frustrated kong sagot dito.


"ikaw....ikaw lang ang makakasagot niyan. Ikaw lang" sagot nito bago huminto ang bus na sinasakyan namin at pumunta sa kinauupuan naming ang konduktor nito at kinausap si ang katabi ko na kanina pa nakatingin sa bintana


"sir,nandito na po tayo,aalalayan ko na po kayo" sabi nito bago dahan dahang inalalayan ang estrangherong kanina ko pa katabi.


"kakayanin mo,para sa sarili mo" huling sabi nito sa akin bago sila tuluyang lumayo sa kinauupuan naming kanina at doon ko lang napagtantong bulag pala ang katabi ko.


Kung kinaya niyang makita ulit ang ganda ng mundo kahit pinagkaitan siya ng kakayahang makakita, kakayanin ko din. Kung kinaya niyang maging Masaya kahit iniwan siya, kakayanin ko din. Makakalimutan ko siya at magiging Masaya din ako.



"kakayanin ko" ang bigla kong sabi sa sarili ko.



END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BUSWhere stories live. Discover now