Author's Reasons for Revising

344K 5.1K 430

Bago ang lahat...

"Bakit n'yo po ni-revise? Mas maganda naman po yung IDTIP"

Dahil paulit ulit na lang ako nakakatanggap ng ganitong feedbacks... of course I'm thankful na may mga naka-appreciate sa gawa kong una (kung kailan medyo bago pa ako sa pagsusulat).

Pero syempre, meron akong mga dahilan kung bakit ko ni-revise. Di ko nga alam kung bakit kailangan ko pa mag explain eh... pero eto na! Ito ang listahan kung bakit:

1. Gusto kong tanggalin yung mga unrealistic scenes. Yung gang fights na corny.

2. The Junsu-Pamsy part na medyo nahirapan akong i-explain, inalis ko na para wala ng conflict. Mas maganda na wala ng explanation pa yun kasi medyo nakakabobo din yun eh.

3. Critics na pwede namang sabihing i-revise ko yung LAHAT sa story. Ayaw pa ko direstuhin :D

4. Some unfamiliar words. Yung mga Batangas words... sorry, di ko naman alam na di n'yo yun alam eh. Edi baguhin yun dun sa mas kilalang salita.

5. Too many emoticons. Grrrrrrrrr I hate myself for doing that. Eh kasi, medyo shunga pa ko nung 2011 eh. Pagpasensyahan n'yo na, uso dati sa texts yun e.

6. Too many switch of POVs. Nahilo na raw yung iba, edi wag hiluhin.

7. May mga eksenang hindi naman kailangan. DELETE!

8. Mga lovelife ng kaibigan ni Cha na medyo hindi naman kailangan isama. DELETE!

9. The story is such a crap for me. And yes, it's my story... pero yun talaga ang nasa utak ko nung binasa ko itong muli (nung IDTIP pa s'ya).

10.  Gusto ko.

Ayun, yun lang naman. Sana naintindihan n'yo yung side ko. Gusto kong mag improve. At kung may mga taong disappointed sa revised, basta ako, masaya ako sa desisyon ko. Maraming salamat pa rin naman dun sa mga taong sinuportahan yung HDTIP kahit nabasa na n'ya yung IDTIP! Naks, tunay kayong tao! Ay este, ako'y lugod na nagpapasalamat dahil kayo'y andun pa rin para ibigay yung komento sa mga pagbabago.

P.S. Pasensya na pero di ako makakapagbigay ng soft copy. Pasensya na talaga. Ito lang naman yung story na wala akong soft copy eh, pagbigyan n'yo na ako...

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!