Chapter 9: no such thing as immune

266K 3.4K 194

CHAPTER 9: No such thing as IMMUNE 

Kyla starts introducing us to each other and it really gets awkward when someone introduces you to someone you already knew for so long.


”Sairyl, he is Cedric.” I know.

”Cedric, she is Sairyl.” he knows, "My bestfriend."


”Nice meeting you, Cedric.” I have to act.

”You too, Sairyl.” and he also has to.



For Kyla’s sake. For my bestfriend, for his… date? Or girlfriend? :(



”Let’s go.” then Kyla clings to his arms. I used to be the one clinging on his arms.


”Sai? What are you waiting for? “ :)

She has no idea that she's dating my ex-boyfriend. None at all.



”Yeah. Coming.” Kyla seems happy and I don’t want to ruin her happiness even if she has my happiness. I look at Cedric but he is not looking at me. Why is he acting so cold? What’s the matter with him? He could atleast pretend to be friendly in front of Kyla.

At the table, I had expected Brian to be shocked upon seeing Cedric. He automatically stood up, ”What the heck is that guy doing here?!” 

”You know him?”



Nataranta naman ako sa pangyayari kaya lumapit ako kay Brian pero dahil nakatakong ako at hindi ako sanay eh natapilok ako, nasambot naman ako ni Brian pero nahagip ng mata ko ang paggalaw ni Cedric na waring sasambutin din ako. Pero nauna si Brian eh, you are really too late Cedric. Nakakainis ka!


”Ayos ka lang?” tanong ni Brian.

”Ayos ka lang ba, sai?” this time si Kyla naman ang nagtanong. Napatingin ako kay Cedric, ikaw Cedric, hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ayos lang ako? :(

Tumingin naman ako sa mata ni Brian, nagpipigil umiyak, ”A-ayos lang ako.”

Nabigla ako ng binuhat ako ni Brian, “Parang namamaga ata ang paa mo, dali, titignan ko may med kit ako sa kotse. Uy couz, dyan muna kayo ha. We shall return pero pag hindi na kami nakabalik eh baka iuwi ko na si Sairyl para makapagpahinga na sya.” 

”Ok sai, pag hindi mo na kaya, umuwi ka na at magpahinga ha.” tumango na lang ako at dinala na ako ni Brian sa parking lot at binaba.


”Hindi naman namamaga eh. Wala namang sugat eh! Sanay na akong madapa, immune na kaya hindi na ako masusugatan noh. Di na nga masakit eh, sanay na kasi. Paulit-ulit ba naman eh.”as soon as binaba ako ni Brian sa may parking lot, sinabi ko sa kanya ang mga salitang iyon.

”Tanga!” tapos pinitik nya yung noo ko

”Aray! It hurts you know!” 

Tapos pinitik nya nanaman ulit ako.

”Aray ko noh!” tapos pinitik nya nanaman ulit ako.

”potek! Ansakit ha!” ankulit nya ha, pitik sya ng pitik sa noo ko. Ano ba problema nya?! >_<

”Isa pa, isa pa dali!” hinawakan ko na yung kamay nya.

”Ayoko na! ano ba kasi problema mo?!” 

”Dali na, testing natin yang sinasabi mong immune-immune na yan!” 

”Ayoko na sabi eh, ansakit mong pumitik!” 

”Sabi mo kasi lagi ka na lang nadadapa. Hindi ka na nasasaktan kasi paulit-ulit na lang diba? Kaya ayan, paulit-ulit kitang pipitikin, nung pinitik kita ng isang beses eh nasaktan ka kasi first time at nung pangalawa eh nasaktan ka ulit at nung pangatlo eh ini-expect ko yang tinatawag mong immunity, eh ano? Nasaktan ka pa rin! Hindi ibig sabihn na pag paulit-ulit kang nasasaktan eh sa bandang huli eh wala na yung sakit, hindi ibig sabihin na nasaktan ka na eh hindi ka na ulit masasaktan pa, kalokohan! At hindi din totoo na tanga lang ang nasasaktan, kahit gaano ka man katalino o kaingat, accidents do happen, kaya masasakta’t masasaktan ka! Pero diba nung pipitikin kita for the 4th time eh natutuhan mo na din umilag? Isa lang ibig sabihin nun, natututo ang tao sa bawat sakit na pinagdadaanan nila. Tandaan mo yan!”dun na ako tuluyang umiyak, nakakainis kasi si Brian, tagusan ang mga sinabi!

”huhu. Kainis ka naman eh! Huhu. Ansakit sakit ng noo ko tuloy pag ito namaga tapos namatay ako, dadalawin kita! 

”haha! Sira ka talaga!” nabigla na lang ako ng yakapin nya ako at halkan sa noo, ”O yan, masakit pa ba?”

Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko gamit ang damit nya,”tamo to, ginawang pamunas ang damit ko.” 

”Hehe. Ikaw naman kaya may gawa kaya umiyak ako.” 

”haha. O sige na nga, pumunas ka na lang.” at nang matapos akong pumunas eh niyakap ko sya.

”salamat ng marami, Brian. Tara na, baka hinahanap na nila tayo.” kumalas na ako sa pagkakayakap.

”We’re going back? Kaya mo ba?” 

”yakang yaka noh!” 

”Sabi mo’y. Tara.” at inakbayan nya ako at bumalik na kami sa loob ng restaurant.

Haharapin ko nanaman si Cedric, pero di bale na, andyan naman si Brian.

End of Chapter 9

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!