Virgin no. 36 : Truth

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yung baby mo.." Nagaalala ako dahil buntis siya. Baka mapano ito.

"Wag mo akong alalahanin." Humihingal pa ito. "Ikaw ang dapat na tinatanong niyan."

"Huh?" Bigla akong kinabahan sa mga sinabi nito.

"Nasaan ang Cellphone mo?"

"Naiwan ko sa Student Lounge ang Phone ko. Ano bang nangyayari? Bakit ka ganyan."

"Kanina pa kita tinatawagan," Nilingon din nito si Mint. "Where's your phone?"

"Naiwan ko sa kotse."

"Ano ba?!" sumigaw na lang ito bigla. "Bakit iniwan niyo yung phone niyo! Mabuti ako ang unang nakita sa inyo!"

"Ano bang nangyayari Colyn? Bakit natataranta ka ng ganyan?" Hindi na mapigilan na tanong ni Mint.

"Kayo dapat ang tinatanong ko niyan! Hindi kayo mga nagiingat! Lalo ka na Polly! I thought you want your Privacy, Lalo na yung sikreto mo bilang writer! Eh anong ibig sabihin nito!"

Bigla na lang binigay ni Colyn yung cellphone niya sa akin. Nagtataka naman naming kinuha ni Mint yung phone niya saka tiningnan ito.

Halos manlaki yung mata ko. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko at parang naghihina ako sa nakita ko.

"Sh*t!* Biglang napasigaw si Mint. "Kanina ito!"

It was a Video. Video namin ni Mint kanina sa Botanical Garden. Navideohan din nito noong hinalikan ako ni Mint.

"Paanong napunta sa iyo ito?! Sinong kumuha nito?!" Kinakabahan na tanong ko kay Colyn.

"May nagsent niyan via Multimedia at ang kinakatakot ko, hindi lang sa ako ang nakarecieve niyan. Lahat ng students na nasa school ngayon narecieve iyan.."

"F*ck" Mint cursed. "Sinong may gawa nito?"

"I don't know." Bigla itong tumingin sa akin. "You are the HOT Topic, Polly."

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa Video sa Phone ni Colyn. Sinong may gawa nito? Paano niya nalaman itong lahat ng ito?

"Mint, Iuwi mo muna si Polly,"

"Hindi." Bigla akong sumagot. "Kailangan kong magpakita sa kanila."

Naramdaman kong hinawakan ni Mint yung kamay ko at pinisil. Nakakaramdam pa din ako ng Takot. Kinakabahan pa din ako.

"Co---"

"Excuse Me.." Napalingon kaming lahat sa pinangalingan ng Tunog. Nasa Speaker. "Mic Test.. Okay.. I think narecieve niyo na yung Video ng pinakamamahal niyong SC President? Akalain niyo iyon? Yung lalaking pinakaAYAW niya dati, hinahalikhalikan na lang siya ngayon? And to our surprise.. Hindi man lang siya pumalag, instead she answered the kiss.. passionately.. How sweet is that, Right?"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon