For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 10: The announcement of both parties

258K 3.5K 352

CHAPTER 10: The Announcement of both parties

Nung pagbalik namin sa resto eh naabutan naming magkahawak ang kamay ni Cedric at Kyla. Dati kamay ko ang hinahawakan nya, dati... dati yun.

Nagkatinginan kami ni Brian, he was like asking if tutuloy pa kami. Then I removed his hands from my shoulder and held it tapos ngumiti ako sa kanya, ”yaka ko ‘to noh.”  


”uy! Ok ka na, sai?” biglang bumaba ang tingin ni kyla sa magkahawak-kamay namin ni Brian then she teases us, ”aiy bongga! Okay sa ayos ka na talaga for sure, kayo ha.” 


I think I just blushed , napatingin ako kay Cedric but he's just looking coldly at me. Inirapan ko nga! Umupo na kami sa mga upuan namin, pinag-usog pa ako ni Brian ng upuan. 

Kumain kami, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa magkahawak na kamay ni Kyla at Cedric lalo na pag katapat ko pa sa upuan si Cedric.

”Sairyl, say ‘ah’,” nabigla ako ng sinusubuan ako ni Brian, then he winked at me, parang may na-gets ako sa pinaplano nya. Kaya sumubo na lang ako, sinubuan ko din sya, ”oh Brian, say ‘ah’,” 

”aww. Aren’t they cute, Ced?” tumango lang si Cedric tapos uminom ng tubig.

”yah, they look cute but you look beautiful tonight.” napatingin ako kay Cedric at nabigla ako nang makita kong nakatingin din sya sakin. Ano ba problema mo, Cedric ha? Hindi na ako natutuwa!

”thanks Cedric.” 

”Nako Kyla, pretty ka lang pala at tonight lang daw ha, atleast itong si Sairyl, beautiful na, forever pa yun.”  he winks at me for the second time and I can’t stop myself from giggling kasi alam ko yung reason nung pagsagot nya, inaasar nya lang naman si Cedric. Pilyo talaga! 

”kaw talaga pinsan oh!” 

Tumawa lang si Brian tapos biglang sumeryoso at hinarap si Cedric, ”Eh ikaw ba Barabas,” 

”It’s Cedric.” 

”Capernicum or whatsoever, eh seryoso ka ba naman dito sa pinsan ko?” 

”Kuya naman! Syempre seryoso si Cedric! 1year nya na kaya akong nililigawan noh!” 1year? Ganun na katagal? Bakit ngayon ko lang nalaman? 

”ow? Seryoso ka sa pinsan ko?” 

”oo, seryoso ako. I love her.” eh bakit sakin ka nakatingin? 

”ok. Mabuti na yung malinaw. May kilala kasi ako, may ex-boyfriend sya tapos yung ex-boyfriend nya gusto makipagbalikan sa kanya at ang sabi pa eh mahal pa daw sya, tapos makikita na lang ng kaibigan ko na may ibang kasamang babae yung ex nya. Kilala mo din yun diba Sairyl?” 



Dahil inis na ako nun kay Cedric dahil sa mga ina-akto nya eh sinakyan ko ang trip nitong si Brian, ”ah oo, grabe nga eh. Tanga na lang yung babae kung makikipagbalikan pa sya sa hudas barabas nyang ex-boyfriend.” 

Dahil walang kamalay malay si Kyla ay nagreact sya sa kalokohan namin ni Brian, ”aiy, ansama naman pala nung ex-boyfriend na yun. Masamid sana yun!” 


Biglang nasamid si Cedric, nagkatinginan kami ni Brian tapos nag-apir under the table. Buti nga! >:D


”ok ka lang ba Cedric?” 

”yah, I’m fine. About sa sinasabi nyong ex-boyfriend, natanong nyo na ba ang side nung lalaki? Ang alam nyo pa lang eh yung side nung babae, malay nyo naman may certain reasons yung lalaki kaya nya ginagawa yun.” sows. Halatang tinamaan sya ee, napakadefensive.

”talaga lang ha? Ano naman kaya ang certain reason sa pagsasabi ng, ‘mahal pa kita. Hindi nawala ang pagmamahal ko sayo’ kung may ibang babae naman kinatatagpo, aber? Kalokohan lang ba yung pagsasabi ng ‘I love you’? tatlong salita na wala namang kahulugan, walang kwenta.” 

”eh malay mo naipit lang sa isang sitwasyon na hinding hindi nya matakasan yung lalaki.”  nagpapalitan na kami ng salita ni Cedric.

”ano namang klaseng sitwasyon ha? Hindi na certain reason ang tawag dun, ‘palusot’ na!” 


”ano ba kayo, hindi kayo yun, wag nyong personalin!”natatawang sabi ni Kyla. Haay, kyla, kung alam mo lang.

”anyway guys, me and Cedric has an announcement to make.” 

”ano naman yun?” pagtatanong ni Brian. Kinakabahan naman ako, I think I know what it is.


”Well… we are officially ‘on’!” napanganga ako pero kinomposed ko agad ang sarili ko at ngumiti.

”well then, congrats Kyla and Cedric!” sinubukan ko talagang magmukhang happy para sa kanila. Nabigla ako ng umakbay sakin si Brian.


”ehem, kala nyo kayo lang ang may announcement? Well ako din!” ano naman kaya yun at may akbay effect pa?
















































”From now on, I’m courting Sairyl de Mesa.” 

End of Chapter 10

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!