Chapter 26: Adultnap?

1.1K 25 1

Kaizer's POV

Saglit lang ako nawala sobrang nagkakakamabutihan na sila ni Nathan. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para maagaw ko si Kailley kay Nathan.

Halos one week din akong nawala because of some reasons. Kung ano yun sa akin na lang.

Naghahanda na akong pumasok ngayon at balak kong sunduin si Kailley sa kanila.

Nasa labas na ako ng bahay ni Kailley nang makita kong kayakap niya si Nathan. Humiwalay din sila sa pagkakayakap at pansin kong papalabas na si Nathan. It's good na heavily tinted ang kotse ko kaya di nila ako makikita sa loob.

Nagtataka ako kung bakit sila magkayakap. Akala ko ba magpinsan sila? Kung magkayakapan kasi ay parang sila. Sa sobrang inis ko ay napasuntok na lang ako sa manibela. Gagawa pa rin ako nang paraan para mapunta siya sakin.

Umalis na lang ako at pumunta ako sa isang malaking bar na pagmamay-ari namin. Di muna ako papasok ngayon. Makita ko lang na may ibang kayakap si Kailley hindi ko na kaya. Ang sakit pala. Tang ina ang bakla.

Kailley's POV

Sana hindi na mapahamak ulit si Nathan kase di ko kaya kapag may masamang mangyari ulit sa kanya.

Kasalukuyan akong nagbebake ng may tumawag sakin kaya binitawan ko ang spatula at kinuha ang phone.

"Hello?"

[GIRRRRL] sino pa ba ang sumigaw edi si Vella.  Tsk nakakabingi akala mo lumunok ng mic eh.  Talo pa ata si Regine Velasquez sa lakas ng boses niya

"Grabe ka naman makasigaw. Ano bang problema mo?"

[Grabe ka naman sakin bestfriend. I want you to sama to me at the mall]

"Magpasama ka na lang sa kuya mo. May ginagawa pa ako"

[Pleaaasse Kailley ililibre kita ng Vanilla Ice Cream at Chocolate Cupcake promise]

Omg. Those are my favorites. Alam talaga ni Vella ang kahinaan ko. No choice ako kundi samahan sya. Vanilla Ice Cream at Chocolate Cupcake. Here I go! Kakainin ko kayo ng kakainin mwahahah.

"Sige sunduin mo na lang ako sa bahay"

Nagbihis na ako para sa lakad namin ni Vella. I wear a simple white shirt and pants then white rubber shoes.

After 30 minutes  nandyan na si Vella.

" Where's your car??" Tanong ko sa kanya kase di ba nga magmomall kami tas wala siyang dalang kotse. Ano to maglalakad lang kami. Goodluck na lang samin kung buhay pa kami pagpasok dun sa mall.

"Nasa bahay. Gusto ko lang maranasang magcommute" nakangiting sabi niya.

"Sigurado ka baka kase mamaya niyan puro reklamo mo lang ang maririnig ko" Paalala ko.

"Di ako magrereklamo promise. Tara na" sabi niya sabay hila sakin.

Naglakad muna kami palabas alangan paloob. Ge korny eh.  Wala naman kasing may dumadaang jeep dito.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!