Chapter 12: ikaw ang mahal ko

258K 3.4K 345

CHAPTER 12: IKAW ANG MAHAL KO

”Ha? E diba kelangan munang magpakasal bago gawin yun?” 
 


"Eh? Hindi kita ma-gets Sai, adik ka ba? Halika na nga, anlamig na dito, tara na dun para mainitan na tayo." ano daw? Mainitan? 0_0 My golly, ayoko talaga. Hindi ko akalaing ganto pala si Brian. Hindi ko akalaing magagawa nya sakin 'to, he was too kind.

"Ayoko Brian. Hindi ko akalaing ganyan ka pala! Hindi ko akalaing may masama kang intensyon sa akin! Kapalit ba yun ng mga kabutihang ginawa mo sakin? Kapalit ba yun ng pagpapasaya mo sakin? Akala ko naman mabait ka talaga, yun pala may masama kang motibo!" 

"Ha? Masamang motibo? Anong motibo?" 

"Pa-inosente ka pa dyan! Akala mo ba maloloko mo na ako sa pagba-bait baitan mo, hindi ako tanga Brian! Dinala mo ako rito para... para..." 

"Para?" (?_? )7


"Nakakainis ka Brian! Bakit ikaw pa!" 

"Potek! Wala akong ma-gets, para ano ba? Ano yung para?" 





"PARA PAGSAMANTALAHAN!!!!" >_______<



"alam mong wala akong takas dito kaya dinala mo ako sa lugar na 'to na walang katao-tao! Sinamantala mo ang pagka-antok ko kanina at dinala mo ako dito para gawin ang masama mong motibo! Ansama mo! Hindi ko akalaing ganyan ka Brian!!!" 


Yung reaksyon nya eh ganto --> -__- ---> ~_^ --> 0__0 --> XDDDDDD


"BWAHAHAHAHA!!!! Ako rapist? WAHAAHHAAH." 


Bigla syang tumawa ng malakas? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Hindi kaya adik 'tong si Brian? At naha-high na? OMO. I'm in trouble.


Tapos maya-maya eh tumigil na sya sa pagtawa at sumeryoso ang mukha, yung sobrang seryoso tapos he gave me a sly smile,"Well Sairyl, sa totoo lang. Type talaga kita, nung una pa lang kaya nagpanggap ako na mabait para mapalapit ka sakin at makuha ko ang gusto ko sa'yo. Ang katawan mo." 



This is it. He's finally removing his mask. Nakakatakot ang Brian na kaharap ko ngayon. Bakit kelangang si Brian pa?


"Bakit Brian? Akala ko..." 

"Andali mo kasing magtiwala. Yan tuloy, yan napapala mo. Ngayon akin ka na..." at lumapit sya papalapit sakin.

Pumikit na lang ako at sumigaw.


Maya-maya biglang narinig ko ang tawa nya, "HAHAHAHA!! pinapatawa mo talaga ako Sairyl! haha! I was just kidding! haha. Hindi ako rapist noh! Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at naisip mong manyakis ako! haha. Ikaw re-rape-in ko? Ano ako sira-ulo? Eh di hindi na virgin ang magiging asawa ko pag nagkataon? Ayoko nga ng ganun!" 

Eh? Magiging asawa daw nya? Ano daw?

"Nakakatawa ka talaga!!! HAHAHA." pero sa pagkainis ko eh nagwalk out ako, naglakad ako ng naka-paa, sira na kasi yung heels, ang hirap maglakad kaya tinanggal ko. Hindi man lang napansin ni Brian ang pag-alis ko, busy kasi sa pagtawa. Sira-ulong yun, niloloko ako. Hmp!


Pero kinabahan talaga ako dun ha, kala ko totoo. Pero buti na lang hindi, pwew. SAbi na nga ba eh, hindi ganung tao si Brian. :)

Grabe, ang lamig, lakas na ng hangin.




"AWOOOOOOOO!"


Waaa! ungol ng aso? Kakatakot. >.<


Babalik na nga ako kay Brian. 




Teka... asan na ba ako? Tumingin ako sa paligid ko, puro puno. lumakad ako ng lumakad pero puro puno pa rin. Asan na yung kotse ni Brian? At asan si Brian?



Putakte! I'm lost! 


Saan ang daan pabalik? T.T



*wshhhs*


Waa! Nakakatakot naman dito, ang dilim dilim pa tapos may mga kaluskos ka pang maririnig. Naiiyak na ako. T.T


Waaa. Briannnn~~~~!!!



Maya-maya, may biglang tumapik sa balikat ko,"UWAAAAAAAAAAAAA!!!!" 



"Relax Sairyl, ako 'to." paglingon ko eh nakita ko si Brian.

Nasapo ko ang dibdib ko, "Pwew. Akala ko may halimaw. Kaw pala. Salamat naman. Naliligaw na ako eh." 

"Bigla ka kasing naalis eh." 

"Eh kasi ikaw nakakainis! Nang-aasar! Pinagtatawanan mo ako!" 

Tatawa na sana sya ng umimik ako, "oh! Tatawa ka nanaman!"

Pinigil nya yung tawa nya, "Pff~ Kasi... pff... ikaw eh! Kung anu-ano iniisip mo." 

"oo na! Praning eh!" 

"Tara na nga." 

"saan?" 

"Don't worry. Good guy ako, eto oh, may halo ako?" at nagbilog pa sya with his finger sa ulo nya na kunwa'y may halo ng isang anghel.

"Oo na. Tara na kung san mang planeta tayo pupunta!" nauna na akong maglakad. Pero nang maramdaman kong hindi sya sumusunod eh tumigil ako at lumingon kay Brian, "oh? Anong tinu-tunga-tunganga mo dyan?" 

"Oh? Alam mo ata kung saan eh, sige mauna ka na. haha." 

"sira! ano ba!" 

"Joke lang, napansin ko kasi wala kang pang-paa." 

Tumingin naman ako sa paa ko, andumi-dumi na, kinamot ko yung isa kong paa gamit ng isa ko pang paa, medyo makati na eh, "Oh? Eh ano? oks lang 'to. Nakakalakad pa naman ako."

Bigla syang nag-squat at yung kamay nya eh nakapatong sa tuhod nya tapos tinuro nya yung likod nya, "Sakay." 

"eh? Wag na! Kaya kong maglakad noh!" 

"Hindi pede. Sumakay ka. Masyadong mabato dito, masugatan pa ang paa mo. Sakay na dali." umayaw man ako ng umayaw eh sa bandang huli eh napasakay din ako. Ang kulit eh.



Habang naglalakad kami este sya lang pala tapos buhat buhat ako eh inaasar nya ako, "weh! Ang bigat mo, anong weight mo?" 


*pakk!*


"Aray naman. bakit mo naman ako sinapak, nagtatanong lang eh." 

"Hindi kasi tama na tinatanong mo ang isang babae ng weight nya after mo syang sabihan ng mabigat." 

"Eh? Bakit naman?" 

"Nakakainsulto kaya. Feeling namen pag ganun eh ang taba taba namin at ang panget panget namen pag ganun!" 

"Nye? Ganun?" 

"oo, kayo kasing mga lalaki, hindi nyo kami maiintindihang mga babae." 

"Hindi nga, pero ang naiintindihan ko lang eh wala akong paki-alam kung panget ka o mataba ka..." 


Magre-react na sana ako sa sinabi nya pero bigla ulit syang nagsalita...



"Kasi, hindi naman taba mo ni ang bilbil mo o mukha mo ang mahal ko eh, kundi ikaw mismo." 

End of Chapter 12

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!