Chapter 4.2

"So-sorry po." sabi ko kay Cheska.

"SORRY?! Tignan mo nga 'tong damit ko!" pasigaw na sabi ni Cheska sakin. "Tapos sorry lang?!"

Pinagtitinginan na ako ng mga tao. Napapahiya ako sa ginagawa niya. Hindi ko naman kasi talaga sidasadya. Gusto ko na tuloy lumubog sa kinatatayuan ko. Ayoko na dito. Nakakatakot ang mga tingin nila, kung nakakatunaw lang ang mga tingin nila, malamang kanina pa ko natunaw katulad ng ice cream na tumapon kay Cheska.

Bakit? Bakit kailangan magkaroon pa ng mga Queens, Kings, Princessess and Princes dito sa school? Bakit may hierarchy? Hindi ba pwedeng mawala na lang sila para hindi na ganito? Walang nagiging katatawanan.

"Ano?! Di ka makapagsalita?!" dugtong pa ni Cheska.

Dahil na din sa sobrang dami ng tao dito sa cafeteria at dahil na din sa kahihiyan, wala ng lumalabas na salita sa bibig ko. Ayaw bumukas ng bibig ko at parang naparalisa ang buong katawan ko sa dami ng nakatingin at nakikichismis.

"Ang tanga naman niya." sabi nung isang babae sa gilid ko.

"Sinabi mo pa!" sabay tawa pa ng katabi niya.

"Ang panget niya naman. Diba?" sabi naman ng isang lalake sabay turo sa akin.

"Nice one, pare." sabi naman nung isa niyang kasama.

"Ang Bobo niya."

"Oo nga. Ang tapang naman niyang gawin yun kay Princess Cheska."

Yan mga pinagsasasabi nila. Nagsorry na naman ako. Bakit ganon? Hindi niya ba ko mapatawad at ipinahiya pa niya ako sa buong school dahil lang sa nabangga ko siya at natapunan ang damit niya. Ang liit liit na bagay ng nagawa ko pero grabe na 'tong ginagawa niya sakin.

Mas masakit. Mas nakakadurog ng puso.

Nananalangin ako na sana may tumulong sakin. Nananalangin ako na sana may magtanggol sakin. Pero wala. Walang taong naawa sakin hanggang sa kinuha ni Cheska 'yung gulaman nang katabi niya at ibinuhos sa ulo ko.

Nagsisimula na pumalibot sa gilid ng mga mata ko ang mga luha hanggang sa hindi ko na napigilan na umiyak ng todo. Tuloy tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko.

Isa-isang nagtawanan ang mga estudyante na nakapalibot sakin at sumisigaw sila, "Lampa!"

"Lampa! Lampa!" sabay turo nila sakin.

Walang tigil sila sa pagtawag sakin ng lampa. Lalo pang lumakas ang pag-iyak ko. Nanghihina ako ngayon pero pinilit ko padin ang sarili ko na makatayo at tumakbo papalayo sa kanila hanggang sa dahan-dahang nanawala sa pandinig ko ang mga ingay na isinisigaw nila.

Napatigil naman ako sa pagtakbo ko ng makita ko si Daniel sa harapan ko. Nagkatitigan tuloy kami at para bang nagtataka siya kung anong nangyayari sakin.

After ng mga ilang segundong pagtititigan namin ay nagpatuloy na ako sa pagtakbo at hindi na lang siya pinansin. Nang mapagod ako sa kakatakbo, umupo ako sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa may school garden.

"Nagsorry naman ako. Anong masama dun? Sorry na nga eh? Di pa ba niya maintindihan yun? Hindi siya marunong magpatawad. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari kanina." patuloy padin ako sa pag-iyak.

"Lampa ba talaga ako?" yan ang mga katagang nasabi ko sa sarili ko.

"Anong lampa ang sinasabi mo diyan ha?" sabi ng isang boses lalake kaya napalingon ako kung sino yun at si Daniel lang pala. "Kanina pa kita hinahahanap. Bakit ka nga pala umiiyak?"

Kinwento ko. Kinwento ko lahat ng mga pangyayari kay Daniel. Simula sa time na nasa cafeteria ako hanggang sa pagkakabangga ko kay Cheska at sa pagpapahiya sakin ng buong school.

Pagkatapos ko ikwento lahat lahat ng nangyari, kinausap niya ako. "Hayaan mo, simula ngayong araw, wala ng mang aaway sayo. Kung meron man, ako na ang makakaharap nila." sabi ni Daniel sakin na nakapagpakunot ng noo ko sa sobrang pagtataka. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

Pero dahil sa sinabi niya, napangiti ako. Napasaya niya ako. Dahil sa sinabi niya, parang nawala lahat ng mga problema ko. Parang walang nangyaring pagpapahiya sakin kanina.

"Simula din ngayon, ako na ang magiging Bestfriend mo. Kaya sana, wag ka nang umiyak diyan." sabay nginitian niya ako. "Punasan mo din ang mukha mo. Lalanggamin ka for sure. Amoy gulaman ka kasi."

Dito lahat nagsimula. Dito nagsimula ang pagiging matalik naming magkaibigan. Isang kwentong hinding-hindi ko makakakalimutan. Isang kwentong napakalapit sa puso ko.

"Seryoso?" may pagtataka sa tono ng boses niya, "Paano? Paano siya naging gwapo? Paano siya sumikat nga basta-basta? Natalo pa ata ako sa kagwapuhan ng isang baduy na tao."

"Parang sinasabi mo panget din ako," palokong kong sabi, "baduy lang siya. Pero hindi siya panget. Siguro natuto siyang mag-ayos. napatanggal na ang braces niya, ibang hairstyle, ibang outfit. Maraming pwedeng gawin. Pero feeling ko maganda talaga genes nila."

"O-okay." Sagot niya na mukhang hindi padin na niniwala. "May tanong ako sayo. Gusto mo ba si Daniel?"

"Si Da-Daniel?"

"Oo, si Daniel. Gusto mo siya?" ulit pa niya.

"Kung mahal ko yun?" tanong ko pa, ayaw maniwala ng utak ko sa sinasabi niya.

Bumibilis. Bumibilis na naman an tibok ng puso ko. Nag-iinit, nag-iinit na naman ang mga pisngi ko.

"Ang tanong ko, kung gusto mo siya pero 'yung iyo mahal na agad. " sabay tawa niya ng malakas, "mahal mo nga si Daniel."

Oo, mahal ko siya.

"Si-siguro."

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!