Chapter 20

66.4K 1.6K 544

Louise

Mabilis kong itinulak si Azellus. Nagulat kasi ako. Bakit bigla biga ay sasabihin niyang miss na niya ako, plus tinawag pa akong 'babe', at ang pinakamatindi, basta na lamang niya ako hinalikan na para bang nasa maayos na estado kami.

Minsan, napaka-insensitive talaga ng mga lalaki. Sasabihing ayaw na sa 'yo, tapos kung kailan kinakalimutan mo na siya, saka naman siya muling magpaparamdam. Nakakagago lang.

Pero hindi ko itatanggi. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ngayon na kaharap ko ang lalaking tinitibok ng puso ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Nauutal pa ako dahil napakalakas ng kabog ng dibdib ko.

He cleared his throat. "I can't. Hindi ko kaya, Louise. Hindi ko na kayang tiisin 'yung mga araw na wala ka sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na sa araw araw, mabubuhay ako na walang ikaw sa tabi ko."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaka-touch 'yung sinabi niya, at the same time ay nakakakilig. Damn you, Azellus.

"Akala ko kaya ko. Akala ko ang angas ko na basta ka nalang balewalain. Akala ko, ilang araw lang, limot na kita pero...tangna! Hindi ko kaya. Mahal kita, babe. Mahal kita, Louise. And I don't know how to face a day without you." Dugtong pa niya.

Wala man lang lumalabas na kahit anong salita mula sa bibig ko. Matiim lang akong nakatitig sa kaniya. Dinadama at ninanamnam ang bawat salitang binibigkas niya.

Pero punyeta, kinikilig ako. Nanghina na naman ako sa mga salita niya. Akala ko ba, nagmo-move-on na ako at desidido na akong kalimutan siya pero bakit ganito? Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tayo?iyong kahit gaano ka kagalit sa kaniya at kahit gaano ka niya nasaktan, isang "mahal kita" niya lang, burado na lahat iyon?

Umiling-iling ako. Baka nananaginip lang ako. Baka dala lang 'to ng pagkahilo dahil sa nainom ko.

"Are you for real?" Tanong ko. Nakakunot pa ang noo ko. Isinantabi ko muna ang kalambutan ng puso ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko and I can see sincerity in his eyes.

"Louise. I've been an asshole to you. Napakatanga ko na sinaktan kita. Napakatanga ko na nagpadala ako sa galit. Napakatanga ko na hindi ko napanindigan ang sinabi ko sa 'yong hindi kita sasaktan. I am sorry. I'm really sorry. Please give me a chance to prove to you that I love you. I will never hurt you again. Not anymore."

Parang may bumara sa lalamunan ko. Tatanggapin ko ba agad? Bibigyan ko ba siya ng chance? Pero sincere siya sa mga sinabi nita. At ramdam ko naman na mahal niya ako. Alam ko rin na nadala siya ng galit niya nuon kaya niya ako nagawang saktan. In the first place, may mali naman talaga ako kaya siya nagalit. Sa akin talaga nagsimula ang lahat.

"A-Anong nakain mo at biglang nabago ang ihip ng hangin? Yesterday, you were pushing me away. And now, you're...different."

"Sorry. Nauntog ako. Namulat ako sa katotohanan na kung may mali ka man, mas mali ako. Kasi hindi maaayos ang problema kung papatungan ko pa ng isa pang problema. I've never been an understanding boyfriend to you. I'm such a fool. I'm sorry."

Ano bang gagawin ko. Pwede bang, call a friend?

Huminga ako ng malalim. "I don't know, Azellus..."

"I can wait." Mabilis niyang sagot. "After all, I deserve this. I understand if you're doubting now."

I bit my lower lip. Bakit kasi mahal ko ang lalaking ito, at hirap akong balewalain siya. Hay, love. Nakakainis 'yang pag-ibig na 'yan, o!

"Okay. Give me time. Give me five minutes."

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon