Chapter 18: Playing the field

Magsimula sa umpisa
                                    


"What brought you, guys, here?" I asked.


Tinuro naman agad ni Nate ang pinsan niya, "Kulit kasi nito. Dalawin ka raw namin."


"Let's hang out!" Masayang sabi ni Russel.


It's weekend naman and kaunti na lang ang ginagawa ko kaya pumayag na ako.

Nagpunta kami sa clubhouse kung saan madalas kami tumambay noong bata pa kami. We talked about different things. Life, studies, friends. Speaking of friends...


"You should meet Tamara. Nate's so crazy about her. He's been courting her for years and it looks like she won't say yes anytime soon."

"Sige lang, Pipes. Sige lang. Isampal mo pa sa pagmumukha ko na hindi niya pa ako sasagutin," Nate said sarcastically.

"But on the serious note, tingin ko naman malaki ang chance mo sa kaniya. And... I'm not telling you this because I'm your bestfriend. Sinasabi ko 'to sa 'yo because it's the truth."


Nginitian niya ako at inakbayan, "Alam naman na natin 'yan, Pipes. Irresistible nga ang charm ko 'di ba?"

Bakit ba sinabi ko pa 'yon? Ayan tuloy, nagyabang na naman siya. Siguro kapag naging humble na siya baka mapasagot na niya agad si Tamara.


"Ikaw ba, Russel? Wala ka bang balak ipakilala sa amin? Nililigawan, girlfriend o asawa?" tanong ni Nate sa pinsan niya.


Oo nga, ano. Hindi niya pa nakwekwento.


"Sa ngayon, wala. I had girlfriends kaya lang wala rin naman nagtagal."

"Playing the field, huh?" I joked.


Natawa siya sa sinabi ko at umiling, "It's not like that. Sa totoo lang gusto ko naman talaga ng matagal na relationship. 'Yung seryosohan. Pangmatagalan. Kaya lang... palagi na lang may mali."


"Paanong mali?" tanong ulit ni Nate.

"Mali in a way na hindi pala siya 'yung taong ineexpect mong siya?" dagdag ko pa.

"Hindi. Mali kasi mali 'yung tao."


Nagkatanginan kami ni Nate dahil sa sagot ni Russel. Maling tao? It's quite complicated. Siguro kung sinabi lang niya na nafall out of love siya or he found someone new or turn off siya sa ugali, siguro it's easier to understand. Kaya lang maling tao? Paano niya nalaman na mali nga ang taong 'yon?


"Magulo ba?" he chuckled when he realized that his answer is so confusing.


Tumango si Nate, "Oo. Magulo. Ibig mo bang sabihin mali ang tao na 'yon para sa 'yo? Masyado ba siyang pakialamera? Masyadong clingy? Masyadong walang pakialam? O masyadong makulit? Dahil ba diyan kaya tingin mo mali sila?"


"Hindi sa gano'n."

"Or maybe, you're just saying that it is you who are wrong for them?"


When I said that he stared at me and smiled. Did I hit the bull's eye? Tama ba ang pagkakaintindi ko?

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon