Pumasok na kami sa loob, ang daming tao. May nakita kaming empty row at pumunta na kami dun.

"Excuse me, excuse me po. Excuse me." nakailang excuse me kami. Ang sikip kasi, nakapatong pa kasi yung paa nung iba sa ibang upuan. Bahay niyo ba 'to!? Feel at home sila eh. Haha.

Sa taas kami pumwesto kasi mas kita daw lahat dun, and mas maganda daw pagkaganun. Eh mas nakakatakot nga pag ganun eh!!! >_____<

Magkatabi kami ni Mich, pero bigla siyang umalis, waah. Wag mo akong iwan TT______TT

"Hoy, san ka punta?" tanong ko.

"Kay Applepie, hehe, palit kami ni Dylan. Sige."

"Oy, ano ba yan!" sabi ko naman pero umalis na siya.

Umupo na si Dylan sa tabi ko, nakangiti nanaman siya. Kahit pa madilim, natutunaw ako sa nakasisilaw niyang ngiti. Maka-tagalog eh, hahaha.

Sandamakmak na trailer ang nagplay. Iba't ibang movies, at magaganda. Hehe. Sana yun na lang pinanood namin, at hindi na itong nakakatakot na movie na 'to! Ay, anong title? Coming Soon ata yun. 

"Ayan na!" sabi ni Mich, ang lakas ng boses ng babaeng 'to. Nagsimula na nga yung film. Jusme, simula pa lang eh nakakatakot na!!

"HOY, ANO BA 'TONG PINAPANOOD NATIN?!" sabi ko.

"Shh. Ingay mo, palabasin ka dito eh." sabi ni Dylan.

"OO GUSTO KO NA LUMABAS!" sabi ko ulit.

"Pag di ka nanahimik, kikiss kita!" Kainis na consequence yan, kiss agad. Amf.

Ngumiti siya, "Good girl. Mehehe, nood na lang tayo."

---

I was covering my eyes the whole time. Napapakapit ako sa braso ni Dylan. Eh sa nakakatakot si Shomba!!

Tapos alam mo ba yung nakakatakot pa? Yung mga nakanood daw ng movie ni Shomba, sasama niya dun sa mga biktima niya, sabi ni Dylan, tinatakot ako nung baliw na yun eh!

Pauwi na kami ngayon, kay Dylan na ako sumabay, hinila niya na lang kasi ako bigla sa kotse niya. 

"Hala kaa, si Shomba, isusunod ka na." pananakot niya. Sandamakmak na hampas ang binato ko sa kanya. Ang hilig kasi manakot. Pssh.

"EWAN KO SAYO!" sabi ko naman. Tumawa naman siya dun sa pwesto niya tapos inakbayan ako.

"Wag kang mag-aalala, magtutuos muna kami ni Shomba bago ka makuha nun. Hehe." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Woooh, corny mo." sabi ko, medyo natatawa, pano, nagfist sign pa. Haha.

Pagkadating namin sa tinutuluyan namin, back to normal kami. Karoom ko na ulit si Mich at ang kulit kulit ng babaeng 'to. Ang sweet daw nila ni David kanina. Nag-PDA lang ata sila dun -______-

---

Maaga akong nagising ngayon, birthday ko eh! Weeeeee. Tulog pa silang lahat. Nagpaalam ako dun sa yaya sa resthouse at pumunta sa isang bakeshop. Bumili ng isang roll ng cake at soft drinks. Tapos pumunta na ako sa sementeryo.

"Hi Jake! Happy Birthday sa atin! Eto na yung cake mo! Oh, may soft drinks pa. Mehehe." sabi ko at nagsindi ng kandila at nilapag yung pagkain sa lapida niya.

"Nakakatuwa, birthday ko na ulit. Sayang, wala ka dito. Edi sana, sabay tayong nagcecelebrate. Tsaka alam mo ba, bati na kami ni Dylan! Siya pala yung kinwento kong nakaaway ko kahapon. Yung best friend mo nung bata tayo? Hehe. Ayun, nililigawan niya na ako. Ang galing noh? Haha."

Kinakausap ko pa si Jake nang may napansin ako sa kabilang dako ng sementeryo. Di ko alam pero parang bigla na lang akong napatingin. Siya ba yun? Pssh, hindi siguro. Anong gagawin niya dito, diba?

Pero dahil nacurious ako, "Wait lang Jake ah, babalik din ako, promise." sabi ko at pumunta dun sa mysterious guy. Nagtago ako sa likod ng puno na malapit sa kanya. Tama nga hula ko, siya nga, anong ginagawa niya dito??

Dylan

Maaga akong nagising, bibisitahin ko pa kasi si Ate Marjorie.. Bumili ako ng flowers at pumunta sa sementeryo. Matagal tagal na din akong di nakakabisita sa kanya. Namimiss ko na siya. Siya nga pala ang ate ko, mas matanda siya sa akin ng 3 years. Namatay siya in a car accident. 

"Hi Ate Marj! Musta na? Hehe, ako? Gwapo pa din. Mehehe. Ayun, namimiss na kita ate, flowers oh. Eto yung favorite mo diba, white roses. Sayang, di mo man lang naexperience mag-debut. Haist.." sabi ko. 14 ako nung namatay si ate, fresh pa noh? It's been two years na.. and I miss her.

Kinakausap ko si Ate ng may naramdaman akong may nagmamasid sa akin. Pusa lang siguro, sa isip isip ko. Pero ng makarinig ako ng tunog mula sa likod ng puno, pinuntahan ko ito at nakita si Elaine, anong ginagawa niya dito? -_______-

---

A/N

May part 3 pa itech. Haha. Ayun, VOTE, COMMENT, FAN, LIKE! WEEEE. >3<

Jodie (dreamcatcher26)

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!