-_________________-

“Boo!”

“AYY! Haru Jusko! Wag mo nga akong ginugulat! Masama ang pakiramdam ko!”

Kanina pa nakaupo si Phoebe sa waiting shed ng biglang sumulpot si Jhone sa harap niya.

Kinapa ni Jhone ang noo niya.

“Ambaho naman ng kamay mo…” saway ni Phoebe.

“Baho ka dyan? May pang-amoy ba noo mo? Sige ikaw na may ilong sa noo.”

“Hahaha! Ano ba kasi nigagawa mo?”

“Pshh!  Di ka nomon mainit girl? Baka lovenat lang yan! O kaya baka nag-iinit ka lang ohmhen hahahahahahaha! LOL ang aga-aga mo nga pumasok masama ang pakiramdam?”

Sinimangutan lang ni Phoebe si Jhone.


“Bakit? Di mo man lang naappreciate ang lively mood ko? Ano bang nangyayari sa’yo? Miss mo na naman si Kent?”

“Hindi… nag-usap pa nga kami sa skype kagabi eh. Kasi hindi na daw siya masyadong makakatawag ngayong week.” Sabi ni Phoebe habang minamasahe ang sariling sentido. “… ang sama lang talaga ng pakiramdam ko… sa katunayan, nagsusuka nga ako kagabi… tska ka kaninang umaga… Kaya nga maaga ako pumasok eh. Kasi maaga ako nagising.” Mahabang paliwanag niya.

O___O

“B-bakit? Ano yang mukha mo?”

“WAAAAAAAAHHH SHIT! IS THAT FREAKING TRUE??!!!!!”

May sumigaw.

Ngayon lang nila napansin na nagkakagulo ang mga tao sa may entrance.

>>____>>

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!