Chapter 7: Start Over Again?

284K 3.6K 177

CHAPTER 7: Start Over Again?

”So you are my seatmate Sairyl.” napatingin ako sa taong tumabi sakin and I was shocked to see Cedric seating beside me. He’s the new guy? My goodness!


Napabuka na lang bibig ko, ”Unbelievable.” 

“Miss de Mesa, from now on, you’ll help Mr. Fontanilla to cope up with his missed lessons.”


”Ma’am?” parang nabingi ata ako dun.

”You got a problem with that?”

”Wala po.” makaka-angal pa ba naman ako sa mukhang man-eating monster face nyo maam. Yeah, great. Just great! I hate this!  The whole period ni hindi ko nilingon ni kinausap si Cedric.

Is this the second sign? Geez.


Pagkatunog na pagkatunog ng bell eh lumipad este tumayo agad ako para umalis pero napigilan ako ni Cedric sa may braso ko, ”ano ba!” 

”I have to talk to you!” 

Itinapat ko yung palm ko sa kanya, ”well, talk to the hand… on second thought, ayaw rin pala makipag-usap ng hand ko sa mga pangets, so bye!” 

I tried to remove his hand on my arm pero he’s too strong, ”Do you mind? I need to---“ 

 ”I have to talk to you, whether you like it or not!” hindi na ako naka-imik at hinila nya ako papunta sa kung saan, nagpatianod na lang ako.


Nakarating kami sa parking lot ng school, ”Sakay!” 

Binuksan nya yung pinto ng kotse nya at wala na akong nagawa kundi sumakay. Kidnap to oi!

Pagkasakay nya eh walang imik na pinaandar ang kotse.

There was an awkward silence the whole trip. He stops his car near a bay.


Nabigla ako ng magsalita sya, ”Sairyl, mahal mo pa ba ako?” 

When he asked that I automatically slapped him, ”You drag me here to ask that? Sira-ulo ka ba? Adik? O ano? Ano gusto mo, away o gulo? Pagkatapos ng ginawa mo sakin? Pagkatpos mong paasahin ako? Malalaman ko lang na niloloko mo ako tapos makikiapagbreak ka, alam mo ba kung gano kasakit yun?” 

”A—“ 

”Syempre hindi! Hindi mo alam yun dahil hindi ikaw ang nasaktan eh! Akala mo ba ant bite lang ang sakit nun? Siguro nga, it hurts like an ant bite pero putek naman yung langgam! Higanteng pula pala! Ganun kasakit! Pero kahit i-explain ko pa ng paulit-ulit sayo ang sakit eh hindi mo pa rin malalaman kung gano kasakit yun hangga’t hindi ikaw mismo ang nakakaramdam!” nagpatakan na ang luha ko.

I was surprised when he hugged me, ”I missed you Sairyl, I still love you.” 

How it felt so nice to hear that, sana totoo. :(



”I don’t believe you! Iniwan mo ako! Niloko mo ako! I saw you kissing another girl! Hindi mo ako mahal! Stop telling lies, baka maniwala nanaman ako kahit alam kong kasinungalingan lang! ayoko na!” 

Humigpit ang pagkakayakap nya, ”Sairyl, I really don’t want to hurt you that time. Pero kailangan sairyl, kelangan. There’s a reason why.” 

”Ano? Anong rason ha? Tell me and if you’ll make a fuzz, galing-galingan mo naman, yung siguradong maniniwala ako!” 

”I cant tell it to you Sai, para sa ikabubuti mo.” 

”shut up! Wala ng sasama sa nangyayari sakin! My heart is being torn apart! Nakakainis ka! Nakakainis ka!!!” 

”Believe me Sairyl, it’s better na hindi mo malaman. May mga bagay na hindi na dapat sinasabi pa para sa ikabubuti ng taong mahal mo. But Sairyl, one thing, I do love you. I never stopped loving you. You were the only one I learned to love. Let’s start over please.” 


Eto ba ang ibig sabihin ng signs? Pero nasa second sign pa lang ako, where are those signs leading me?


♪♪Sai, nagtext ang NK  cells mo. Sai, nagtext ang NK cells mo!! ♪♪


Last night, niregister ko ng voice record yung contact nya kaya pag nagtext sya eh yun yung tutunog. Natauhan naman ako nung narinig ko yung voice record, kumalas ako sa pagkakayakap sakin ni Cedric.


”ayoko na Cedric. Napagod na yung puso ko eh, you’re too late.” at lumabas na ako ng kotse habang tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko at pag nangaasar nga naman ang langit, bigla biglang bumuhos ng malakas ang ulan without even a warning. Tumakbo ako. Tumakbo ako ng tumakbo, ni hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko.

*BLAG!!*



My special talent strikes again. I just hit into a hard thing and fell. I didn’t try to stand up, umiyak lang ako ng umiyak.


Bigla eh naramdaman kong may nagtapat ng panyo sakin,”Handkerchief?” 


END OF CHAPTER 7

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!