*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 32: Ambush

Third Person's POV

"Siya si Zneid" (pronounce as Z-neyd) "Siya ang inatasan kong mamahala sa mga kapwa niya Fiend. Siya ang magiging katulong mo sa isasagawa niyong plano" paliwanag ng binata habang nakahawak sa balikat ng Fiend. Tiningnan naman ni Victoria ang Fiend mula ulo hanggang paa na may kasamang disgusto sa mukha. Nakakabagabag ang itsura nito at gusto mang magprotesta ni Victoria ay wala na siyang magagawa dahil ito ang daan para makuha ang gusto niya...

"Kailangan na nating umalis, may kaunting minuto na lamang tayo para makarating sa destinasyon ni Van" sabi niya dito. Mas pumula ang mata ni Zneid at tumango bilang sagot. Madali lang pala siyang kausap... isip ng dalaga...

"Humayo na kayo. Siguraduhin niyong makukuhanan niyo ng dugo si Van para masimulan na nating ang isa pang plano"

Hindi na sumagot pa si Victoria. Umalis na lang siya bigla at agad namang sumunod ang limang daang Fiends na hindi lang basta-basta ang kapangyarihan...

***

Kasalukuyang nagmamaneho ang mga representatives at si Van ng kani-kanilang kotse upang pumunta sa Council. Kumikidlat at parang bubuhos ang malakas na ulan, pero may ibang pakiramdam si Van, at ganun din ang ibang representatives...

"Parang...may kakaiba" panimula ni Jenessa. Kasama niya sa kotse ang dalawang bata na kaninang naglalaro sa likudan at natigilan...

"Weird...I felt weird" sabi ni Brett at hinawakan ng mahigpit ang dagger niya. Itinuloy na lamang ni Noi ang paglilinis ng espada niya kahit na masama din ang pakiramdam niya...

"Fuck! Ano ang mga yan?!" bulalas ni Yatriv. Agad niyang tinawagan ang lahat ng representatives kasama si Van...

[Hindi maganda 'to] sabi ni Cole sa kabilang linya...

[Itigil niyo ang mga sasakyan niyo] utos ni Van na agad naman nilang sinunod. Sa hindi kalayuan, nakita nila ang mga nilalang na lumilipad sa kalangitan, hindi nila malaman kung ano ang mga 'yun hanggang sa palapit na ito ng palapit sa kanila...

"Ano ang mga nilalang na 'yan?" - Carl

"Ngayon lamang ako nakakita ng mga yan" - Jett

Nang tuluyang makalapit ang mga nilalang ay agad iyong sumugod sa kanila. Wala na silang nagawa kundi ang lumaban. Sa sobrang dami ng mga Fiend ay hindi na nila alam ang uunahin...

Si Jenessa Frost at Dave Phoenix ay magkasamang nakikipaglaban. Mukhang nakalimutan na nila ang pagbabangayan at nakafocus sila sa pagkikipaglaban. Dahil ang katawan ng Fiend ay may tubig at dugo kagaya ng sa tao, kaya din niyang gawing yelo ang lamang loob nito at gumawa ng matulis na yelo para ipansaksak naman dito. Si Dave naman ay ginagawang abo ang mga Fiend, kaya niyang higitan ang init na inilalabas ng araw...

"Brett!" sigaw ni Noi ng makita niyang susugod sa likod ni Brett. Agad siyang tumakbo at sinaksak ang Fiend sa dibdib bago pa nito masaktan si Brett...

"Salamat!"

"Basta ba ililibre mo ako ng ice cream at chocolate cake mamaya eh!" tumango lamang si Brett at naglabas ng limang dagger at inihagis sa direksyon ng limang Fiend na lumilipad mga ilang metro ang layo sa kanila at sabay-sabay itong bumagsak na may nakatarak na dagger sa dibdib...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!