Letter #8

271 10 0

Aug. 24, 2013

Boo,

          Adik ka pala sa dota? Haha. Parati ko ng tinitignan 'yung Freshmen group, lagi kang nag-popost doon ng about sa laro nyo ng dota at sa bawat post mo nababasa ko 'yung mga comment nyo ni Michelle. Sino ba 'yang babae na 'yan? Tapos may pinost ka pa doon na picture nyong dalawa, bale kasama pa ng iba mong mga blockmates. Hindi ko mapigilan ang sarili ko pero nag-seselos talaga ako... Mag friends lang ba kayo? Or more than friends?

Alam mo bang natatakot ako na balang araw malalaman ko na lang na may girlfriend ka na talaga, kahit crush lang kita hindi ko maiwasan na masaktan. Kasi kahit papaano.. Kahit konti lang umaasa akong mapansin mo ako balang araw..

PS: Dapat seven letters na ang nasa bag ko at itong sulat na 'to pang-walo. Pero nawawala ang isa. Siguro naiwan ko lang dito sa bahay. Dibale hahanapin ko 'yon at balang araw maibibigay ko ng buong-buo ang mga sulat ko sayo! Walang labis, walang kulang! Haha!

P.PS: Napaginipan kita kagabi! Bukas ko na lang isusulat kung ano ang nangyari sa panaginip ko. Haha!

Umaasang babae,

B.

30 Days LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon