Note muna:

Yung line sa play ay totoo. Galing talaga yun sa The Princess Bride. Hindi lang dahil sa gusto ni Harley ng kiss haha. Translated lang sa tagalong kaya kung nabasa niyo man yung book baka medyo iba haha.

 

Chapter 50

 

“Simula ng maimbento ang halik noong 1642 BC, meron lamang limang pinaka-marubdob at masintahin, pinaka-dalisay at wagas. Pero natalo lahat sila ng halik na ito.” Sabi ng stage manager.

Ito ay linya dapat ng lolo na nagsisilbing story-teller ng storya. Nakatayo na ang stage manager mula sa upuan niya habang sinasabi ang narration.

Palakpakan naman ang tao sa auditorim.

Si Jhone lang yata ang naiwang nakaupo. Paanno’t hindi niya mapaniwalaan na parang sobrang na internalize yata ni Phoebe ang role ni Buttercup at pati kiss na hindi naman kasama sa audition piece ay nagawa ng mahusay. Parang napapaiyak si Jhone.

“OIII!!!” nang mapasigaw si Jhone. Napansin niya kasi na umiilaw ang bulsa ni Phoebe. “FIBBS CELLPHONE MO!!!”

*

Tska pa lang parang natauhan si Phoebe ng marinig ang sigaw ni Jhone. Napatingin siya sa mga nakaupo. Iba-iba ang reaksyon ng mga ito. Pero nagpapalakpakan naman ang karamihan.

“That was… wonderful” sabi ni Harley sa tabi niya.

Pero hindi niya na narnig yun. Ngayon niya lang nararamdaman ang nagva-vibrate na cp sa bulsa.

“Sh*t! Kaya ko nga nilagay sa bulsa eh!” pababa na siya ng stage.

“Isabelle?” habol ni Harley.

“Sorry… Ano thank you din… Thank you po..” sabi niya rin sa mga nasa table.

“Hello???” nagmamadaling sagot niya habang tumatakbo palabas ng auditorium.

“Hoy engot! Bakit ang tagal-tagal mong sagutin!!” sigaw ng nasa kabilang linya.

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya hindi niya na naman aabutan ang tawag ng asawa.”

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!