Chapter 7 : She's different

5.5K 63 8
                                    

NOTE : Hindi pa pala BS toh hahah. Next chappy promise. Sana lang magustuhan nyo! First time ko gumawa eh, ang hirap iexplain. haha

SPA day today, sobrang sakit kasi ng katawan ko eh di na kaya kaya nagpabody massage ako.

Check out the MULTIMEDIA on the right --> 

----

Chapter 7 : She’s different

~ Nate POV ~

Hello Boracay ! Yes, im finally here. Its my second time here, last na punta ko dito im with my famiy, bata pa ako noon.

Pag dating ko palang kanina sa airport syempre pinagkaguluhan na ako ng aking mga fans. Isa naman akong mabait ng artista kaya pinagbibigyan ko sila magpa-autograph at magpapicture.

Pagkababa ko sa yacht tanaw na agad yung rest house, which is located sa station 1 sa pinakadulo. Buti naman at ito ang napili ni manager para kaunti lang ang taong pumupunta. Bilang na bilang lang ang mga tao na nag sswimming sa side na ito, karamihan pa mga foreigner. Thank god, mukhang payapa ang aking pag sstay dito at walang avid fans na sumisigaw ng pangalan ko everytime na lalabas ako.

Meron isang matanda ang lumapit sakin.

“Good Morning ho Sir Nathaniel! Ako nga po pala si Nanay Delia, care taker nitong rest house ni Mam Kris” pakilala nito sa akin.

“Hello po” sabay mano ko dito. Mukha naman nagulat ito sa ginawa ko. Hindi siguro sanay na meron isang Superstar na sobrang gwapo ang magmamano sa kanya (A/N : masyado atang mahangin? Parang bagyong Labuyo lang ah)

“Tara na po, ipapabitbit ko nalang kay Berting yan mga bagahe nyo” aya nito sa akin papasok sa resthouse.

“Ako po pala ang magsisilbi sa inyo habang nandito kayo sa boracay”

“Ay naku Nanay Delia wag na po, nakakahiya naman na. Pinatuloy na nga ako ni Mam Kris nyo tapos pagsisilbihan nyo pa ako. Marunong naman po akong magluto kaya okay lang po kahit ako mag-isa”

“Sigurado po ba kayo? Yun po kasi ang bilin ni Mam Kris eh” tanong nito.

“Opo, ako na po bahala mag sabi sa kanya” pag-aassure ko dito.

“Sige po kung yun ang gusto nyo. Ililibot ko nalang po muna kayo sa resthouse para makabisado nyo na po kung san nakalagay ang mga kakailangin nyo”iginiya nya ako papunta sa bawat sulok ng bahay.

Sa isang resthouse, sobrang laki na nito. Umalis na si Nanay Delia at nag-iwan ng mga maaaring makaen ko habang nandito ako.

Sleeping with ... Mr. SUPERSTARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon