Chapter 15: Rebound

257K 3K 114

CHAPTER 15: REBOUND

Nagpunta kami sa isang clothe's department para ibili ng isusuot na damit si Kyla, basang basa kasi damit nya. Kinabahan ako, kala ko may narinig sya kaya nakasagi sya pero ang sabi ni Kyla eh natalapid daw sya nung batang malikot dun sa resto at sa reaksyon nya eh mukhang wala naman syang narinig. Pwew!

Habang nasa dressing room si Kyla eh nag-excuse na ako kay Cedric, sabi ko eh mauuna na kami ni Yue at ipagpaalam na lang kami kay Kyla.


Nakarating naman kami ni Yue sa park.

"Gusto mo ice cream?"

"Bas--"

"Basta ba libre!" naunahan ako ni Yue sa sasabihin ko sana. Kilalang kilala na talaga ako ni Yue.

"haha! Yeah, basta ba libre."

"Wala ka pa ring pinagbago Sai-pot." tapos bumili sya ng ice cream.

"O Sai-pot, ice cream mo."

Inabot ko naman yung ice cream at dinilan ito tapos naglakad-lakad kami, "Thanks, Yue-pot."

Nung may makita kaming bench eh umupo kami ni Yue.


Masyado akong concentrated sa paglantak ng ice cream ko kaya nabigla ako ng magsalita si Yue, "Ang bestfriend mong babae eh syang girlfriend ng ex mo, how complicated."


Napatigil ako sa paglantak ko sa ice cream ko, "Yeah, so complicated. And she doesn't even know that fact."


"You mean she doesn't know...?"


"Nope. I never mentioned Cedric to her, hindi ko naman kasi akalaing magtatagpo pa ang landas namin ni Cedric at sa gantong paraan pa."


"Ang liit nga naman ng mundo anoh? Sa dinami-dami ng tao, bestfriend mo pa at ang ex mo,"'

"Yeah, life is really unpredictable. Kung hindi ka sanay sa biglaan baka hindi ka maka-survive."

"Hmm. So how did you cope with it eh?"

"Actually, it was easy."

He looks at me with a confused expression.


"I wasn't alone in the journey, someone was with me and made things easier. There was a hero.."

"Hero? Sus, baka rebound. Panakip butas."

"Hindi noh! Hindi rebound si Brian!"

"So Brian pala pangalan nya..."


"oo... si Brian. Alam mo ba napaka-espesyal nya, pinsan sya ni kyla, nireto sya sakin ni Kyla. Nakakatuwa nga, ambait-bait nya. tapos tuwing malungkot at umiiyak ako eh lagi syang andyan sa tabi ko and \he never fails to make me smile. Sya ang nagtatayo sakin sa tuwing madadapa ako."

"Rebound nga."

Pinameywangan ko si Yue, "Hindi nga aba! Ang kulit mo rin!"


Pinaglalaruan ni Yue yung icecream nya, ginagalaw galaw nya lang yung cone, "Alam mo Sai-pot, bali-baligtarin mo man ang mundo, rebound at rebound pa rin ang labas non. Panakip butas pa rin si Brian. Nagagawa mong kalimutan si Cedric dahil binabaling mo ang atensyon mo kay Brian. Isipin mo, pano kung walang dumating na Brian sa buhay mo, maka-move on ka kaya? Mali pala tanong ko, paano kung dumating si Brian sa buhay mo nang wala pang Cedric na nanakit sayo? Sa tingin mo mapapansin mo si Brian?"


Hindi ko alam ang sasabihin ko, "Oh ano? Di ka makaimik, tama ako noh?"


"H-hindi noh! Mapapansin ko pa rin si Brian. Kahit wala si Cedric!" sabay tayo ko at walk-out.


"sabi mo lang yan." narinig kong sabi ni Yue habang naglalakad ako palayo.



Hindi naman rebound si Brian ah. Hindi...



---

Umuwi na lang ako ng bahay para naman magkaroon ng peace and quiet pero...


"ANO BA MARKO, TIGILAN MO NA NGA YANG PAGSUSUGAL MO, TIGNAN MO, NAGHIHIRAP NA NGA TAYO DITO! MAAWA KA NAMAN SA MGA ANAK MO!" 

pagpasok ko ng bahay, ayan ang naabutan ko. Sigawan dito, hagisan ng gamit diyan. Akala ko may peace and quiet na ako dito sa bahay, gulo pa rin pala makukuha ko dito. Saan ba ako lulugar? haay nako.

Nakita ko yung kapatid kong si Ryza na naka-headset tapos paakyat, hinawakan ko ito sa braso,"Yes, ate?"

Parang walang tension sa bahay ah, cool na cool pa rin 'tong kapatid ko pero sabagay, naka-headset naman sya, baka kanina pa sya naiirita sa pag-aaway nina mama at papa kaya nagheadset na lang. Haay.

"Anong nangyayari? Bakit nag-aaway sina papa at mama?" 

Tumingin sya kina mama at papa tapos nagkibit-balikat lang tapos umalis na at pumanhik. Nye? Parang wala lang, autistic ata yun eh. Tsk! Ano ba mga tao dito. 


