1.) What Happened to Us?

1.7K 25 0

M.U. for a very long while.
Ready ka na. Sya hindi pa.
Ready na sya. Ikaw, nakamove-on na... nga ba?
*****

Year: 2018 (ALTERNATIVE UNIVERSE)

CAROL: *worried face* Girl. Hindi mo naman kailangan pumunta eh. Maiintindihan ka naman ni Kuya eh.

ARA: At bakit naman hindi ako pupunta? Wala naman akong alam na batas na bawal um-attend ang magaganda sa mga party ah.

CAROL: *making faces* Pero aattend din dun si you-know-who...

ARA: *shock* Invited si Lord Voldemort?! Mas lalong dapat aking magpunta. Cars papic -- what was that for?!

CAROL: *picks up the pillow* Nakaka-inis ka kasi eh. Ara, ako 'to, si Carol. Kaibigan mo eversince. O baka pati kami kinalimutan mo na din?

ARA: Huh? Nakadrugs ka ba Cars? Tinatanong lang naman kita kung bakit mo ko binato, kung anu-ano na pinagsasabi mo dyan.

CAROL: Umaasa kasi akong matatauhan ka. Ara... Gets na gets ko naman na nasaktan ka eh. Kasi kahit kami, nasaktan din. Pero ang hindi ko magets, bakit kailangan pati ikaw mawala din sa'min.

ARA: Nawala? Kai --

CAROL: Nawala ka na sa'min since August 18, 2015. *walks out the door*

Sorry Cars, sorry bullies. Sorry if I lose myself on the process of mending my broken heart. Kasama rin siguro sya sa mga nawalang piraso ng puso ko.

SEPTEMBER 18, 2015

"Girl. Tigilan mo ko sa ngiti mong 'yan. Naiirita ako."

"Bakit? Ano ba'ng masama sa pag-ngiti? Ayaw nyo kong umiiyak o nakasimangot. Ngayon namang nakangiti na ako, ayaw nyo parin. Ano ba talagang gusto nyong gawin ko?"

"Ngumiti ka ng totoo. 'Yung alam naming aabot sa mata mo, hindi 'yung ngingiti ka, saksakan naman ng fake, tinalo mo pa mga chinese products sa pagkafake eh."

"May point sila, girl. Kung hindi mo pa kaya ngumiti ng totoo, h'wag mong pilitin 'yung sarili mo."

OCTOBER 18, 2015

"Ara snapped out of it, pwede? Hindi na ikaw to eh!"

"Ano na naman ba'ng masama ang nagawa ko? Dinaig nyo pa Nanay ko kung makareact eh."

"Kasi concerned kami sa'yo. Sa ginagawa mo, ipinapakita mo lang na hindi lang sya ang nawala sa'yo, pati pagmamahal sa sarili mo, naiwala mo na din."

"Makapagsalita kayo, akala nyo alam nyo ang pinagdadaanan ko. Wala kayong alam sa dinadanas kong sakit ngayon, okay?! Hindi nyo alam 'yung bigat na pasan-pasan ko araw-araw. Leche naman kasing label yan eh, bakit ba kailangan pa nyan?! Bakit ba ang daming tanga. Bakit ba ang daming paasa. At bakit ba sa dinami-dami, dun pa mahuhulog sa taong duwag. Minsan na nga lang mahuhulog doon pa sa mas tanga sa akin."

FEBRUARY 2016

"Ara!!"

"Thomas..." *smiles*

"I'm glad na naabutan kita. I've been trying to reached out to you, pero laging naka-off 'yung phone mo."

"Ay yun ba? Sorry, Thomas. Nasira kasi 'yung phone ko, nashoot sa C.R. kaya ayun..." Liar, sinadya mo naman talagang i-shoot yun eh.

"Ganun ba? Can I get your new nu -- "

"Ay sorry, Thomas, huh? I need to go na. Malelate na kasi ako sa org. meeting ko eh. Alam mo na, may katungkulan. Babyeeeeee!"

"mber..." *walks away*

MARCH 2016

"Bakit hindi mo pa sya diretsuhin, Ara?"

"Bakit? Hindi nya pa ba gets na kaya ako umiiwas sa kanya eh dahil ayaw ko na syang maka-usap."

"Eh bakit ayaw mo na syang kausapin? Akala ko ba nakamove-on ka na?"

"Oo nga. Por que ba ayaw ko na syang kausapin, bitter pa din? Hindi ba pwedeng I don't see any reason para mag-usap pa kaming dalawa."

"Okay. Irerespeto namin 'yan, kung yan ang gusto mo. Ang amin lang, sabihan mo naman ng maayos si Thomas. Sinabihan ka naman nya ng maayos nun diba? Do the same to him."

2018 - AFTER PARTY

ARA: *walks out of the venue, slumps on the gutter and kicks off her killer heels* Sa wakas!! *drinks vodka*

...: Mind if I sit beside you?

ARA: *look up* Thomas.

THOMAS: *looking down on Ara* I'm glad you still know my name.

ARA: *averts Thomas' gaze* Oo naman. Bakit hindi, eh sikat na sikat ka na.

THOMAS: *sit beside Ara* 'Yan din ang sabi nila, but I can't feel it.

ARA: *scoff* Araw-araw kang dinudumog ng mga fans mo, hindi mo pa rin ramdam? Tanga ka parin pala hanggang ngayon.

THOMAS: Tanga agad? Hindi ba pwedeng ayaw ko lang mag-assume ng isang bagay, dahil lang sa nakikita ng iba?

ARA: *no comment*

THOMAS: Ara... 2 years ago, what happened to us? I thought we had an understanding --

ARA: Akala ko din eh. Akala ko din, kaya kong hintayin na maging handa ka. Akala ko, sapat na 'yung kung anumang espesyal na nararamdaman natin noon to got me through the waiting game. Pero ang hirap pala, Thomas. Lalo na, ang sabi mo lang, sana mahintay mo ako. Wala ka naman sinabi noong gusto mo din ako. Na hindi lang ako 'yung handang magpakatanga. Now, you're asking me, what happened to us before? *looks at Thomas* It's a clear sign na hindi pa tayo handa. And we will never be ready. May kanya-kanya tayong priority noon, and now... mas lalo lang gugulo kung susubukan pa natin ulit. *stand-up and walk away*

A Story That Will Never HappenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!