50. Gawain 9: Pangyayari, Sanhi at Bunga 145 Natatanging Pangyayari sa Timog Asya Sanhi ng Pangyayari Bungan g Pangyayari Puna sa Pan- gyayari Panahong Vedic Pagtatag ng Sistemang Caste Ang mga Mongol at Im- peryong Mogul Pamumuno at pag- salakay ni Alexander The Great Mga Muslim na Mananalakay Itala ang mga sanhi at bunga ng mahahalagang pangyayari sa Timog Asya. Matapos masuri sa mga pangyayari ay maglagay ng sariling puna.

51. Gawain 10: Hagdan ng Kaalaman 146 Panuto: Sagutin ang mga gabay na taong sa ibaba. Ilagay ang inyong sagot sa bawat bahagdan ng hagdanan na nasa larawan upang makamit ang inyong premyong tropeyo. Handa naba kayo? HAKBANG MGA TANONG 1 Saan at paano itinatag ang mga unang pamayanan ng mga Indo Aryan? 2 Sino sino ang namuno sa pagtataguyod ng sibilisasyon ng Timog Asya? 3 Ano ang naging ambag ni Alexander The Great at mga katutubong pinuno ng imperyo? 4 Paano nabuo at nahubog ang sibilisasyon ng mga bansa sa Timog Asya? 5 Paano naka impluwensiya ang mga kaisipan, paniniwala ng taga Timog Asya sa kasalukuyang mga bansa sa Asya 6 May mga paniniwala at kaisipan ba sila na ginagawa din nating mga Pilipino? Ipaliwanag. 1 2 3 4 5 6

52. Pamprosesong Tanong: 147 1.Ilarawan ang mga Indo Aryan, ano ang kanilang kontribusyon sa sinaunang pamumuhay ng taga Timog Asya ? 2. Paano itinatag ang sistemang Caste sa India? Akma ba ito na gamitin sa ating bansa ? pangat- wiranan 3.Patunayan na nakatulong si Alexander sa pagsakop sa ilang bansa sa Asya 4.Ano ang mga kontribusyon ni Chandragupta sa kabihasnan ng Timog Asya? 5.Naging matagumpay ba ang mga muslim sa pagsakop sa Hilaga at Gitnang Asya.?Patunayan ang sagot? 6.Paano lumaganap ang imperyong Mogul ? 7.Batay sa gawain blg .Anong pangyayari sa sinaunang kabihasnan sa Timog asya ang may ma- lawak na impluwensiya sa paghubog ng kasalukuyang sibilisasyon sa mga bansang Asyano ? 8.Batay din sa mga naunang gawain paano nahubog ng mga pangyayaring ito ang kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano ? Ngayon ay naunawaan mona ang mga mahahalagang pangyayari sa Timog Asya. Ganun din nasuri mo kung paano nabuo at nahubog ang sibilisasyon sa mga bansa sa Timog Asya at kung paano ito nakaimpluwensya sa mga bansang Asyano. Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral ng kabihasnan sa pag-unawa naman sa mga kaisipan, pilosopiya at relihiyon sa Ti- mog Silangang Asya. Tutuntunin mo din kung paano ang Timog Silangang Asya ay nakatu- long sa pagpapayabong ng sibilisasyong Asyano sa kabuuan. Kaya simulan mo na. Task Card 4. TIMOG SILANGANG ASYA Proseso ng Mga Gawain : 1.Basahin ang sipi ng aralin mula sa batayang Aklat : Ang Asya sa Sinaunang Panahon : Timog Silangang Asya pp 202-214 2.Sagutan ang Matrix Chart tungkol sa Mahahalagang Pangyayari sa Timog Silangang Asya 3.Itala ang mahahalagang pangyayari sa bawat aspekto nito mula sa pamahalaan hanggang sa sining at kultura. 4.Magkaroon ng pag-uulat pagkatapos masagutan ang chart upang masuri nang lubos ang bawat pangyayaring naganap sa bawat rehiyon. 5.Basahin ang kasunod na teksto at sagutin ang Pamprosesong Mga Tanong. 4

53. 148 SINAUNANG KABIHASNAN SA TIMOG-SILANGANG ASYA Ang paglipat lipat ng mga tirahan ng ibang lahi ay nakaabot sa Timog Si- langang Asya. Dahil dito ay naimpluwensiyahn nila ang mga taga Timog silangang Asya na magtanim, magsaka, mag alaga ng hayop , maglayag , magpastol. Kasabay nito ay ang pa- ghiram nila ng wikang Austronesian. Ayon sa Kasaysayan bago pa man maganap ang pagsakop ng mga Kanluranin at ibang mananakop ay may roon ng maituturing na kaalaman sa kabihasnan at pamumuhay ang mga taga Timog Silang Asyano. Tulad ng mga sumusunod : paggamit ng metal,pag buo ng pamilya, agnkan o grupo,pagsamba at pagpapahalaga sa mga kalikasan, pagtatayo ng mga poon at dambana,paninirahan sa ibat ibang lugar. Kaharian ng Vietnam Nakaranas ang Vietnam ng pamumuno ng mga Tsino. Pinagkukunan ang Vietnam ng mga hilaw na produkto na dinadala sa Tsina. Naging malawak ang sakop ng tsina sa Hilagang Vietnam. Namana ng mga Vietnamese sa mga Tsino ang paggamit ng epelyido,relihiyon at iba pang impluwensiya. Kaharian ng Funan, Chenla at Champa Naging malakas ang kapangyarihan ng Funan dahil sa tulong at impluwensiya ng kul- turang Indian at Tsina. Subalit sa pagsapit ng ikaanim na siglo ito ay naagaw ng mga Khmer na tinawag ding Chenla ng mga Tsino.Ang Chenla ang nagbigay daan sa pagbagsak ng Funan. Sa Timog ng Vietnam naman ay namayagpag ang Champa.Malaki ang impluwensiya ng mga In- dian sa Cham. Imperyong Angkor/Khmer Dating pinakamakapangyarihang lupain sa rehiyon.Kasalukuyang matatagpuan sa Cam- bodia. Pinamunuan ni Jayavarman II na itinuring na pinakamalakas na pinuno ng Khmer.Ang Angkor Wat ang pinakadakilang ipinagawa sa panahong ito. Ito rin ang kinikilalang pinakama- tanda at pinakamalaking Istrukturang pang-arkitektura sa daigdig. Kaharian ng Pagan Ito ay may pamayanang agrikultural, makikita sa pamayanang ito ang ibat ibang uri ng arkitek- tura. Malawak ang kanilang sakop na teritoryo. Marami ang naging mahuhusay na punino ng pagan tulad nila Anawrahta at Kyanzithha. Naging sentro ng mga Pagan ang Theravada Bud- dhism subalit bumagsak din sila dahil sa pananakop ng ibang tribu. Kaharian ng Ayutthhaya Itinatag ito ni U Thong. Itinatag niya ang darmasastra, isang kodigong legal batay sa tra- disyong Hindu at Thai.Naging pamantayan ito ng batas ng Thailand. Ang mga monument at templo ay pagpapatunay na ambag ng kahariang Ayuthhaya subalit katulad ng ibang imperyo ay nasakop din sila at bumagsak.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Module.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon