Chapter 13: rebelation

261K 3.4K 205

chapter 13: "REBELATION"


After nyang sabihing mahal nya ako eh hindi na ako naka-imik pa. Totoo ba yun? Mahal nya talaga ako? For real? As in yung totoo? Nothing but the truth? Oo na oo? 


oo nga sairyl aba!


Haay... Pero bakit?

Bakit nya ako mahal? Bakit ganun? Bakit ayoko na mahal nya ako? Bakit? Ang gulo. 

Hindi na rin umimik si Brian pagkatapos. Nagdire-diretso lang sya sa kung saan man kami pupunta.

Maya-maya eh tumigil sya... bakit kaya? 


"Sairyl... andito na tayo." 

"eh?" medyo nabigla pa ako at napatingin ako sa paligid habang dahan-dahan nya akong ibinababa. Nabigla ako sa nakita ko, may isang bahay na mukhang sinisimulan pa lang gawin tapos mayroon ding isang maliit na tree house at may swing malapit doon. Tumingin ako kay Brian ng may pagtataka.

"Eto..." tinuro nya yung tree house tapos yung swing, "Nung bata ako, pinagtyagaan kong gawin yan mag-isa."

Eh? Sya lang mag-isa? Ang galing naman.

"Alam mo kaya ko ginawa yan dati kasi gusto ko dati dyan kami titira ng magiging pinakapaborito kong kalaro habang buhay at maglalaro kami ng maglalaro. Ang iniisip ko dati eh isang masayang kalaro ang gusto kong makasama habang buhay..."

Hindi ko nage-gets kung bakit sya nagkekwento ng ganun pero nakinig na lang ako...

"OO, natapos ko sya. Ayan nga oh. Pero... nung lumaki ako... naisip ko, hindi ko pala gusto makasama ang isang kalaro lamang habang buhay kasi nagsawa din ako sa paglalaro nung lumaki na ako... nung nag-mature na ako... Hindi na laro ang nasa isip ko. Hindi na rin kalaro ang gusto kong makasama habang buhay. Nagbago ang pananaw ko nung paglaki ko, kasi... sinubukan kong magtayo ng isang mas malaking bahay kesa dyan sa tree house... at ayan ang nasimulan ko..." tinuro nya yung hindi pa tapos na bahay, "Alam mo kung para saan yan? Katulad ng tree house na yan, iyan ang bahay kung saan gusto ko makasama habang buhay ang isang tao. Hindi na kalaro... kundi yung taong mamahalin at pahahalagahan ko habang buhay... Alam mo ba kung sino yung taong yun?"

"sino?"

"Sino pa ba? eh di ikaw."




"Ikaw ang gusto kong makasama sa bahay na yan habang buhay. Alam mo ba nung una kala ko isa ka lang fling na nireto sakin ni Kyla pero akalain mo yun... isang araw nagising na lang ako na... mahal na pala kita."


Nabigla ako sa mga rebelasyong sinasabi ni Brian...


"Sairyl... kanina sa restaurant... seryoso ako nung sabihin kong liligawan kita."

"Pero brian..." 

Liligawan nya ako? Pero... ayoko. Hindi pa ako handa sa panibagong relasyon. Ayoko pa... Hindi ko pa kaya... Takot pa ako. Andito pa rin sa puso ko yung iniwang sakit ni Cedric. Natatakot pa ako na baka masaktan ulit ako gayong hindi pa ako nakakaalis sa isa pang sakit. Baka mabaon ako sa mga patong patong na sakit kung papapasukin ko pa si Brian sa buhay ko. 


"Alam ko Sairyl, mahal mo pa si Cedric. Alam ko hindi mo pa sya nakakalimutan. Gusto ko nga sana eh hintayin ko yung time na tuluyan mo na syang malimutan. Pero hindi ko na matiis maghintay eh lalo na sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka at umiiyak ka ng dahil sa gag*ng yun. He's not worth your precious tears. Ayoko ng makikita ka pang sinasaktan ng sira-ulong yun. Kung hahayaan mo lang ako Sairyl, kung bibigyan mo ako ng chance. Hinding hindi kita hahayaang masaktan di tulad ng ginagawa sayo nung gag* mong ex. Gusto kitang makitang masaya at gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita. Bigyan mo lang ako ng chance. Mahal na mahal kita Sairyl, hinding hindi kita hahayaang masaktan pang muli." niyakap nya ako. Ako? Natulala naman ako...


Ano ba dapat kong gawin? Naguguluhan ako. Dapat ko bang bigyan ng chance si Brian? Dapat ba akong maniwala sa mga sinabi n Brian? Hindi ba't... sinabi din dati sakin ni Cedric na hinding hindi nya ako hahayaang masaktan? Pero anong ginawa nya, sinaktan nya ako! Kung nagawa ni Cedric yun... baka gawin din ni Brian yun. Ayoko ng masaktan ulit. Baka hindi na ako makabangon sa pagkakadapa pag nasaktan ulit ako.


"Brian... paano ba?"

"Paano ba ang alin?"

"Pano ko ba aalisin ang sakit kung sakaling sasaktan mo rin ako?"

"Sa tingin mo ba sasaktan kita?"

"Nagawa ni Cedric, hindi imposibleng magawa mo din."
















"Tanga lang ang mananakit sa isang babaeng tulad mo at hindi ako tanga, Sairyl. Mahal lang kita."

End of Chapter 13

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!