Chapter 53 (September 30, 2011)

887K 10.6K 1.6K
                                    

DATE POSTED: September 30, 2011



Note muna:

Yung line sa play ay totoo. Galing talaga yun sa The Princess Bride. Hindi lang dahil sa gusto ni Harley ng kiss haha. Translated lang sa tagalog kaya kung nabasa niyo man yung book baka medyo iba haha.


Chapter 53

"Simula ng maimbento ang halik noong 1642 BC, meron lamang limang pinaka-marubdob at masintahin, pinaka-dalisay at wagas. Pero natalo lahat sila ng halik na ito." Sabi ng stage manager.

Ito ay linya dapat ng lolo na nagsisilbing story-teller ng storya. Nakatayo na ang stage manager mula sa upuan niya habang sinasabi ang narration.

Palakpakan naman ang tao sa auditorim.

Si Jhone lang yata ang naiwang nakaupo. Paanno't hindi niya mapaniwalaan na parang sobrang na internalize yata ni Phoebe ang role ni Buttercup at pati kiss na hindi naman kasama sa audition piece ay nagawa ng mahusay. Parang napapaiyak si Jhone.

"OIII!!!" nang mapasigaw si Jhone. Napansin niya kasi na umiilaw ang bulsa ni Phoebe. "FIBBS CELLPHONE MO!!!"

*

Tska pa lang parang natauhan si Phoebe ng marinig ang sigaw ni Jhone. Napatingin siya sa mga nakaupo. Iba-iba ang reaksyon ng mga ito. Pero nagpapalakpakan naman ang karamihan.

"That was... wonderful" sabi ni Harley sa tabi niya.

Pero hindi niya na narnig yun. Ngayon niya lang nararamdaman ang nagva-vibrate na cp sa bulsa.

"Sh*t! Kaya ko nga nilagay sa bulsa eh!" pababa na siya ng stage.

"Isabelle?" habol ni Harley.

"Sorry... Ano thank you din... Thank you po.." sabi niya rin sa mga nasa table.

"Hello???" nagmamadaling sagot niya habang tumatakbo palabas ng auditorium.

"Hoy engot! Bakit ang tagal-tagal mong sagutin!!" sigaw ng nasa kabilang linya.

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya hindi niya na naman aabutan ang tawag ng asawa."

"FIBBOY PALABOY!!! WAIIT!!!!" narinig niyang sigaw ni Jhone na humabol na din sa kanya. "Si Kent yan?"

Tumango siya.

"HOY Magsalita ka! Sayang ang tawag ko! Ang mahal mahal kaya ng---"

"Miss na Miss na kita Kent!!! Buti tumawag ka!!! Hwag ka ng sumigaw."

"Ayeeeeee!!!" asar ni Jhone na nakalapit din ang tenga sa telepono niya.

"Si Jhone ba yun? Nasaan ka na ba? Bigla kasi akong... nag-alala sayo engot ka. Ang engot engot mo pa naman baka may nangyari nang masama sayo. Nasa set nga ako ngayon eh. Bigla lang kasi akong... nag-alala. Hay ewan ko ba.."

Bigla silang nagtinginan ni Jhone. Parang sa tinginan nilang mag-kaibigan ay nagkaintindihan sila at parang sinabi sa isa't isa na Naramdaman niya yun?

"Baby ko??" sabi pa ulit ni Kent ng hindi magsalita si Phoebe.

"Ahhh oo. Si Jhone toh.. Nasa school pa kasi kami eh."

"Nasa school pa din? Anong oras na ba diyan? Diba sinabi ko umuwi ka agad?" saway ni Kent

"Ano kasi... ano.... Nasa school pa ako... kasi...." tumingin siya kay Jhone na parang humihingi ng tulong kung anong sasabihin niya

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon