xxix

4.9K 241 247
                                                  

Naiiyak naman ako sa nangyari kay Yeolie. I just found out kaninang umaga about dun sa hypoxia? Huhu. Nakakamatay daw yun eh.
---------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 29: Anniversary

Baekhyun

"Baekhyun anak, lagi atang umaalis na ang asawa mo? Hindi na napipirmi dito? Isang linggo kada buwan? Minsan nga ay dalawa pa? Ano bang nangyayari sa inyo ha?" tanong ni Nanny Titey na hindi ko na alam kung paano sasagutin. Madalas ngang wala na si Chanyeol sa bahay. Kung nandito man sya, late na umuwi at kung wala syang schedule sa hospital, ilalabas nya si Jesper. I don't see him that much nowadays but only glances. Convo namin, wala pang 5 minutes.

"Busy lang sya 'nay." sagot ko. I glanced at my ring. Anniversary namin tom. Babatiin nya ba ako? Kakausapin nya na ba ako? Fck. Ilang beses ko ng kinakausap si Namhyun. I tried my best, begging. I even went down on my knees just for him to tell Chanyeol what really happened. I know it sounds so foolish but I'm really desperate. "Ako na po muna magluluto pagbalik ko. Anniversary kasi namin ni Chan bukas eh. May dadaanan po muna ako sandali sa ospital." sabi ko at tinapik tapik pa ni Nanny Titey ang likod ko. Balak ko lang maghanda sa desperas.

Pagkatapos nun, dumiretso na agad ako sa hospital. Dadaanan ko si Appa sandali kasi nabanggit ni Eomma na magreresign na ito all of the sudden? Pagdating ko, may isang schedule pa sya ng surgery. Tinanong ko na muna sana sya bago ako pumunta. Matagal pa yun? Napatingin ako sa elevator at dahil dun, naalala ko si Namhyun. Kakausapin ko ulit sya. Without thinking twice, pinuntahan ko agad ang office nya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko naman ang boses ni Mrs. Park. Nagiwan ako ng konting awang.

"Chanyeol is still not giving up."

"Sure he will, Eomma. I won't let him run this hospital." he chuckled, "And you know what I found out? May binabalik balikan sya sa Sixty Nine Town. I feel bad for his wife. Hindi na nga sya pinaniwalaan nung ulol kong kapatid, mukhang mapapalitan pa agad sya. Chanyeol is really stupid." he added and I clenched my fist. "Ano kayang gagawin nya kapag nalaman nyang totoo ang sinasabi ng asawa nya? Tragic story."

Binabalik balikan? What?

"Don't mind about it! Focus on what you need to do. Chairman knows my mistake and that you are not his son." Nanlaki ang mata ko. Nagulat pa ako sa biglang malakas na kalabog sa loob. Parang hinampas ata ni Namhyun yung desk nya. Hindi sya totoong Park? Anak sya sa ibang lalaki? Maybe, that is why Chairman Park is always rooting for Chanyeol. Dahil ito ang nagiisang lalaking may dugo talaga bilang isang Park? Taena.

"You don't need to say that! Isa akong Park! I grew up knowing I'm one! Don't you ever mention about it, Eomma!" he shouted. "Magagawan din ito ng paraan katulad ng pagpapalabas natin na si Dr. Yoon ang mastermind ng kidnapan nun. Magantay lang tayo ng tamang panahon. May oras din sya." Napatakip ako sa bibig ko. Tama si Appa, naset up lang si Dr. Yoon.

"Sir, anong ginagawa mo dyan?"

Napalingon agad ako sa sumita sa aking nurse. Hindi ko sya pinansin at tumakbo nalang ako. Sa fire exit na ako bumaba at pumasok sa kotse ko. Fck. Kagagawan nila ang nangyaring kidnapan? Si Mrs. Park?! I can't believe they have guts to accused an innocent one! Pero totoo ba? Gusto kong malaman kung sino yung taong binabalik balikan nya sa Sixty Nine. I want to know.

Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela pero agad ding nagangat nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Nangunot ang noo ko dahil inaalala ko kung saan ko sya nakita? Familiar sya. "I'm Nabi Yoon, remember? Yung lawyer na kumausap sayo sa party kung saan naoOP ka?" Ah. Sya si Kuyang madaldal. Madaldal pa din sya pati ngayon. Hindi ko naman tinatanong ano name nya.

ChanBaek: One Drop Per Second (TF#2 Mpreg) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon