Kaibigan Kita Alam Mo Ba?

325 5 8

Kaibigan kita, alam mo ba?

Kahit sandali pa lang tayo magkakilala

Kaibigan kitang talaga

Kung alam mo lang sana.

Lagi tayong magkasama

Lagi tayong tumatawa

Magkasama sa lahat ng pagsubok

Kahit na ito'y nakakatakot.

Problema'y 'di maiwasan

Dahil sa mga hindi pagkakaintindihan

Madalas nagkakatampuhan

Kinabukasan hindi na nagpapansinan.

Ganyan ang buhay ng magkaibigan

Tila bagang walang katapusan

Tawa dito, tampo doon

Iyak dito, hihingi ng tawad doon.

Minsan ayokong mag-away tayo

Dahil para bang tayo'y mga bato

Walang komunikasyon, walang kibuan

Maghapong hindi nagpapansinan.

Hindi matapus-tapos ang away natin

Kung walang kakausap isa sa atin

Alam kong nagtitiisan lang tayo

Kung sino ba ang unang lalapi't magsasabi ng totoo.

Gusto kong humingi ng tawad

Sa mga kasalanang aking nagawa

Patawarin mo sana ako, kaibigan

Kung lagi na lang kitang sinasaktan.

Ayokong mawala ka sa akin

Sapagkat ika'y mahalaga sa akin

Kaya nga sana maintindihan mo

Kung ako'y minsan nagkakaganito.

compilations of my poemsRead this story for FREE!