Caela.

Naglalakad ako papunta sa dorm namin. Namimiss ko na 'yung dalawang bruha kong kaibigan, halos magdadalawang araw ko na silang hindi nakikita.

Siguradong nagtatampo na ang mga iyon sa akin. Marami akong utang na kwento sa kanila at siguro naman kahit sa kanila lang, pwede kong maibahagi na nakita ko na ang mga magulang ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sila ang Mama at Papa ko.

Speaking of Papa. Nakakainis!

Noong sinabi ni Papa kanina na nasa baba si Dashiell at sasamahan ako, hindi na magkaintindihan 'yung puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Abot-abot 'yung kabang nararamdaman ko sa isiping makakasama ko na naman siya. Wala eh! Malakas talaga ang epekto ng lalaking 'yun sa buong sistema ko.

Kaso umasa lang anng letse kong puso. Akala ko totoo ngang nandoon siya at hinihintay ako. Wala naman pala! Inaasar lang ako nina Papa, at tuwang-tuwa pa sila sa naging reaksiyon ko. Very supportive parents. Ang galing, di ba?

Kaya naman mag-isa akong sumakay ng Pegasus at mag-isa din akong naglalakad ngayon. Okay lang, sanay na naman ako!

Pero ang engot ko talaga. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko? Wala nga namang responsibilidad 'yung tao na samahan ako. Tapos heto ako, napaka-assuming! Gaga!

Aasa, tapos kapag nasaktan, iiyak-iyak!

"Oh my god! Buti naman at naisipan mo pang umuwi, no?" Bungad sa akin ni Michie pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakahawak sa bewang ang dalawang kamay.

"H..hello, sissy. I m-miss you. Hehe." Nakangiwing bati ko sa kaniya bago ko siya hinalikan sa pisngi. Nakakatakot kasi ang mukha niya, parang kakainin ako ng buhay.

"Huwag mo akong ma-I miss you, I miss you diyan! Saan ka nanggaling at hindi ka na bumalik? Hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Nag-aalala kami sa'yo. Akala ko tuloy itinanan ka na ni Dashiell! Buti na lang buo ka pang ibinalik niya dito! Nasaan ang lalaking iyon? Dapat lang na panagutan ka niya!" mahabang litanya niya. Para siyang nanay na nagsermon sa anak na ginabi nang umuwi.

Pakiramdam ko din pulang-pula na ang mukha ko dahil sa mga sinasabi niya. Bakit may 'tanan' at 'panagutan' thingy?

"A...ano ka ba naman, sissy? H-hindi kami nagtanan. Ang ingay mo, baka may makarinig." Nahihiyang ani ko. May disadvantage talaga ang pagiging madaldal ng babaeng 'to eh.

"Nasaan si Sophia?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nasa kwarto! Pero huwag mong ibahin ang usapan. Saan ka natulog kagabi? Huwag mo sabihing magkatabi kayo ni Dashiell matulog? Kukurutin kita sa ngala-ngala!" Patuloy pa rin na sermon niya. 

Hindi ba siya nangangalay kakasalita? Walang preno eh. At paano niya ako makukurot sa ngala-ngala? Pwede bang mangyari yun?

Tsaka ang advance niya talaga mag-isip. Nakakabilib!

"HINDI! HINDI NGA KAMI MAGKATABI KAGABI!" para namang lumalabas na sobrang defensive ko sa naging sagot ko. Pwede namang hindi sumigaw. Ang engot ko talaga kahit kailan.

"Ows? Hindi nga?" Nang-aasar na tanong pa niya. Sasagot na sana ako kaso dumating na si Sophia.

"Bakit kayo nagsisigawan? At sino ang naririnig ko na magkatabi matulog kagabi?" Naguguluhang tanong niya.

"Hello, sissy. Namiss kita." Nakangiting sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Sumiksik ako sa kaniya, kunwari ay nagtatago kay Michie.

"Saan ka ba nanggaling? Hindi ka umuwi kagabi? I miss you too, sis." Nakangiting sagot niya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!