Chapter 56 (October 08, 2011)

831K 11.8K 1.9K
                                    

DATE POSTED: October 08, 2011


Chapter 56

Nagising si Phoebe na masakit ang tyan.

Aruuuyy. Ang sakit ng sikmura ko.

Pagdilat niya. Hindi niya makilala ang kwartong kinaroroonan. Puro puti lang ang kanyang nakikita.

Ospital toh???

Napabalikwas siya ng bangon

"Ehhhhh???!!!!" nagulat kasi dahil pagkaupo niya, si Harley ang nakita niyang nakaupo sa upuan sa gilid. Pero hindi naman ito nagsasalita, nakatingin lang sa kanya. Nakatitig sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.

Phoebe ano bang nangyari at nandito ka sa ospital. Think! Think!!!!! OMO!!

Tska na lang naalala ang practice nila ng play. Tumingin siya sa orasan.

"Shemay 9:00pm na???" tanong niya ulit kay Harley.

Marahang tumango lang si Harley.

"Uhhmm Paano yung practice natin ng play?? Halaaa! Bukas na yun!!!"

Tumayo si Harley at umupo sa tabi ng kama ni Phoebe.

"Hayaan mo na yun. Kabisado ma na naman ang lines eh.May technical rehearsal bukas. Nagpasab na naman ako kina manager na... nagkasakit ka." Sabi ni Harley habang may maliit na ngiti sa labi.

"Ha? May sakit ba ako? Hindi nahimatay lang ako kasi, waha madalas lang talaga ako mawalan ng malay ka----"

Hindi na naituloy ni Phoebe ang sasabihin niya dahil uni-unting nakikita niya ang parang papaiyak na mukha na ni Harley.

"Uyy... Bakit? Anong problema?"

Maya-maya niyakap na siya nito ng mahigpit. Sobrang higpit na akala niya hindi na siya makakahinga.

"Let me just hug you... Just one last hug Isabelle..." bulong nito sa tenga ni Phoebe.

"Ha??" naguguluhan naman si Phoebe. "Ano bang nangyayari sa'yo? Aalis ka ba? Sus! Sa play nga mayayakap mo pa ako eh!"

"Si Westley yun na yumayakap kay Buttercup." Hinigpitan pa ni Harley ang yakap. "Pero... ngayon promise ko sa'yo... Hinding hindi na kita lalapitan... ng hindi mo sinasabi... Pero still... I will do everything that we have agreed onto. Yung kay Elisa? Hayaan mo na siya. Ilalabas ko pa rin yung video niyo para na rin mas maging matahimik ka na... Pero hayaan mo lang ako ngayon na yakapin ka. Please..."

"Aahhh... Bakit ka ba ganyan? Bakit ka ba nagpapaalam?? May nagawa ba akong masama?" sumasama na naman ang pakiramdam ni Phoebe. Parang sa mga sinasabi ni Harley, bumibigat ang kalooban niya.

"Hintayin mo na lang si Jhone. May mga binili lang siya para sayo... Basta Isabelle..." humiwalay si Harley sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ni Phoebe. "Just be happy okay?"

"Anong nangyayari sayo? Umiiyak ka ba???" natatarantang tanong ni Phoebe kay Harley dahil napansin niyang parang naluluha ito.

"Don't worry my tears won't blame you. Those are just the words my heart uses to explain my pain"

"Why are you in pain??? Am I hurting you that much?"

Umiling si Harley at nakita na naman ni Phoebe ang pilit na ngiti nito.

"I'll always remember how much you once cared."

***

"Ang saya mo ah!" sabi ni Elisa kay Kent. Nasa airport na sila at pabalik na ng bansa. Hinihintay na lang nila ang oras ng flight. "Masaya ka kasi natapos na ang shooting? Excited ka na ba sa movie?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon