- Alyssa -

Maaga ako nagising para tumulong sa paghahanda ng Almusal para sa Team. Kaya iniwan ko muna si Den sa Kwarto at pumuntang Kitchen ng Resort.

Saktong pagtapos naming magluto, may narinig akong bagong dating na kotse.

Teka, reserved yung resort para sa team ah? Sino naman yung darating na bago?

"Jen, may nagpareserve ba today?" Tanong ko doon sa isang Crew ng resort.

"Wala po Young Master, Three days pong reserved para sa Team nyo itong Resort."

"Ah, okay salamat."

Lumabas na ako para makita kung sino yung dumating pero natigilan ako sa nakita ko
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"LA."

May dala itong bulaklak, Chocolates at malaking bag.

"Yes Dude, sorry ah. Sumunod ako kasi nabobored ako sa Manila eh." Maangas na sabi nito.

Maka-Dude naman to akala mo eh bagay sa kanya. Pwe!

"Nakipag jack-en-poy ka sana sa salamin, naboboring ka pala eh." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?"

"Ah. Wala. Si Dennise ba?"

"Oo, where is she?"

"Sa Puso ko." Mahina uling sabi ko.

"HUH?"

"Sabi ko tara sasamahan kita sa kwarto namin." Sabi ko.

Pagdating namin sa Kwarto namin ni Den...

"Roommates kayo?" Tanong ni LA.

"Oo, kahit sa Dorm naman eh." Sabi ko.

"Ah, di nya kasi nabanggit sa akin."

Magsasalita pa sana ako nang biglang lumabas ng CR si Den.

"LA?!"

"Yes, Babe! Surprise :)" Sabi ni LA sabay bigay ng mga dala nyang pasalubong para kay Den.

"Sige, Lalabas muna ako, Uhmm.. Den, Ready na yung Breakfast sunod nlang kayo sa baba." Ngumiti lang sa akin si Den at lumabas na ako.

<<< Fast Forward >>>

Nandito kami ng Team sa tabing dagat. Yung iba naliligo, yung iba naglalambingan, yung iba naman naglalaro ng Beach Volleyball.

"Tara Aly, manguha tayo ng Kahoy kahoy! Para mamaya may Bonfire uli." Sabi ni A.

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!