Paano mo masasabing gusto ka ng isang lalaki?

19.6K 51 36

Napakasaya at napakasarap sa pakiramdam kapag malaman mo na gusto ka ng isang lalaki, gusto mo man siya o hindi..

Sa tingin mo may gusto 'rin sayo ang taong gusto mo...

Isa ito sa pinakamasayang bagay na maaari mong matamasa pero kailangan mo ng isang napakalaking puhunan - ang lakas ng loob.

Lakas ng loob para saan?

Ang pinakasimple at pinaka-common na siguro sa paraan ng pag-alam kung gusto ka talaga niya ay ang direktang pagtatanong.

Pero syempre ano nanaman?

Pangungunahan ka nanaman ng takot.

Puro nalang takot ang pinapairal.

Palagi nalang.

Eh paano mo malalaman na 'mutual ang feelings niyo' kung hindi ka magtatanong?

Natatakot ka na maaaring mapahiya ka sa kanya kung hindi positibo na gusto ka 'rin niya.

Kaya naman may mga tips o steps din na hindi lang sa paraan ng lakas ng loob at direktang pagtatanong malalaman kung gusto ka nga 'rin ni boylet..

Pero syempre, 'yang mga paraan na 'yan eh MAS epektibo kaysa sa iba. Proven and tested kumbaga ni author.

Kaya, tanggalin na ang hiya hiya, kapalan ang mukha at maging walanghiya! HAHAHAHAHA. Joke lang!

Kung hindi ka talaga niya gusto, aba'y okay lang 'yan teh!

Madaming lalaki sa Earth. Hanubeeyy~?

HANAP HANAP DIN PAG MAY TIME ANO PO?

Paano Malalaman kung gusto ka ng isang lalaki?

Ang mga lalaki ay hindi naman masyadong kumplikado mag-isip katulad nating mga girly kaya hindi naman mahirap malaman kung gusto ka ng isang lalaki.

Ngunit may isang bagay na maaaring maging kaibahan ng bawat kalalakihan - ang "takot na matanggihan".