Lesson..

98 1 2

Sabi nga ng karamihan.. kung mahal niyo ang isa't isa, ipaglaban.

Pero hindi naman sa lahat ng oras ay dapat na ganito ang mangyari dahil minsan, kahit mahal niyo ang isa't isa, dumarating parin sa punto na puro sakit na lang ang nararamdaman niyo pag magkasama kayo.

Gaya na lang ng nangyari sa aming dalawa ni Nat..

Alam naming dalawa na mahal namin ang isa't isa pero hindi na namin pinilit ang mga sarili namin dahil lagi lang naman kaming nasasaktan.

Pinapangunahan kami pareho ng takot dahil sa mga nangyari noon.

Siguro nga hindi sa lahat ng oras mahal mo ang makakatuluyan mo.

In short..

Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.

Yun lang naman yun eh.

Kailangan na lang natin tanggapin sa sarili natin na kung may umalis, may darating na bagong mas makakapagpasaya sa atin.

Ang ibibigay kasi sa atin ng Diyos ay hindi ang taong gusto nating makasama kundi ang taong kailangan nating makasama.

Thank God na lang na nagkakilala kaming dalawa.

Dahil kay Nat, natuto ako ng maraming bagay tungkol sa buhay ng tao.

Melody nga pala..

And this... is a story of mine.

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!