Ayun sina mama at papa, hindi pa rin tumitigil sa pag-aaway. Jusko, ansakit na nga ng puso mo dahil may problema ka sa lovelife, tapos eto pa, nag-aaral pa ako para sa test bukas tapos naririnig mo pa yung pag-aaway ng magulang mo. Ano ba yan, puro problema na lang. Ansakit sa utak. Kinuha ko na lang yung unan ko at binaon ko yung mukha ko at sumigaw dun sa unan. Makapag-labas man lang ng sama ng loob.

Hindi ko namalayan eh nakatulog na pala ako... Anggaling noh? Sumigaw lang ako tapos nakatulog na. XD



Bumaba na ako para maghapunan, naabutan ko sina mama at papa sa lamesa, tahimik lang, tapos andun din si Ryza, as usual, parang autistic na nakikinig pa rin sa headset nya, nung makita ako ni mama sa hagdan eh sinenyasan nya akong sumalo sa kanila sa lamesa... Nakakaramdam ako ng tensyon... Ano ba 'to...

Nung makaupo na ako na may kasama pang pagkatalisod sa upuan, (lam nyo naman, ayaw paawat ng special talent ko),  eh nagsalita si papa, "Mga anak... pasensya na... hindi ko sinasadya..."



Ang alin papa? 

"Natalo ako sa sugal ng mahigit dalawangdaang libo..." pagkasabi nun ni papa, biglang umiyak si mama tapos si Ryza, nakita ko may pinindot sya sa ipod nya, yung 'on' switch, which means, kanina naka-off pala yun, mapapansin mo rin na maiiyak na si Ryza pero pinipigilan nya lang... at ako? Shocked ako. Ano na lang mangyayari samin? Hindi naman kami mayaman pero hindi rin mahirap pero ngayon... dalawangdaan at mahigit ang nawala samin? Malaking halaga yun...

"Sorry talaga... Na-realize ko lang yung mali ko kung kelan nawala na eh... Hindi ko alam ang gagawin ko... Sige, wag kayong mag-alala mga anak, gagawa ako ng paraan... Kung kelangan... kung kelangan kumapit ako sa patalim, gagawin ko para hindi tayo maghirap..." nung marinig ko yun eh hinawakan ko ang kamay ni papa.

"Hindi ako papayag papa, tutulungan kita at magtatrabaho na lang ako habang nag-aaral..." nag-react sila pero pinilit ko pa rin sila at pumayag naman sila sa huli. Kaya ko naman eh... marami naman sigurong trabaho dyan na maisasabay ko sa pag-aaral ko. Makakaya naman siguro namin 'to...

Pagpasok ko kinabukasan eh nagtanong tanong ako sa mga kaklase ko kung may alam silang trabaho na pede sakin, pero walandyo naman, puro kalokohan lang isinasagot sakin, yung iba sinasabi magtrabaho daw ako sa bar, o yung iba naman sinasabi, mag-clown daw ako, anakng, pag seryoso ka ayaw kang seryosohin. bweset. Habang nagka-klase kami, nag-iisip pa rin ako kung anong trabaho ang pede at kung saan ako makakahanap nang maya-maya eh naramdaman kong may kumulbit sakin at pagtingin ko eh si Cedric, I gave him the WHAT look. Tapos bigla syang nagsulat sa notebook nya and after that pinakita nya sakin.



"Why are you looking for a job?"

Tapos may drawing pa dun ng nagtatakang tao. Ako naman, kinuha si notebook at nagreply...

"And why do you even care huh?"

Antaray lang eh noh? Hehe. Tapos, may drawing din dun ng babaeng naka-behlat. Parang bata. haha. 

"Because I could help you find one and it offers a good salary and a good schedule. "

Nagreply ulit ako...


"Bleh~ Anong job yun? Baka hostess! Ayoko. "

Tapos pinakita ko kay Cedric at binehlatan ko sya pero nabigla ako ng bigla bigla eh may umagaw ng notebook ko... patay! Yung teacher pala namin...


"Bleh, anong job yun, baka hostess ayoko." what the FFFFFFFFFFF?!!! Our teacher read it aloud in the class, yan tuloy nagtawanan ang klase, nakakahiya, >.<

"Ano 'to, Ms. de Mesa, is Mr. Fontanilla offering you to entertain him with your body eh?" gaa. kelangan nya bang magsabi ng ganung bagay sa harap ng buong klase, nagtatawanan tuloy sila. Ako naman, hiyang hiya na, ewan ko lang si Cedric,. hindi ako makatingin eh. 


*kriing*


woo. thank you bell!!!! Alabyuuuu!!! Wooo.

"SAve by the bell kayo, O sige class. Tapos na ang klase."  lumabas agad ako to avoid embarrassment, i had enough na kasi eh.

Pero nabigla ako ng mahabol ako ni Cedric sa locker ko, "Wait Sai,"

Hinawakan nya ako sa braso, tinarayan ko naman sya, "Ano?! Hindi ko tatanggapin yung job na ini-ooffer mo kaya get away from me kung ayaw mong matadyakan!"

"Geez Sai, I just want to help and it's not that kind of job that youre thinking. Clean job sya ok?"

"Want to help ha? At bakit? Para magka-utang na loob ako sayo?!"

























"No Sai... I want to help you because youre my friend."








ok. his friend? I didn't see that one coming.

End of Chapter 15

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!