Chapter 5: Babyboy

306K 3.8K 183

CHAPTER 5: Babyboy

His lips met mine. I am shocked and I think he is too. Baduy man o weird pakinggan pero parang may… spark. Hindi sya actually spark na tulad ng sa paputok, basta it was really unexplainable. An unidentified flying object este unidentified flying feeling. Antagal namen sa ganong position, ayaw magfunction ng system ko. Ano ba Sai! Gising!


“woo!!!” nabigla ako ng marinig ko ang palakpakan ng mga tao, andami na palang nanunuod samen. Dun lang parang gumana ulit ang system ko, tinulak ko sya palayo saken at tumayo at naglakad palayo.


”ay tae!” natalapid pa ako habang naglalakad palayo. Dumiretso na ako paalis. Hindi nya ba ako pipigilan o hahabulin?

Para saan naman Sairyl? Bakit nya naman gagawin yun?


Umm.. pare i-explain yung nangyari? Para pag-usapan yung nangyare? Ah ewan! Bakit ba pumasok sa sira kong tuktok na dapat nya akong habulin? Titigilan ko na nga ang panunuod at pagbabasa ng love stories! I’m mixing fantasy and reality tuloy!


-----


Pumunta na lang ako sa mall para magpalamig.

”one solo hawaiian pizza please.”

“coming right up, ma’am.” At nung matanggap ko yung order ko eh umupo na ako sa isang bakanteng table. Sinimulan ko ng kumain.

“sorry babygurl, katatapos lang kasi ng practice namin.”




”ok l—“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng pagtingin ko sa kanan ko eh nakita ko yung lalaking nagsalita sa table malapit sakin na humalik sa pisngi nung babae.

Akala ko si Cedric… babygurl kasi…

Sira! Matagal na kayong wala!

Oo nga pala. It’s been a year. I miss you babyboy. :(



I miss those times wherein he would say sorry to me for being late then he would kiss me on my cheeks. I miss it badly, if only past would repeat again. :(


Then a guy in a jersey shirt passed in front of me and when he turned his back, I saw number “08”, the day we become an official couple. Is it a sign? Or fate is just teasing me?


“No. I said 8 signs! Repeat mo nga!” nabigla ako ng may magsalita sa likod ko, sa table malapit sakin. Tinignan ko ito at nakita ang isang babae ang nag-aaral kasama ang kaibigan nito, nagtatalo ata sila sa isang certain topic ng pinag-aaralan nila.


8 signs? Please repeat?


Signs? What does it mean? Fate? Destiny? What?!

I just had the 1st sign… 7 signs left? Should I believe with these signs? Ahhh. Nakakagulo ng isip! Napaparanoid ako masyado! >.<


Iniumpog ko na lang ulo ko sa lamesa. Litong lito na ako!

Iniwan ko na yung pagkain ko at dinala ang cup ng inumin ko, naglakad-lakad ako habang nahigop sa inumin ko.

”asan ba basurahan…” iginala ko yung paningin ko, ”ah! Ayun.”


Nilapitan ko yung basurahan pero napatingin ako sa damit na nakadisplay sa store na katabi ng basurahan. Pinagmasdan ko yung damit at habang pinagmamasdan eh sinubukan kong itapon ung baso na may laman pang kaunti sa basurahan.


*SPLASH!*


”yikes! My shirt!”

Nagkamali ako ng tapon ng cup since hindi ako nakatingin  dahilan para matapunan yung lalaking padaan sa malapit sa basurahan, hindi ko na natignan pa yung lalaki kasi nataranta ako ng makita kong nabasa ko yung shirt nya kaya agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang shirt nya.


”sorry. Sorry po. Hindi ko po si—“

”Sairyl?” napatigil ako sa pagpupunas at napatingin ako sa mukha ng lalaki.





”babyboy?” O___O

END OF OF CHAPTER 5.

My Ex-boyfriend and I [Original]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!