Chapter 2

1.8K 94 15

Dito lang ako nakaupo sa likod bahay namin habang nagpapahangin.Naiinis pa din ako kay kuya,wala na siyang alam gawin kundi asarin ako 'di niya na naisip ang mararamdaman ko.

"Hays...grrr...nakakainis ka kuya!" Di ko mapigilang isatinig ang inis ko kay kuya.
Isang mahinang tahol ang na tila papalapit ang umagaw sa diwa ko.Inilibot kong tingin ko at isang aso ang lumapit sa'kin.

"Naty..."nanggigigil kong tawag sa kanya,grabe na-miss ko siya.Isa siyang shitzu na kasing laki ng chi wawa,'di siya lumalaki.
Aw aw aw...

"Grabe Naty,na-miss kita..."kausap ko sa kanya habang hinihimas ang ulo at tiyan niya.
Aw aw aw...

"Na-miss mo di ako?ha...kamusta naman ang baby ko ha?"feeling ko naiintindihan niya din ako,to think na 4 years niya ako 'di nakita pero kilala niya pa di ako.Kinarga ko siya at ipinatong sa lap ko,sandali akong natigilan ng may maalala ako.

*Flashback
"Para sa'kin talaga 'to kuya Nate?"tuwang-tuwa kong tanong habang nilalaro ang isang tutang binigay niya sa'kin.

"Oo nga.I bought him 'cause I know you'll like it."nakangiti niyang sagot sa'kin habang pinagmamasdan akong laruin ang tuta.

"Kahit naman ano basta galing sa'yo magugustuhan ko eh."saka ako yumuko ng bahagya para itago ang pamumula ng muka ko.

"Ikaw talaga,you never fail to make me smile."sabay gulo niya sa buhok.

"Alam ko na..."mabilis kong kinarga ang tuta at tinaas 'yun,"...I'll name him Naty."nakangiti ko pang wika sa kanya na 'di maitago ang tuwa.

"Naty?Where did it came from?"kunot noo niyang tanong sa'kin na ikinangiti ko naman.

"Nate and Yna...diba Naty?"sagot ko habang nilalaro ang tuta,ituturing kitang baby namin ni Nate.Sekreto akong napangiti sa sariling isip.
*End of Flashback

Buti pa si Naty,'di nagbabago.Sa tagal ng panahon 'di niya ako nakalimutan,samantalang 'yung daddy niya...he changed...a lot!

Aw aw aw...
"Naty...'wag ka magbabago kay mommy ha!"kausap ko sa kanya habang nilalaro siya.

***
Nagising ako ng may liwanag na tumama sa muka ko,tinatamad akong bumangon para lumapit sa bintana.Binuksan ko na ang bintana at 'di sinasadyang mapatingin sa bintana ng kabilang bahay,nakabukas 'yun at nakita ko siya...

Halos malunod ko ang sarili kong dila ng mapagmasdan mula sa malayo ang..ang...hubad niyang katawan!Wala siyang pang-ibaba at abala sa kung anumang ginagawa niya kaya't natitigan ko ng maayos ang magandang hubog ng katawan niya,napalunok ako ng madako ang tingin ko sa...sa abs niya!Its not the first time na makakita ako ng hubad na katawan,but his...his just that sexy for me!

Sinimulan niyang isuot ang isang puting polo ng sandali siyang natigilan...bigla akong kinabahan,'di kaya---Bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko,'di ako makakilos sa pagkakatayo ko.Nakabawi lang ako ng nakita ko siyang ngumiti ng tila mapang-asar.Agad ko namang isinara ang kurtina ng bintana ko at mahigpit ang pagkakahawak ko dito.'Di ko na siya nakikita pero 'di pa rin ako makahinga.

"Bun---"

"Anak ng abs..."halos malaglag naman ang puso ko sa pagpasok ni kuya sa room ko."...ano ka ba kuya,you scared me to death!"inis kong binitawan ang hawak kong kurtina at lumayo na dito.

"Ano ba kasing ginagawa mo at gulat na gulat ka ata?"kunot noo niyang tanong sa'kin,inirapan ko lang siya at 'di na nag-abala pang sagutin siya.Tumabi siya sa pagkakaupo ko sa kama at inakbayan ako.

"Bunso,gusto sanang mag-sorry ni kuya."malambing niyang wika habang 'di inaalis ang pagkakaakbay sa'kin,isang matalim na tingin lang ang sinagot mo sa kanya,"Kasi naman bunso,hanggang ngayon ba may gusto ka pa din kay Nate?"naging mapang-asar ng toni niya kaya't mabilis kong inalis ang braso niya sa balikat ko.

Im in Love with my Brother's Best-friendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!