Sa kasamaang palad, hawak na ni Virloño ang tumatangis na si Hannah habang nakatutok ang dagger sa mga leeg nito.


"Ikaw ang walang pinagbago Virkujumo! Sa tinagal tagal ng panahon, tanga ka pa rin!", sabi ni Virloño at ngumisi nang nakakainsulto kay Virkujumo.


"Jumo, tulungan mo ako! Jumo, nasasakal na ko!" pagmamakaawa ni Hannah dahil habang mas tumatagal ay padiin na rin nang padiin ang pagkakasakal ni Virloño kay Hannah.


Galit na galit si Virkujumo at akmang lalapitan niya na ang apo para tulungan ngunit biglang sumigaw si Virloño.

"Subukan mong lumapit para mayakap mo ang apo mo! Lumapit ka para mayakap mo ang apo mong wala nang buhay!", banta ni Virloño kaya naman napapitlag pabalik si Virkujumo.


Napapikit na lamang si Virkujumo habang umiiyak pa rin si Hannah. 


Habang nakapikit, nakarinig na lamang bigla si Virkujumo ng isang taong nalaglag.


Nang idilat niya ang kaniyang mata, nakita niya si Virloño na nakahandusay sa lupa habang nasalo naman ng isang binata si Hannah.


"Anak, huwag mong kampihan ang babaeng iyan! Sila ang kalaban natin sa lahat ng bagay!", sigaw ni Virloño sabay atake kay Virkujumo.


Halos hindi na makahinga si Virkujumo sa tindi ng pagkakasakal ni Virloño sa kanya.Hindi niya na rin maigalaw ang kaniyang katawan dahil tila ba naging paralisado na ang mga ito.


Sa isang iglap,nakawala si Virkujumo dahil nakita niyang nagpakawala si Hannah ng bolang apoy patungo sa direksyon ni Virloño.


Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Virkujumo at hinila na kaagad si Hannah palabas ng nasabing lugar.


Gayumpaman, patuloy pa rin silang sinusundan ng binata at tila walang balak na humiwalay kay Hannah. 


Sa kabilang banda, unti-unti namang nanghina si Virloño dahil ito ang unang beses na makaramdam siya ng ganoong kalakas na kapangyarihan. 

Wala pa ni isa ang nakapagbigay sakanya ng ganoong katinding sakit kaya naman nagtaka siya kung bakit tila napakalakas ng babaeng iyon.


Sa kabila ng kaniyang pag-iisip ay unti-unting lumabo ang kaniyang paningin hanggang sa magkulay itim ang mga ito.


Bago siya mawalan ng malay, ay nagawa pa rin niyang bigkasin ang pangalan ng anak.


"Vin!"  


***

Rinig na rinig ng binatang si Vin ang boses ng kaniyang ama sa kaniyang isip.


Doon na nagsimulang maguluhan si Vin. Hindi niya alam kung babalikan ba niya ang kaniyang ama o patuloy na sasama kay Hannah.



Napapikit na lamang siya dahil sa kalituhan.



Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay wala na si Hannah sa unahan niya at wala rin maging ang Lolo nito.  


Natakot siya kaya naman nagpatuloy siyang hanapin ang mga ito pero mas nagtakot siya nang makitang kulay itim na itim ang mga ulap at napalakas ng mga kidlat.



Alam niya ang ibig sabihin ng bagay na ito kaya naman halos mawalan siya ng pag-asa.

Isa lamang ang ibig sabihin nito.


Tuluyan nang naisara ang portal ng Emperius Vampiruz patungo sa Mortal Universe.



Ibig sabihin nito, hindi na makakalabas ang sino mang bampira papunta sa Mortal Universe.



Maliban na lamang sa kaisa-isang bampirang may hawak ng pulang binhi na matagal nang nawawala at hindi na natagpuan sa loob ng maraming taon.  


***

The Untitled Vampire StoryWhere stories live. Discover now